Princess of Zhepria Special Chapter

68.4K 2K 581
                                    

"Tigilan mo ako, Sean! Hindi ako sasali."

Seryosong wika ko sa lalaking kanina pa ako kinukulit dito sa kwarto ko. Well, hindi lang naman siya ang nangungulit sa akin, lima sila.

"Come on, woman. Don't tell me you'll cage yourself in this room?" tanong nito habang nakakunot ang noo nito.

Bored ko lang itong tiningnan. Bahala sila!

"Althea, sige na. Sumali na tayo. You ditch us last year, remember?" nakangising sambit ni Sydney sa akin.

I rolled my eyes at her.

Simula na ngayon ng Annual Foundation Days Celebration ng Tereshle Academy. And as usual, may taonang tournament ang Academy. And this year is the most exciting tournament that the Academy prepared for us, the students. Kaya naman kinukulit nila ako na sumali ang group namin. The tournament needs a group of six members, since lima lang sila, super effort sila sa pangungulit sa akin.

"Sige na naman, Althea. This will be fun!" wika naman ni Rhea sabay higa sa higaan ko. Nakahiga ako kay magkatabi na kami ngayon.

"Oo nga naman, Princess. Sumali na tayo," dagdag pa ni Adam.

"Not you too, Adam. Ang kulit niyo! Magsilayas na nga kayo sa kwarto ko!" asik ko sa kanila.

"Althea naman! Pumayag ka na!" reklamo ni Joseph. "This will be fun!"

Oh, shut up, guys!

"Fine! Sasali na ako! Now leave!" pasigaw kong sabi sa kanila. Nakita ko ang mga ngisi sa mukha nila. Ngising tagumpay. Mga istorbo!

"May meeting tayo mamaya. See you later," sambit ni Sean sabay lapit sa akin. Kunot-noo ko siya tiningnan.

Napasimangot naman ako noong maramdaman ko ang mga labi niya sa noo ko. He freaking kissed my forehead. And worst, sa harap pa ng mga kaibigan namin! Shit! This is embarassing! Gusto kong lamunin ako ngayon ng higaan ko. Oh, God!

Narinig kong sumipol si Joseph at Adam. Samantalang napatili naman ang dalawang babae kong kaibigan.

Shit naman talaga, Sean!

Nakangiting tumingin sa akin si Sean pagkatapos niya akong halikan sa noo ko. Dahil sa hiya ay agad kong iginalaw ang kamay ko sabay hawi sa kanya. Napaatras naman si Sean dahil sa ginawa ko.

"Whoa! Ang harsh talaga ng babaeng to," rinig kong reklamo ni Rhea sa tabi. "Hindi maka-appreciate ng sweetness," dagdag pa niya sabay halakhak.

"Leave," walang ganang wika ko sabay talukbong ng kumot ko. Shit! Nakakahiya talaga!

Rinig kong nagsilabasan ang mga kaibigan ko habang naghahagikhikan pa rin. Maging si Rhea ay lumabas rin at nagpaalam na tatambay lang muna sa cafeteria ng Academy.

'Woman.'

Napatanggal ako ng kumot sa mukha ko nong marinig ko ang boses ni Sean.

'Take some rest. Babalik ako mamaya para sunduin ka."

Napanguso na lang ako sa sinasabi niya. Ganyan si Sean sa akin. Mas trip niyang sabihin ang nais niyang sabihin sa akin through his thoughts.

'And by the way, you looked cute when you blushed.'

Kahit hindi ko siya nakikita ngayon, alam kong nakangisi ang isang ito. Leche talaga!

Sean and I are in good terms now. But no label. Mas okay lang muna siguro ang ganitong set-up. Marami pa kaming dapat asikasuhin sa ngayon. Ako, sa Zhepria at siya naman ay sa Aundros. We're both the heir of our respective division kaya naman we need to focus on our future responsibilities.

Tumayo ako sa pagkakahiga at nagsimulang mag-ayos ng sarili. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.

It's been a year since nalaman kong ako si Sophia Stone. Noong una ay inaamin kong naguluhan ako ng husto sa pagkatao ko. Well, sino ba naman ang hindi diba? But I've already surpassed that part of my life. Ngayon, I'm happy and contented kung ano ang mayron ako.

Napatingin naman ako sa markang nasa kanang kamay ko. Ito ang markang nagpapatunay na ako, si Sophia Stone o mas kilala bilang si Athea Magnus, ang nag-iisang taga pagmana ng trono ng bayan ng Zhepria.

I smiled.

I better keep on going. Tama na siguro ang pag-iinarte ko. Gusto ko naman talagang sumali sa tournament. I just want to pissed them off kaya nagpapilit ko.

I mentally laughed at myself at lumabas na sa kwarto ko.

A/N:

Yaaay or nyaaay?

HAHAHA Yan na po. Ito lang nakayanan ng utak ko. Peace. LulxD Thanks for reading guys! Hindi talaga ako magsasawang magpasalamat sainyo. Naooverwhelmed ako ng todo sa votes and comments niyo. Thanks! Hope na subaybayan din niyo po ang BURST INTO FLAMES. Mag eenjoy din po kayo dun. :)

Thanks again, guys! Mwhugs.

-LadyAries ♡

PRINCESS OF ZHEPRIA #Wattys2016 [ Published Under Pop Fiction #CLOAK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon