[12] Run to you

208 3 0
                                    




"We need to talk about something when I get back."


Isang simpleng mensahe ang ipinadala ko kay Ron at Carlo. Magkaparehas, Oo pero iisa lang naman din ang sasabihin at gagawin ko. Kailangan kong magtapat, kailangan kong magpakatotoo. Ayoko nang patagalin ang kasinungalingan na ginagawa ko sa mga nakalipas na buwan. Hindi iyon patas sa dalawang lalaki na wala naman ginawa kung hindi ang mahalin ako.


I need to settle things out. Baka kapag hindi ko ginawa iyon ay parehas silang mawala sa akin. Tama si Ate Joanna at Daniella. Kailangan isang tao lang ang pipiliin ko. May masasaktan at masasaktan pa din sa gagawin kong desisyon. Pero ito ang nararapat na gawin.


"Gusto mo ng Puto?"


Napaangat ang ulo ko at nakita ko muli si Peter na nakatayo sa harapan ko at nakalahad ang palad na may supot at naglalaman nga ng Puto. Simula ng makilala ko ang taong 'to, halos araw-araw ko na siyang nakikita. Nag extend pa kami ng stay dito sa probinsya buhat ng nagplaplano si Papa na bumili ng lupain dito at ipasaka sa mga kamag-anak namin para may pagkakitaan ang mga 'to.


Mabait naman si Peter, kahit kakakilala ko pa lang sa kaniya ay nakagaanan ko na siya ng loob. Sa katunayan niyan ay may taglay pala siyang kakulitan din.


"Ano ba yan, sa tuwing nagbibigay ka sa akin ng pagkain, palaging walang panulak." Ungos ko at agad kong kinuha ang hawak niya. "Mamaya, mabulunan ako dito at malagutan ng hininga, sige ka."


Tumawa siya at sumilay ang pantay at maputing ngipin niya. "Huwag kang mag-alala, boyscout ako ngayon." Tinaas-baba pa niya ang makapal niyang kilay at nilabas ang isang bote ng sakto at binigay sa akin. May straw na din iyon. Aba, preparado na siya.


Wala sa sariling napangiti ako. "Wow, I'm impressed."


"Sus ako pa!" sabi niya sabay kindat. Napailing na lang ako at tinggap ang binigay niya. Sabi ko naman sa inyo, mabait tong si Peter kaya mas lalo pa akong namamangha sa kaniya. Napaka-down to earth!


Umupo siya sa tabi ko. Dun pa din ako naka-istambay sa ilalim ng puno ng mangga. Mahangin at talagang maaliwalas ang panahon. Mainit pero ayos lang. nangitim na nga din ako pero wala naman akong paki-alam.


"Oh ano na Jessie? Nakausap mo na ba boyfriend mo? O kahit yung manliligaw mo?" tanong niya. Alam na din niya dahil sinubukan kong hingian siya ng payo at Kung ano man ang sinabi ng mga taong nahingiian ko na ng payo, ayun din ang sinabi niya. May pagka madam Auring din tong si Peter eh.


Inirapan ko siya at kinagatan ang puto. Ang sarap talaga gumawa ng kakanin tong lalaking 'to! Nabanggit niya na naglalako daw siya ng kakanin noong elementary hanggang mga highschool siya. At dun daw niya nakuha ang pang matrikula niya. Ngayon ay Nanay na llang daw niya ang gumagawa pero paminsan-minsan ay tumutulong siya kapag hindi siya busy sa Masterals niya. Nakakabilib talaga tong si Peter. Gwapo na nga, matalino pa. Oooops, that has no meaning to it. Compliment lang yan sa kaniya.

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now