Kabanata 11: Punishment

92.5K 3.9K 196
                                    

"I already told you before your assignment, no using of your attributes."

Kalmado ngunit madiing wika sa amin ni Ma'am Laureen. Nasa opisina niya kami ngayon. Prente siyang nakaupo sa upuan niya samantala kami ay nakatayo sa harapan niya.

Walang nagsalita sa aming apat. I mentally rolled my eyes. Tama nga naman, binilinan kami ni Ma'am Laureen na wag gumamit ng attributes. Now what? Kasalanan ko ba iyon? Na naman? Napanguso ako ng labi ko. Someone just ask me a goddamn favor, duh! Sinunod ko lang naman ang gusto ng group leader namin so I'm cleaned here!

Napatingin si Ma'am Laureen sa akin kaya naman ay napaayos ako nang tayo. Nakatuon ang paningin niya sa akin ngayon. Gusto kong irapan siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Sa uri ng titig niya, alam kong sa akin siya nagagalit.

Fine. Mukhang kasalanan ko nga.

"Miss Magnus. Explain," utos nito sa akin na inaasahan ko nang mangyari.

I sighed.

Now I need to explain myself to her and I hate that. I just looked at her. Straight face. Wala akong planong magpaliwanag sa kanya. Sa kanila. Like a zero percent of no plan of explaining.

Napabaling naman ako sa katabi nitong lalaki na tahimik na pinagmamasdan kami. Nandito din kasi si Sir Rocky, our class adviser. Namayani ang katahimikan sa opisina ni Ma'am Laureen. Bahala sila. Hindi ako magpapaliwanag.

"I told her to use her attribute, Miss."

Napalingon kaming lahat kay Sean noong magsalita siya. Now, he's talking. Finally! I mentally rolled my eyes.

"Ako ang kumausap sa kanya na gumawa nang force field sa paligid namin. Alam kong tatakas ang grupo nila Sebastian mula sa amin. Without that, her wind, tiyak kong hindi namin sila mahuhuli," paliwanag niya na siyang tuluyang nagpairap na sa akin.

Thank you, Sean. Thank you!

"Pwede niyo naman silang hulihin ng di ginagamit ang kahit anong attributes, Sean. Kilala ko kayo. You guys are strongest among the students here in the academy kaya nga sa inyo ko ibinigay ang misyon!" lintaya ni Ma'am Laureen sabay baling muli sa akin. "And how the hell you know that Althea was capable of creating that freaking force field, huh?" pahabol pa nito na nagpataas ng kilay ko sa kanya.

What? Nagpapatawa ba siya?Di ko ba kayang gumawa ng ganoon? Am I not capable of doing that?

'Althea! Stop it! Di ba no using of attributes ang mission na ito?'

Napatigil ako sa sinabi ni Sydney sa tabi ko. Pero di ko pa rin inaalis ang force field na ginawa ko. Nasa loob nito sila Sean at yung limang lalaki. I wonder kong anong nangyayari sa loob. Sean and Joseph, I know they can managed my attribute, goodluck sa iba.

'Just following an order, Syd.' sambit ko dito at nginisihan siya. Napansin kong natigilan siya at napailing kaya naman nagkibit-balikat na lamang ako.

Pinakiramdaman ko kong anong nangyayari sa loob ng force field na ginawa ko. They're fighting, that's for sure. Mayamaya pa'y halos mapanganga ako sa lakas na kapangyarihang naroon sa loob. The hell! What is this?

I can feel it. Kay Sean iyon! Kapangyarihan niya ang nararamdaman ko. Then it hit me! Oh great! Fire and Wind. That combination screams disaster. Dangerous. Powerful. Damn it! He's using my attribute para mas palakasin ang attribute niya.

Sean! Naisahan mo ako!

Naalala ko pa noong dinissolve ko ang force field na ginawa ko. Nakangising Sean at Joseph ang bumungad sa amin ni Sydney samantalang halos walang malay ang limang lalaki. Ano kaya ang pinaggagawa nang dalawang to?

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon