Kabanata 5: Training

100K 4.2K 364
                                    

Tahimik akong nakasunod kay Sean.

I'm just staring blankly at his back. Kanina ko pa ito iniisip. Gaano kalakas ang special ability niya? Kahit di niya ako nakita sa may library kanina ay alam niyang naroon ako dahil sa amoy ko. Damn! I'm starting to hate his ability!

Napatigil ako sa paglalakad noong tumigil din si Sean. Iginala ko ang paningin ko at walang emosyong pinagmasdan ang nasa harapan. Nasa harapan na kami ng isang pintuan. Ito marahil ang classroom namin.

Walang sabi-sabing binuksan ni Sean ang pinto ng silid. Natigilan ako. Well, I was expecting to see chairs, blackboard and other stuffs, a usual classroom thing, but I was wrong. All wrong. Mukhang di classroom ang pinuntahan namin ni Sean Miller. It was a wide empty room. Hindi naman siya totally empty, may long table ito sa bandang kanang parte ng room. At may tao din sa loob.

"Hello, Althea."

Napatingin ako sa bumati sa akin. It was Joseph Dawn. Taga-Enthrea Division. Earth attributer.

"What's with your bored and poker face look? Hmm?"

Nabaling ang attensyon ko kay Sydney. Now, she's talking. Sydney Wale from Lynus Division. Water attributer. And we have here from the Aundros Division, the fire attributer. Sean Miller.

Wow. Just wow. Sila ba talaga ang mga makakasama ko? Different attributers from the different Division of Tereshle!

Fire. Wind. Water. Earth.

"So, we're complete." Now, it was Sir Rocky. Di ko siya agad napansin kanina. He's leaning against the wall. Seryoso ang pagmumukha nito habang nakatingin sa gawi namin.

"Sa tingin ko ay di mo na kailangan makilala pa ang tatlong ito, Miss Magnus. I've already introduced them when we were at your home town, Zhepria. Now, let's proceed with your training," anito sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

"Training?"

Wala sa sarili kong tanong kay Sir Rocky. Unang araw ko dito sa Tereshle Academy ay training agad?

"We're the Shendra group, Miss Magnus. Don't expect to do the basics. Nasa tables ang mga armas na gagamitin niyo. Pick the one that suits your abilities. Go."

Gusto kong irapan si Sir Rocky. What's up with him today? Ang init yata ng ulo niya ngayon?

Pagdating ko sa mesang tinutukoy ni Sir Rocky ay napanganga ako. Wow! Ang gagandang armas naman ang mga ito! Minsan lang ako makakita at makahawak ng ganito sa Zhepria. Masyadong mahal ang presyo ng mga ganitong klaseng armas kaya di na ako nag-abala pang bumili. Tanging lumang espada lang ni Lolo ang ginagamit ko tuwing nag-eensayo ako sa Mount Zenda. Pero ngayon, mukhang makakagamit na ako ng iba maliban sa lumang espada namin sa Zhepria!

I picked the sword.

Magaan lang ito kaya naman ay tiyak kong di ako mahihirapang gamitin ito. I smiled. My body become excited with the thought of using this weapon too!

"Sword, huh?"

Napalingon ako sa nagsalita. It was Sydney. Again. Di ko alam ang problema ng isang ito. Masyado siyang nagtataray sa akin. Bitch!

Di ko na lang pinansin si Sydney. Ayaw kong makipagtarayan sa kanya. Wala ako sa mood.

Matapos kong makapili ng gagamiting armas, lumapit na ako kay Sir Rocky. Ipinakita ko sa kanya ang espadang napili.

"Sword? Do you know how to use it, Miss Magnus?" tanong ni Sir Rocky sa akin.

"Yes, Sir. Espada ang palaging gamit ko tuwing nag-eensayo ako," simpleng sagot ko dito. Nakatingin lang si Sir Rocky sa akin. Pinagmasdan niya ang hawak kong sandata at ngumiti. "You know what, Miss Magnus. Mas maganda kang tingnan kung nakangiti ka. Don't force yourself to be something you're not, okay?" makahulugang sambit nito sa akin. I remain my straight face. Now what? Kasama ba sa training na ito ang pagngiti ko? I don't think so.

"This is me, sir. Deal with it. I don't need to change to pleased someone or everyone. Mag tratraining na po ako," wika ko sabay talikod sa teacher namin. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung pinagsasabihan ako nang kung anu-ano? Smile? As if naman may panahon ako para doon. I'm not here for that. I'm here to become a better Zheprian.

Tumungo na ako sa pinakadulong parte ng training room. Dito na lang ako magsasanay. Inangat ko ang espadang hawak at tiningnan itong mabuti. Talagang namamangha ako sa espadang itong. Masyadong pulido ang pagkakagawa dito. Maging ang disenyong nasa hawakan nito ay maganda sa paningin!

Napahigpit ang hawak ko sa espada noong may naramdaman ako. My hearing sense become active! Agad kong isinangga ang hawak kong espada sa akin atakeng ibinigay sa akin. Seryoso kong tiningnan ang taong walang sabi-sabing sumugod.

"Sharp senses, Althea," nakangising turan ni Joseph.

Walang hiyang lalaking to! Sugurin ba naman ako habang nakatalikod. I used my force para naman maitulak ko siya. He step backwards.

"Wow, ah! Next time naman magsasabi kang susugod ka na para naman mapaghandaan ko," galit na bulalas ko dito. Ngumisi lang ang gago.

"Come on, Althea. Hindi na kailangang magpaalam ang kalaban mo," nakangiting wika nito sabay taas ng kilay.

Ganito ba talaga ang taga-Shendra?

Umirap ako sa kanya. Hinawakan ko nang mahigpit ang espadang hawak ko. Fine! Edi, huwag na magpaalam!

Sinugod ko sa Joseph.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay napatigil na lang ako. The hell! Asan na iyon? Nagpalinga-linga ako sa paligid. Bigla na lang kasing nawala sa paningin ko ang hinayupak na Joseph na iyon! I know, nasa paligid lang siya. I need to focus. Ano bang special ability nang isang ito?

Napalingon ako sa kanan ko. Parang may dumaan na napakabilis. Or not?

"Looking for me?" Napasinghap ako nang maramdaman ko siya sa likuran ko. I slash my sword behind me pero wala akong natamaan. Nawala na naman siya!

Now, I know his special ability. Teleportation. From one place to another. Kaya niya manatili sa ibang dimension kaya di ko agad siya makita. But I can hear his breathing and pulses. Maging ang hangin ay may ibinubulong sa akin. I smiled wickedly. Now, Mister Enthrea. Wag na wag mong mamaliitin ang isang Zheprian.

Wind is always on our side.

Agad akong tumakbo sa gitnang bahagi ng training. Itinutok ko agad ang espada ko at saktong lumitaw si Joseph, isang pulgadang layo lamang mula sa espadang hawak ko.

"Boom. Gotcha," I smirked at him. Halatang gulat siya sa nangyari. Natigilan siya at nagpabuntong hininga. Mayamaya pa'y ngumisi ito at nagtaas ng kamay.

"Okay. You win," sambit niya bilang pagsuko.

"Don't forget that I can hear you, Mister Earth Attributer. And the wind is always on my side," I said sabay talikod sa kanya.

"That's a nice show, Joseph, Althea."

Natigil ako sa paglalakad ng magsalita si Sir Rocky. I faced him. Nandoon sa tabi niya si Sydney at Sean. Mukha pinanood nila kami ni Joseph sa laban namin kanina. Well, kung laban bang maituturing iyon. Mukhang nagtaguan lang kami dahil sa ability niya at ako naman ang taya.

"Mukhang di nagkamali ang tatlong ito sa pagpili sayo, Miss Magnus," nakangiti pa nitong sabi sa akin. "At talagang nababagay ka dito sa Shendra."

Nakatingin lang ako sa kanila. I even saw Sydney rolled her eyes at me. Di talaga yata kami magkakasundo ng isang ito. While Sean, well, Sean will always be Sean. Bored face and his deadly stares.

Mukhang masasanay nalang ako sa kanila.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon