Kabanata 26: Boundary

81.4K 3.2K 410
                                    

I can't believe this!

Tahimik kong tinitingnan si Adam. Nasa loob na kaming dalawa sa kuwebang pinagpapahingaan ko. Nakapikit na ito at sa palagay ko ay natutulog na ito ngayon. Pero hindi talaga ako mapakali sa nalaman ko.

The cursed magic from the book of Creation. Base sa nabasa ko, tulad ng mga attributes namin, this cursed magic is inborn. Pag di makaya ng owner ng magic na to ang lakas na mayroon siya, ikamamatay niya!

Adam is strong. I know it!

Pero anong ginagawa niya dito sa akin. Bakit nandito siya? Ano ang koneksyon niya kay Lolo Carlos? His master?

"Sleep, Athea."

I sighed when I heard his voice.

"I can't sleep."

Kita kong minulat niya ang kanyang mga mata at mataman akong tiningnan. He has a deep black eyes. Kita ko ang pagod sa mga mata nito.

"What's bothering you?" tanong nito.

"Everything," agarang sagot ko.

Totoo naman. Lahat ng nangyayari ngayon ay siyang gumagambala ng lubusan sa akin. Yung totoong katauhan ko, yung sa Eiwerds at sa Council. Lahat-lahat! Isama na sa listahan sila Sean!

"Everything will be fine, Althea," matamang sambit nito sa akin.

"I hope so."

Pasikat palang ang araw ay gising na kami ni Adam. Agad kong inayos at inihanda ko ang sarili ko. Kagabi ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga Eiwerds. Limited lamang ang impormasyong alam niya tungkol dito. Isa na doon ay kung saan sila nagkukuta.

Noong una ay nag-aalinlangan pa ako kong paniniwalaan at pagkakatiwalaan mo ba siya. Pero wala na akong ibang choice ngayon. Siya lang ang meron ako ngayon. He's strong and I know matutulungan niya ako. With his cursed magic, mas mapapadali ang plano ko. But I won't let my guards down! He's still a stranger to me, though.

"Adam."

Tawag ko dito habang naglalakad kami patungo sa sinasabi niyang kuta ng mga Eiwerds, the boundary ng Aundros at Zhepria!

"Hmmm," tugon niya sa akin.

"Si Lolo Carlos at si Lola, kumusta na?" nag-aalinlangang tanong ko. I heard him chuckled. He breathe out before answering me.

"They're fine. Nasa mansyon na ulit sila. They're waiting for you."

Natigilan ako sa sinabi niya. So nagbalik na sila sa mansyon? Kailan pa?

"Noong pumunta ka sa Tereshle Academy, agad silang pinabalik ng ama mo sa mansyon. They kept on track on you."

Di na ako nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad. So, everything is back to normal now. Ako na lang ang wala sa mansyon.

I sighed.

Noong makaramdam kami ng pagod ay nagpahinga muna kami. Kinuha ko ang bote ng inuming tubig at tinungga ko iyon. Pinunasan ko din ang pawis sa aking noo. Mataas na ang sikat ng araw at sa tansya ko ay mga nasa alas nuebe na ng umaga ngayon.

"Athea, may tanong ako," basag ni Adam sa katahimikang mayron kami. Tinaasan ko siya ng kilay bilang tugon dito.

"Anong ginawa mo sa mga nalaman mo sa Creation?" tanong nito sa akin. Natigilan ako at hindi agad nakaimik. Sasagutin ko ba? Para saan pa?

"Why did you ask?" sagot na tanong ko dito. Kita kung nangunot ang noo nito sa naging sagot ko sa kanya.

"Althea, you know how powerful the book of Creation is. Kaya nga tinago ito sa loob ng Tereshle Academy," pahayag niya sabay buntong hininga. "And I'm wondering kung paano napasayo ang libro."

Ngayon ay ako naman ang nagkunot noo sakanya.

"Simple, I saw the book from the library. At dahil di pwedeng hiramin ito, I stole it," walang ganang sagot ko at nagkibit-balikat sa kanya. Right! I stole the book. Kailangan kong malaman lahat-lahat ng nasa libro. Hindi pa sapat ang mga natutunan ko mula dito. I need more time to read and learned the whole concept of the book.

"The Eiwerds wants that book, Althea. Kaya mas lalong kailangan mong mag-ingat. Pag nalaman nilang nasa'yo ito, then they'll have you whatever it takes," turan niya.

Tumayo ako sa pagkakaupo ko then looked at him.

"I'll destroy them, Adam. And I will do everything I can to stop them from their evil plan. No need to worry about that. Bago pa nila ako makuha at masaktan, uunahan ko na sila."

Akmang maglalakad na ako nong may nakalimutan akong sabihin sa kanya. I smirked at him.

"And besides, di na nila ako kailangang hanapin at hulihin pa. We're going to there place, right? Let's go. Let's not waste our time here, Adam Strike."

"Right!"

Di ko na namalayan ang oras at ngayon ay hapon na! And we're almost there. The boundary of Aundros and Zhepria.

"Malapit na tayo. Be ready. Hindi natin alam kong anong mayron sa lugar na iyon," ani Adam. Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. This is it! We'll be facing the Eiwerds now.

Tahimik pero naging mas mabilis ang kilos namin ni Adam. Malapit na ding dumilim at mukhang mahihirapan kami sa madilim na paligid.

'Can you use what you've learned from the book of Creation?"

Napatigil ako sa sinabi ni Adam. He's using his mind to communicate with me. Then I remember something. Mastering something from the book of creation can give an extraordinary ability. And this ability only exist if there's an existing user too. And in our case, Adam and I are both user of the magic from the book. So it means.

'Let's do this!"

I said. Right! We can communicate through our minds now! Great!

'Remember, Althea. We are here to spy. To get information. So please, don't do something that might caught their attention.'

Wika nito. I rolled my eyes at him. Like duh! Alam ko ang ginagawa ko!

'Don't forget I can be invisible, Adam.'

I heard him chuckled.

Mas naging mas mabilis ang kilos namin ni Adam. Ang bilis ni Adam. His speed. It remember me of something, of someone.

Sean.

Napailing ako. Stop there, Althea!

Napatigil agad ko sa puwersang naramdaman ko. Maging si Adam ay napatigil din. Napalingon siya saakin at tumango.

'We're here.'

Pagkarinig ko noon ay agad kong inactivate yung second special ability ko. Now I'm invisible. Nilingon ko si Adam. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa gawi ko.

'Let's meet here after an hour. Be careful.' wika ko sa kanya sabay summon ng wind attribute ko. I created a small wings on my feet then immediately fly towards the entrance of the Eiwerds!

Nagpalutang-lutang ako sa harapan ng gate ng mga Eiwerds. Nagpalinga-linga ako. Akmang uusad na ako nang may narinig akong kakaiba.

Static.

I closed my eyes.

Shit!

Napasinghap ako sa napagtanto. This can't be happening!

Electricity!

I scanned the whole place.

Damn!

This whole damn place is covered by an electric force field! A freaking electric barrier! This is insane? Sinong Tereshlian ang may ganitong attribute? Damn it!

Now what? What to do, Althea?

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon