17

787 34 0
                                    

Anito sa nanlilibak na tinig.
"Dahil sa simpleng kadahilanang kinalaban mo ang Cassie. You see, we need a pawn to divert their attention for a while. Habang isinasagawa namin ang aming importanteng mission. Akala ko ay magagawa mo ang napakasimpleng bagay na iyon." Tinitigan lang siya nito, pagkatapos ay muling nagsalita nang sarkastiko.

"But now I think otherwise. You are a loser. We couldn't use a mentally disabled person like this low-life for our plans, Voltaire."
"Sa akin ding palagay. Nagsasayang lang tayo dito ng oras."
"Hindi tayo dapat nag-aaksaya ng oras para sa ating planong guluhin ang Cassie. Baliw na ata ang babaeng ito." Nawala si Abigail sa tabi ni Shiela. At sa isang kisap-mata ay nakitang naroroon na sa veranda.

"Sandali!" sigaw ni Shiela nang makitang paalis na ang babae. Alam niyang hindi na siya nito muling babalikan pa. Ngunit kailangan niya ang mga ito. Wala siyang pakialam kung ginagamit lang siya ng dalawa. Kailangan niya ng kapangyarihan. At ang mga ito ang makapagbibigay niyon sa kanya.

"Huwag ninyo akong iwan. I need power to defeat Cassie Enterprise." Ikinuyom niya ang kanyang kamay. "Kailangan nilang pagbayaran ang pang-aapi nila sa akin. Pinigilan nila akong makilala. I'll do anything. Make me one of you, please!"

The woman just looked at her then smirked in full arrogance. "We have no use for you anymore, my dear."

******

Inilapag ni Vic sa mesa ng pinsang si Aly ang hawak na folder. Naroroon ang detalye ng report tungkol sa kasong hawak niya versus sa company ni Shiela Marie Pineda.

"Nitong mga nakalipas na hearing ay hindi uma-attend si Miss Pineda. Ayon sa kanyang abogado ay hindi raw maganda ang kalusugan ng kanyang client dahil sa stress. Pinayuhan daw si Miss Pineda ng doctor na magpahinga pansamantala. The other party asked for a longer recess to give Ms. Pineda ample time to recover," paliwanag pa niya

Nag-angat ng tingin si Aly mula sa binabasang report. "Anong sabi ng piskalya?"

Nagkibit-balikat siya. "Wala silang nakikitang dahilan para pagbigyan ang kahilingan ng kabilang panig. Hindi raw sapat na dahilan ang kalusugan ni Miss Pineda. Kaya magpapatuloy ang session of hearings regarding the case against their company."

Napatango-tango si Aly. "Gaano katiyak ang panalo ng kaso natin dito, Vic?" tanong nito kapagkuwan. Bahagya namang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi sa tanong ng pinsan.

"I assure you that we are going to win this case one hundred and one percent." Naging malapad naman ang ngiti ni Aly. "Iyan ang gusto ko sa iyo, cousin. Hindi ka naiisahan ng mga kalaban. How many cases have you won so far?"

"A lot."
"At ang mga napatalo mong kaso?"
She just looked at her cousin ridiculously. "You know that there is none."
Tumawa lang si Aly. Tumayo ito at lumigid upang lumapit sa kanya, pagkatapos ay tinapik siya sa balikat at inakbayan.

"Mabuti na lang at naging magkadugo tayo, Vic. Nakakatakot ka kasing maging kalaban. You're the silent type but you always do things surely as if a mistake is not an option in your vocabulary." Muli siya nitong tinapik-tapik.

"Sa lahat ng pinsan ko, ikaw ang isa sa pinangingilagan ko. Well, of course, there is Gretchen and her sharp tongue." Muli itong tumawa. Napabuntong-hininga na lang si Vic. If Gretchen's blade of words could kill, she bet on her life that she could have annihilated all their enemies with a mere word from her mouth.

"Babalik na muna ako sa office ko. Kung may kailangan ka ipatawag mo na lang ako."
"Okay."
Saktong pagbukas ni Aly ng pinto ng office nito ay naroroon at bumungad sa kanila si Mika. Deretso itong nakatingin sa kanya.
"Vic, we need to talk." Nakita pa ni Vic ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Aly sa narinig, pagkatapos ay malakas itong napatikhim.

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now