3

1.6K 43 0
                                    

It was always on the list of the top ten companies of the Philippines. But behind that was a dark secret that cannot be known. Or be heard. Or be seen.

That there were existing vampire slayers that eradicated vampires that lurked in the dark, preying on innocent and unsuspecting victims.

Bampira ang pumatay sa mga magulang ni Mika. Her parents were victims of a random killing that occurred that time. Dahilan upang naisin niyang mawala ang mga bampira, upang hindi na rin makapambiktima pa ng mga inosenteng tao tulad ng kanyang pamilya.

Wala siya sa bahay nila nang gabing mapatay ang kanyang mga magulang. Mayroon siyang nilalamay na proyekto at nagmamagandang-loob si Victonara na ipagpaalam siya sa mga magulang. Nag-overnight siya sa bahay nina Victonara dahil mayroong mini library ang mga ito sa bahay at ilan sa mga kailangan niyang reference book ay naroon. Kung siguro ay wala siya sa bahay nina Victonara, tiyak nakasama rin siya sa naging biktima ng mga bampira.

Mabait ang mga magulang ni Mika at kilalang tahimik na mga tao kaya alam niyang walang kaaway ang kanyang mga magulang sa lugar na kanilang pinaglipatan. Ayon sa police report, serial killer ang pumatay sa kanyang mga magulang at minalas na ang kanyang mga magulang ang nabiktima. Murder ang kaso base na rin sa tila brutal na paraan ng pagpatay sa mga ito.

But Victonara's family thought otherwise. And since they were aware of the existence of the bloodsuckers that were their clan's arch nemesis since way back, they did own investigation. At napatunayan nila na hindi gawa ng normal na mga tao ang nangyari sa mga magulang ni Mika. Na ang totoong mga salarin sa pagpanaw ng mga magulang niya ay ang mga walang pusong bampira.

And that was when Mika's world was opened to the world of the undead bloodsuckers that were creating silent chaos on humankind. There were many unsolved cases and mysteries of death and missing persons because of their doing.

And since she vowed to secrecy her mission of eradicating those lurking dark villains and mingling themselves with human beings, she had the obligation to protect humans from being annihilated by those cruel fiends. At nang hindi na rin magkaroon pa ng isang tulad niya na mawawalan ng minamahal sa buhay at mauulila dahil lang sa kagagawan ng mga walang puso at walang kaluluwang mga bampira.

Nilingon ni Mika ang katabi nang hindi ito sumagot sa tanong niya. But then again, she held her breath when she saw Victonara quietly looking at the moon. Her hair was swaying with the light rhythm of the wind. With the dark sky and the moon as her backdrop, her silhouette looked mysterious... and perfect.

Naramdaman niya ang tila pag-iiba ng tibok ng kanyang puso sa magandang tanawing nasa kanyang harap. Hindi niya mapigilan ang lihim na mapangiti habang pinagmamasdan si Vic. She may be an annoying lawyer and she may be pissing her off most of the time. But at times like this, she really wanted to draw her.

Pero naagaw ang kanyang attention ng humintong itim na kotse mula sa ibaba ng kanilang kinatatayuan. Iniluwa ng sasakyan si Bea, kasunod ang walang ekspresyong si Majoy.

"They are here. Get ready."
"You don't have to always remind me, dude," sarkastikong sagot ni Mika kay Victonara. She took out her tessen, a silver fan made of iron, her weapon of destruction. She used it for close-range battles. But it could also be used far-ranged like a boomerang. It had been custom-made for her by the Galangs' blacksmith. Her silver fan tessen had sharp edges, sharper than any typical knife, that was why it can cut even the hardest metal. And since it was made of silver, it was dangerous for vampires.

Kahinaan kasi ng kanilang mga kalaban ang pilak.

Narinig ni Mika ang pagtunog ng kanyang relo, indication tumama na ang oras sa alas-dose ng hatinggabi. With her sensitive hearing, she heard a shriek. She knew that the bloodsuckers had started their hunting already. But the shriek was drowned by the loud music and the noisy surrounding, that was why nobody noticed it except her and her partner.

Victonara looked at her.
"Take care of yourself, Mika." Iyon palagi ang sinasabi ng dalaga tuwing magsisimula silang makipaglaban. And it was kind of irritating to her. Tila kasi batang paslit kung ituring siya nito.

Tumirik na lang ang kanyang mga mata. "Thanks for always reminding, dude." Pumasok na siya sa loob ng Pulse Bar. Oras na upang simulan ang kanilang show.

Then the rondo of blood just began.
Nagkakagulo na sa loob ng Pulse Bar. Nalulunod ng malakas na tugtog sa naturang establishment ang mga tilian at sigawan.

Patuloy naman ang pag-atake ni Mika sa mga vampires na nagsisimula nang magfiesta sa dugo ng mga taong binibiktima ng mga ito. Nakapuwesto na ang mga tauhan nilang lookout kaya naman secured na wala nang ibang inosenteng aksidenteng makakapasok sa bar habang nagaganap ang pagbura nila sa mga bampira.

Ayon kasi sa intelligence report ni Kianna, ang Pulse Bar ang target ng mga bampira nang gabing iyon upang makapambiktima ng mga tao. The moon was full and it was the time when vampires were really strong. Tiyak na sasamantalahin ng mga ito ang pagkakataon.

At upang hindi masyadong maraming inosente ang madamay sa labanan, may ibinigay na sa kanila si Cyd upang gawing smoke screen na kapag nalanghap ng ordinaryong tao ay makakatulog ang mga ito.

Chemist si Cyd at ito ang head ng laboratory ng Cassie Enterprise. She was a sorceress at the same time, that was why aside from the chemicals that were used to affect the sense of normal humans and put them to sleep, there was something sort of connected to sorcery in that the people present would forget what happened that night when they woke up the next day.

Hindi kasi nila puwedeng ibulgar ang kanilang identity sa kahit kanino. At lalong hindi puwedeng malaman ng mundo ang tungkol sa existence ng mga vampires dahil isa iyong malaking gulo. Besides, whenever morning came, each and every one from the organization had their day job. And they could not risk that facade to any ordinary human, careful as they were as not to involve those humans with the chaos of their lives.

~NIGHT SLAYER~Donde viven las historias. Descúbrelo ahora