[6] Love, trust and a lie

306 4 0
                                    

***

Sa sumunod na araw, pasalamat na lang ako dahil matapos ng pangyayaring yun ay walang pasok kinabukasan buhat ng biglaang pagkakaroon ng malakas na ulan at pagbaha sa paligid ng university na pinapasukan ko.

Kaya heto ako ngayon, nakakulong lang sa kwarto ko habang nag fa-facebook at kausap si Ron sa cellphone.

[“Huwag kang lalabas ng bahay ngayon, Babes huh? Masyadong delikado. Mabaha sa daanan. Diyan ka na lang sa bahay niyo muna.”]

Napangiti naman ako sa sinabi niya. At saka, na-miss ko din siya. Kahit kakakita lang naming nung isang linggo. Pumunta siya dito sa bahay para bisitahin ako at sina mama na din.

“Opo. Huwag kang mag-alala Babes, dito lang talaga ako sa bahay. Kilala mo naman ako, hindi ako gala. Mas pipiliin ko magstay sa kwarto ko buong magdamag kesa sa mamasyal kung saan-saan.”

[“Alam ko yun, Babes.”] narining ko pa ang mahina pa niyang pag tawa sa kabilang linya. [“Pero saan ka kahapon? Tumawag ako ng 7pm diyan sa inyo pero wala ka pa daw sabi ni Mama. Saan ka nag punta?”]

Bigla akong kinabahan sa pagtatanong niya. Shiiiz, ano sasabihin ko?

“A-Ah… binisita ko lang yung kaklase ko! may sakit kasi eh!” mabilis na sagot ko naman.

[“Sinong kaklase?”]

“Y-Yung kaklase kong b-babae! Hindi lalaki ah!” sagot ko ulit. Namamawis na ako sa sobrang nerbyos.

Narinig ko na naman siyang tumawa ng mahina sa kabilang linya. [“Babes, hindi ko naman tinatanong kung babae o lalaki yung kaklase mo. Ang tanong ko ay sino, at anong pangalan niya?”]

Bigla akong napatigil sa paghinga. Oh-em-gee… bahala na si catwoman. Ayoko man mag sinungaling but the situation doesn’t give me any choice at all. Baka kapag sinabi ko yung totoo ay ma-misunderstood ni Ron yung pangyayari at baka masira ang relasyon naming kaya nga lang, ayoko naman din na magsinungaling sa kaniya.

Bahala na talaga.

“Si K-Kyla…” napayuko na lang ako at napatiim na napapikit. Sorry Kyla kung idadamay pa kita sa kasinungalingan kong ‘to. Haaaay.

[“Kahit lalaki pa yang kaklase mo, kung iniisip mo magagalit ako at magseselos, nagkakamali ka. Masyado kitang mahal and I trust you. At alam ko din na ako ang mahal mo, di ba?”]

Just give me a reason (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt