32

977 43 4
                                    


The once human convulsed. . . blood bubbled from her mouth. Then the dying vampire grabbed her arm very hard... trying to take her down with her death. Nanatili lang na nakamasid si Victonara kay Shiela, na  ilang sandali pa at tuluyan nang naging abo.

Noon lang napaigik si Victonara at napahawak sa tagiliran. Now that she knew Mika was out of danger, relief flooded her mind. But her strength was starting to fade away after that final battle. Napahawak na lamang siya sa balustre ng terrace kasunod ng unti-unting panghihina at pagkakalugmok sa marmol na sahig.

NANG balikan ng malay si Mika ay si Victonara kaagad ang hinanap ng kanyang mga mata. Tahimik na ang buong paligid. Nakaramdam siya ng pangamba nang hindi mahagilap ng kanyang paningin ang dalaga. Hindi pa tuluyang bumabalik ang kanyang buong lakas pero may sapat na siyang lakas upang makakilos. She tries to sense Vic's presence. Napatingala siya sa bahaging terrace. Tinungo niya ang direksyon iyon.

"Vic!"

Natagpuan niya itong nakalugmok sa sahig. Sumasal ang tibok ng kanyang puso sa sobrang pangamba para sa kalagayan ng dalaga. Padausdos siyang napaluhod sa tabi nito at maingat na ipinaunan sa kanyang kandungan. She was still breathing, pero mahinang-mahina na. Bubbles of blood foamed out of her mouth. "Don't die, Vic, please. . ." umiiyak niyang wika. Tila pinipiga ang kanyang puso sa nakitang anyo ng dalaga. She became like that because of protecting her.

"Y-You're s-safe now," she said in a soft voice. Hinaplos niya ang mukha nito, nang marahan itong nagmulat ng mga mata. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"D-don't forget that I am always with you and will always be watching you, Mika... and that I love you." Her last word was almost soundless as her body literally kicked her into a deep coma-like state.

"No, Vic! Vic! Please, don't leave me!" panaghoy niya nang husto. Agad niyang hinalikan ng mariin sa labi ang dalaga baka sakaling magmulat ito ng mata pag naramdaman niya ang halik nito.

Ngunit hindi na muling kumilos pa ang dalagang abogado. Humalo ang malakas na pagsigaw ni Mika sa kalaliman ng gabi habang yakap niya si Victonara.

******

"KUMUSTA na ang pakiramdam mo?"

Nilingon ni Mika si Den, na may dalang sariwang mga bulaklak at nakangiting palapit sa kanya. Sumulyap lang siya rito at pagkatapos ay muli nang itinuon ang pansin sa labas ng bintana. Naroroon siya sa isang private suite sa isang private hospital na kontrolado ng mga Galang. She sustained a lot of deep wounds that Den alone cannot heal, that was why she had to be confined in a hospital.

Hindi alam ni Mika kung papaano siya nakarating sa ospital o kung sino ang nagdala sa kanya roon. The last she could remember was the battle she had with Shiela Pineda and killing her.

And the scene after that. The scene where she lost Victonara. Right in front of her very eyes.

Hindi niya napigil ang pagpatak ng kanyang mga luha. Isang linggo na mula nang mangyari ang bagay na iyon ngunit tila sariwang-sariwa pa ang kirot at sakit sa kanyang puso. Hindi niya matanggap na tuluyan nang nawala si Victonara sa buhay niya.

Sanay siyang naroroon lang ang dalaga. Na bigla na lang itong susulpot na tila isang kabute. Isa sa mga dahilan kung bakit kinaaasaran niya ito. She was so used to having her around. . . protecting her. . . caring for her.

Pero binale-wala niya lahat ng iyon. Lahat ng ipinakita sa kanyang kabutihan ni Vic ay inignora niya. She even tried to deny the feelings she had for her. Pinilit niyang sikilin at ibinaling sa iba. Naging matigas ang ulo niya. Dahil lang sa tumatak sa isipan na nasaktan siya ni Victonara nang hindi sinasadya noong kabataan nila.

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now