Kabanata 10: Please

92K 4K 235
                                    

Tahimik kaming naglalakad ngayon sa papuntang library. Ako, si Sydney, Joseph at Sean. Ni isa sa amin ay walang naglakas loob na basagin ang katahimikang bumabalot sa amin ngayon.

It's already one o'clock in the morning. Tahimik ang buong Tereshle Academy. I activated my senses para naman mas aware ako sa paligid. Tanging paghinga lamang at mga yapak ng mga kasama ko ang naririning ko ngayon.

Napatingin ako sa malapad na likod ni Sean. Napahawak ako sa baba ko habang may inaalala. I know it was him. Boses niya ang narinig ko noong lumabas ako sa training room. Di ako pwedeng magkamali.

Mayamaya pa'y narating na namin ang library. Tahimik ang buong paligid. Nakakabingi. Nagpalinga-linga si Sydney. I bet she's using her special ability right now. She's scanning the whole place. Ganoon din ang ginawa naming tatlo. Kahit wala kaming special ability like her, we can sense something naman kung may kakaiba o mali sa paligid.

"Let's go and check the library." Basag ni Sean sa katahimikan.

Iba ang aura niya ngayon. Sean, the Shendra group leader. Seryoso. Mukhang mapanganib. Iyon ang nakikita ko sa kanya ngayon. Tumango lang kami bilang pagsang-ayon sa nais niya. Tahimik kaming apat na pumasok sa library. Since deactivated ang mga alarm na nakapalibot sa buong library, matiwasay kaming nakapasok sa loob.

Inadjust ko ang mga mata ko. Madilim sa loob at tanging liwanang lang mula sa buwan ang nagsisilbing munting ilaw sa loob nito. Inilibot ko ang paningin ko. Ngayon lang ako nagawi sa library simula noong nakapasok sa Tereshle Academy. Malalaking bookselves at sandamakmak na libro ang narito. Napasimangot ako. I hate books. Really. Kaya nga ayaw ko sa lugar na ganito. Nalulula ako sa dami nila.

"Maghiwa-hiwalay tayo. Look for something suspicious," utos ni Sean sa amin. Halos pabulong lang din noong sabihin niya iyon sa amin, yung tipong sakto lang na magkakarinigan kaming apat. I stay still. Inilibot ko ang buong paningin. Suspicious? I doubt makakahanap kami. Everything seems normal in this place kaya naman palaisipan sa akin kung ano ang tunay na pakay noong tatlong estudyanteng pumasok ng illegal dito.

Akmang hahakbang na ako para pumunta sa gawing kanan ng aklatan nong may narinig ako. I immediately close my eyes.

Focus, Althea!

"Stop."

Agad namang napatigil ang tatlo at napatingin sa akin. I opened my eyes then looked at them. I place my finger on my lips to stop them from making any noises. Itinaas ko ang isang kamay ko at pinigilan silang tatlo sa paggalaw.

'What now?' Rinig kong tanong ni Sydney through her thoughts. I ignored her.

One.

Two.

Three.

Four.

Shit!

Five.

Lima sila.

Napatingin ako sa mga kasama kong di pa rin gumagalaw sa kinatatayuan nila. Footsteps. Malapit na sila dito sa library.

"Come on. They're here," sambit ko sabay lapit sa tatlo. "Joseph, hawakan mo si Sean. Sydney, akin na kamay mo. Bilis," utos ko sa tatlo. Kahit naguguluhan ay sinunod nila ang nais ko.

Footsteps. Again. This time, mas rinig na rinig ko na ito. They're faster than I expected! Damn. Nandito na sila!

Tamang-tama lang noong pagbukas ng pinto ng library noong ginamit ko ang special ability ko. Invisibilty. Nakahawak ako kay Sydney at Joseph while Joseph is holding Sean's left arm. Kita ko ang paglaki ng mga mata nila. They didn't expect this thing coming, that's for sure. Gusto kong matawa sa naging reaction ng tatlo but I stop myself from doing something na ikabuko naming apat.

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon