1

3.3K 65 0
                                    

Nasa veranda ng Pulse Bar si Mika at nagpapahangin. Malapit nang pumatak ang alas-dose ng hatinggabi pero buhay na buhay pa rin ang hilera ng kalye kung saan halos magkakatabi ang mga bar. Buhay na buhay ang clubbing.

Hindi talaga siya mahilig sa nightlife, ngunit naroroon siya dahil mayroon silang 'show' ng mga kasamahan. Show ang term o secret code nila sa kanilang operation tuwing mayroon silang naka-schedule na pakikipaglaban sa mga bampira, mga nilalang na lihim na umaatake at nagkukubli sa kalaliman ng gabi sa mga inosente at walang kamalay-malay na mga tao.

Pero sumasakit na ang kanyang ulo sa sari-saring ingay at sa mga laser lights, pati na rin ang pagpapatay sindi ng ilaw sa loob ng bar kaya naisipan niyang lumabas at magpahangin.

Mika smiled when she looked at the moon. It was big and full. The sight was so glorious and tranquil. Siguro, kung nasa isa siyang tahimik na paligid at walang mga patay-sinding ilaw, mas maa-appreciate niya ang view. But nonetheless, those mere electric lights couldn't outshine the glorifying luminance of the moon.

Nai-imagine niyang bumababa mula roon si Moon Princess para makipagkita sa Prince Charming nitong si Endymion. It was a wonderful story that had been passed down from generation to generation altered, changed. Nonetheless, she liked the story. But it was a tragic one.

Hindi fanatic ng mga tragic love story si Mika pero fanatic siya ng classic stories. Isa kasi siyang sinaunang tao by heart. Mahilig siya sa mga historical at naa-appreciate niya ang mga sinaunang pelikula at kung ano-anong artikulo, palabas, kuwento, larawan at iba pa basta may kinalaman sa mga sinaunang pangyayari. She liked the Reinaissance Period and the years before that.

Too bad Mika was not born during those times. Or she probably was and her soul just kept on reincarnating. At hindi naman nare-retain ang previous memory niya sa nakaraang buhay kaya hindi niya alam kung ano-ano ang pinaggagagawa niya noong mga nakaraang panahon.

She sighed. How she wished they were back in those times. Noong mga panahong simple, payak at hindi pa nilalamon ng technology ang mundo, sinisira ng mga tao ang sarili kagaya ng pagsira sa Inang Kalikasang umiiyak at humihingi ng saklolo sa mapanirang kamay ng mga tao.

She sighed again. Ewan ba niya kung bakit tila nalulungkot siya habang nakatingin sa buwan at nagre-reminisce ng nakaraan gayong wala naman talagang nakakalungkot.

Nagulat na lang din siya nang biglang tumulo ang kanyang mga luha.

"O? Bakit ka umiiyak diyan?"
Tiningnan nang masama ni Mika si Victonara, isa sa kasamahan niya sa Archer S. Madalas itong panira sa mga pagmo-moment niya. Tulad na lang ngayon. Bigla na lang sumulpot mula sa kung saan at ngayon ay katabi na niya nang hindi namamalayan.

Ganun naman palagi ang dalaga. Parang kabute na susulpot na lang sa tabi ni Mika. At kahit gaano pa kalakas ang pakiramdam ni Mika, hindi talaga niya nararamdaman ang presensiya ni Victonara. She could perfectly hide her presence when she really wanted it.

Pero walang choice si Mika kundi tiisin ang presensiya ng babae dahil ito ang ka-partner niya sa mga show nila sa Archer S.

She just gave her a haughty side-glance pagkatapos ay napailing na lang. "Do you mind?" mataray niyang sabi. "I'm having a moment here."

Sumandig naman sa metal baluster ng establishment si Victonara, nakaharap sa loob ng Pulse Bar kung saan tila mayroong riot sa loob. A band was playing downstairs and the people became rowdy and crazier than ever. Halo-halo at labo-labo na ang ingay na para kay Mika na may sensitive hearing ay talaga nga namang nakakairita na.

Bahagyang tumawa si Victonara. "Lagi ka namang nagmo-moment, hija. At sa tingin ko sa ganito kagulong lugar, ikaw lang talaga ang makakapag-moment. Ang ingay kaya. Ang weird mo talaga."

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now