12

879 38 0
                                    

Muling kumunot ang noo ni Mika. Tila kasi nakikita niya si Vic sa katauhan ni Kief na hindi niya maintindihan.

Naramdaman niyang may tumamang kung ano sa paanan. Nang tingnan niya iyon ay isang bola pala ang tumama sa kanya. Pagkatapos ay dalawang maliit na bata na magkamukha naman ang kanyang nakitang patakbong lumapit sa kanya. Dinampot niya ang bola at nakangiting inabot iyon sa bata.

"Salamat po," chorus na wika ng dalawa. They were wearing identical jumpers but in different colors. And they seemed to be smart for their age.
"Walang anuman," sagot niya, nakangiti.
Nang tumakbo na ang dalawa pabalik sa mga magulang, bitbit na ang bola, ay sinundan niya ng tingin ang mga ito. There was fondness in her eyes.

Somehow, she was wondering of the day when she would also have her own family. She wanted to raise one, too. Pero sa uri ng buhay na mayroon sila, parang napakaimposible niyong mangyari. Hindi niya gusto ipasa ang klase ng buhay niya sa kanyang magiging anak.

She wanted a normal family. A normal life for her would be children. Pero parang isang malayo na lang iyong pangarap.

Muling dumako ang tingin ni Mika kay Kief. Sa palagay niya ay maaasahan ang binata at responsible. He was a nice guy, too. Hindi mahirap na magustuhan niya ito. Ngunit hindi pa siya gaanong handang makipagrelasyon, lalo na at may dalawa siyang profession. A painter by day, a vampire slayer by night.

"I'm starting," abiso naman niya sa binata nang matapos isaayos ang kanyang paraphernalia sa pagpipinta.

"Sure," tipid naman nitong sagot at bahagyang tumingin sa kanya at ngumiti. Napabuntong-hininga na lang siya. With the life she was living with, one of her feet was always in peril. Ayaw niyang idamay sa kaguluhan ng buhay niya si Kief.

He was an innocent. The likes of her protected the likes of him. Parang hindi niya maatim na magulo ang buhay ni Kief nang dahil lang sa kanya. Tahimik itong namumuhay nang normal samantalang siya, maraming pasan na kaabnormalan, lalo na at hindi naman talaga normal ang kanyang buhay. Dahil kinakailangan niyang makipaglaban sa mga nilalang ng dilim.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nais pagsisihan ni Mika kung bakit pinili niya ang ganitong buhay noon. How she wished that somehow, she could turn back the time and rearrange it so that she would live a normal life again.

So that she could be free to love whomever her heart chose. And spend the rest of her life with that person.

*******

Vic was looking outside her car. Naroroon siya at nakaparada hindi kalayuan kung saan nakapuwesto si Mika at ang lalaking kasama nito. Imbes kasi sa Cassie Enterprise ay doon siya dumeretso habang si Rex naman ay nag-taxi na lang patungo sa pupuntahan dahil hindi naman daw nito kailangan ng sasakyan.

Nang sabihin sa kanya ni Rex na nakita nito si Mika na may kasamang lalaki ay hindi na siya matahinik. At tama nga ang sinabi ng pinsan. Mukha ngang masaya si Mika habang kasama ang lalaking iyon. Though the guy seemed oblivious of Mika's pretty smiles towards him, Vic knew of course that Mika had a thing for that guy.

Such a lucky bastard! She thought then sighed. Inside of her, she was really jealous of that guy. Bihira niyang makitang ngumiti nang ganoon si Mika. Matagal na panahon na rin ng huli niyang makitaan ng kasiglahan ang kababata. Alam niyang kadalasan sa hindi ay naiinis ito sa kanya. Dahil sa palagi niyang pagpapakita ng pag-aalala rito.

Pero masisisi ba siya ng kahit na sino kung ganoon man niyang pakitunguhan ang tanging babaeng nais niyang protektahan buong buhay niya? She almost lost her once, and she swore since that time she would do everything to keep Mika from any harm.

Which was ironic, of course, with the other profession that they had. They were vampire slayers. Of course, their lives were always in danger for dealing the stalkers of the night.

Madalas ay nais sisihin ni Vic ang sarili dahil ipinaalam pa ng kanyang pamilya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ni Mika. Siguro, kung hindi dahil doon ay normal ang buhay ni Mika ngayon. Siguro ay may pagkakataon siyang ipaalam sa dalaga ang tunay niyang nararamdaman. Siguro ay may pag-asa siyang magustuhan nito... Mahalin nito...

She knew Mika hated her. Probably because of a lot of things. And she was sure that one of those was because they turned her normal life upside down. For opening her eyes to their world. The world of the slayers and the vampires. Hindi niya alam kung kailan ito nagsimulang lumayo sa kanya. Basta isang araw na lang, nagising siyang malayo na ang loob ni Mika sa kanya. At naging mailap ang ngiti nitong gustong-gusto niya.

Alam din niyang isa pa sa kinaiinisan sa kanya ni Mika ay ang palagi niya ritong pag-aalala. Aware din naman siya sa kakayahan ng kababata. After all, she was the one who trained her when their family adopted her when she lost her parents. Siya ang tumulong dito upang mabago ang sarili. Ang nagmulat dito sa tunay na pagkatao ng kanilang angkan. Na hindi sila ordinary family lang. That their clan, since way back, were vampire slayers, hiding in the dark to protect the innocents who were being preys to bloodsuckers.

Kung si Vic ang tatanungin, kaya naman talaga ni Mika ang sarili nito. Na malayo na ang narating ng dalaga. Na mas malakas na ito kaysa sa ordinaryong tao. And she already had proven her skill that no vampire can defeat her in battle. Still, she could not bear the thought of leaving her all by herself. Kahit alam na niyang kaya na ng dalaga ang sarili, nais pa rin niyang makasiguro na palagi itong ligtas. She could not bear the thought of losing her once more.

After all, she was the first woman, and would probably the last woman, whom she would ever love her entire life.

Nag-ring ang kanyang phone kaya nabaling doon ang kanyang attention. Nakita niyang rumehistro ang pangalan ni Aly doon.

"We are going to have a meeting at the round table. Kianna's report just came in. Mukhang magsisimula nang magsikilos ang mga Gualtiero," ani Aly. She was referring to the pureblood vampires. Ang mga Gualtiero ang itinuturing na pinuno ng mga bampira.

They were hard to catch. Hard to trace. They always lurked at the backsides. Bibihira ang isang Gualtiero na mag-frontline. Kadalasan ay mga galamay lang ng mga ito ang kumikilos at usually ay naeengkuwentro nila sa labanan. They were considered the 'elites,' the royalties of the vampire clans.

Walang ordinaryong bampira ang kayang lumikha ng isa pang bampira kapag nakagat nito. Tanging ang mga Gualtiero lamang ang may ganoong kakayahan, at ang mga Nunzio ang pumapangalawa sa mga Gualtiero. Nunzios were half-bloods, almost immortals. But weak bloods however. Ang mga Nunzio ay mga bampirang nakagat ng mga Gualtiero. Ang pinakahuli sa ranggo ay ang mga Orfeos, humans bitten by Nunzios and were made vampires. But they were the weakest and the easiest to kill.

Orfeos were only fourth-bloods. Ngunit walang kapangyarihan ang mga ito at ang tanging ikinaangat sa mga tao ay ang pagiging abnormal at higit ang lakas sa normal na tao. Tulad ng mga Gualtiero at Nunzio, hindi tumatanda ang mga Orfeos. Hindi rin mamamatay kung hindi papatayin. Ang mga Orfeos ang kadalasang pumapatay ng mga tao. Orfeos were usually defeated during their hunting. Ang mga Orfeos ang sakit ng kanilang ulo dahil ang mga ito ang kadalasang naghahasik ng lagim.

"I see. Anong oras?" tanong ni Vic
"Be here before seven."
"Okay"
"If you're with Mika, just inform her. I'm not going to call her anymore."
Nagsalubong naman ang mga kilay ni Vic sa sinabi ng pinsan. "I'm not with---"

"You're not with her but I know you are stalking her," putol naman ni Aly sa anupamang sasabihin niya. "Don't deny it, Vic. Rex told me already."
Napabuga na lang siya ng hangin. "I'm not stalking her, okay?"

"Fine. You are just checking her out. And your rival as well."

#Miefer
#GaDez

Thanks for reading. Comments po if my suggestion po kayo.😂

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now