15

899 35 4
                                    

"MIKA!"
Napapiksi si Mika nang marinig ang malakas na tinig na iyon. Pagmulat ng mga mata ay isang imahen kaagad ang rumehistro sa kanyang harap.

"VIC!"
"Huh?" Agad na kumunot ang noo ng babaeng nasa harap ni Mika, pagkatapos ay nagsnap. "I'm sorry for disturbing your rendezvous with Vic in your dream, my dear."

Kilay naman ni Mika ang nagsalubong sa narinig. "Jessey," usal niya. "What are you doing here?"

Pinamaywangan siya ng babae. Jessey was already in her mid-twenties but no one could tell. Maalaga kasi ito sa mukha at katawan kaya mukhang mas matanda sa kanya si Mika.

Jessey had been a widow for almost 3 years. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng dati nitong asawa sa ibang bansa. Her husband was Fil-Am, an art connoisseur. Dito natuto si Jessey. At first, it was only a hobby. But later on, it became her profession. And Jessey seemed to be happy about it.

Jessey was the romantic type. Epekto na rin siguro ng pagiging art connoisseur nito. She would always associate 'love' with her paintings. Hinahayaan na lang ni Mika ang babae kapag nagsisimula nang ma-hook sa pagkukuwento tungkol sa pag-ibig. Tutal, sa trip nitong iyon nabebenta ang paintings niya.

Jessey was a damn good art agent, if not the best out there.

"Hija, paanong hindi kita pupuntahan dito sa lungga mo gayong hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa iyo?" Pinandilatan pa siya nito ng mga mata.

"Pasensiya na, busy lang ako." She was not in the mood to argue. Kunsabagay, siya naman talaga ang tipo ng tao na hindi mahilig sa argumento kaya hinahayaan na lang niya tuwing natatalakan ng manager.

Nakita niyang napabuntong-hininga na lang si Jessey. Mukhang marami pa itong gustong sabihin sa kanya pero nagpasya na lang sigurong huwag nang sabihin pa. Inilibot na lang nito ang tingin sa studio niya.

Mika's apartment had three bedrooms. Ginawa niyang studio ang dalawa. She painted the walls mint-green, para malamig sa mata. Sa studio siya nagpapagulong-gulong kapag nag-iisip ng concept o theme para sa paintings. Medyo magulo nga lang iyon sa kasalukuyan dahil maraming nagkalat na canvass at pintura. Tinatamad kasi siyang mag-ayos at maglinis. Abala kasi siya sa pagpipinta.

Lumapit sa bandang kanan si Jessey kung saan mayroong nakatakip na puting tela. Hinawi nito iyon at bumungad dito ang ilang painting na natapos na. Some of them were acrylic on canvass while the others were oil on canvass. She also made some of her paintings acrylic and lacquer on wood. Jessey gave a satisfied nod then turned to her.

"I've also been ringing your door but no one is answering. Buti na lang at may spare key ako nitong apartment mo." Muli itong tinakpan ang mga canvass at lumakad palapit sa kanya. "And found you sleeping here."

"I wasn't. I was just taking a nap."
"But you were already dreaming of Vic right?" Nasa tinig na naman nito ang nanunukso.
"At last! I can see the bright future for the both of you ahead. It's about time!"

Napailing na lang si Mika. Wala namang bago sa panunukso nitong iyon. Of course, Jessey knew who Victonara was. Matagal na niya itong agent at ilang beses na ring nakita ang kababata niya. Ilang beses na rin kasi doon nagpang-abot ang dalawa.

Dati ay palaging tinatanong sa kanya ni Jessey kung sigurado raw ba siyang wala silang relasyon ni Vic. Nang paulit-ulit niyang sabihin na platonic ang relasyon nila ng kababata ay parang hindi iyon matanggap ni Jessey. Bakit daw niya pinapakawalan ang ganoong klase ng laman-tiyan? Jessey also had a crush on Vic. At number one fan daw ito ng love team nila ng dalaga kahit team fantasy naman ang tinutukoy nitong love team.

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now