[1] First day high!

943 9 0
                                    

JUST GIVE ME A REASON

ONE SHOT

A story written by westprincess1793©

 ______________________________________________________

Sinong pipiliin mo?

Yung boyfriend mo na una mong minahal pero malayo sayo at minsan mo lang makasama...

O

Yung lalaking kakakilala mo pa lang pero minahal mo kaagad, malapit lang sayo at laging nasa tabi mo?

______________________________________________________

Babes, good luck sa first day. Ingat ka. I'll see you next week... I love you. :-*

Napangiti ako ng mabasa ko ang text mula sa aking boyfie na si Ron. Napasinghay na lang din ako dahil ilang linggo na din hindi kami nagkikita. Long distance relationship kasi kami. In short, LDR. Mahirap pero may tiwala kasi ako sa kaniya. Mahal na mahal ko pa. Kaya nga kami nag tagal ng dalawang taon, and still counting!

Nasa harapan ako ngayon ng gate ng Wellington University. Woooh, ang laki ng school na 'to. Nakakalula. Nakakatakot. Nakakakaba. Unang araw ko sa ika unang taon ko sa kolehiyo. This is scarier than the horror movies i've watched. Ibang lebel na ng edukasyon ang susuungin ko. Higher and better. Kailangan kong harapin ito para sa pangarap kong makapag tapos at maging magaling na chef.

By the way, I'm Jessie. 16 years old, first year in college taking up HRM major in culinary arts. Sa second year ko pa makukuha ang major ko so as for my first year in college, HRM student muna ako.

How to describe myself? Well... I'm outgoing, funny, friendly and most of all, a rocker. Hahaha! Joke lang. Im into boyish type of clothes kasi pero hindi ako to lesbian or what. Gusto ko lang manamit ng kumportable. Shirt, jeans and rubber shoes, then—voila! Ready to go na ako.

Okay, bago pa ako magdadaldal dito, i have to go inside, baka malate ako sa unang klase ko.

Nilagay ko na ang phone ko sa loob ng bag ko at dali-daling nakisabay sa agos ng mga estudyanteng nagpapasukan na sa loob ng unibersidad.

Umakyat na ako papunta sa classroom ko. May nakita akong dalawang babae na nakasandal lang malapit sa may pintuan. Mukhang mga kasing edad ko lang naman sila. Di kaya mga classmate ko sila?

"Hindi mo talaga ako papansinin, Rhian? Ganyanan na?" Nagtatampong sabi nung babaeng may kaliitan pero cute. Nakakatuwa din dahil naka-pigtail ang buhok niya. Para siyang elementary student dahil na din sa hello kitty na back pack niya.

"Ewan ko sayo, Nikki. Tigilan mo nga ako." Sagot naman nung babaeng may salamin at super black ang buhok. Maputi ito, may katangkaran at maganda.

Naisip kong kausapin sila tutal mukhang kaklase ko nga sila dahil sa hawak nilang registration form na tulad din ng saakin.

"Hello, guys. Dito ba kayo sa room na to? Section 110H din ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Kahit alam ko na, gusto ko lang makasigurado.

"Hi! Yes! 110H nga kami!" Masiglang sagot sa akin nung cute na girl. Nakakatuwa siya, mataas ang energy. "Ikaw din?" Tanong naman niya.

Just give me a reason (COMPLETE)Where stories live. Discover now