22

769 34 6
                                    

Ngunit bukod doon, si Cyd din ang pinupuntahan nila tuwing mayroon silang kailangang ipatingin sa kanilang mga sandata. But Gabriel Noreen was their blacksmith, the one who really repaired their weapons. Ngunit bihirang naroroon si Gab sa sariling office kaya si Cyd ang kadalasang pinupuntahan ni Mika.

"Anong ginagawa mo, Cyd?" tanong niya nang mapansin ang mga nakahilerang tila bala sa bandang kanan nito.

Nag-angat ito ng tingin at ngumiti nang bahagya. Si Cyd ang tipo ng babaeng hindi dapat nagtatago sa loob ng laboratory dahil sinasayang nito ang angking kagandahan. Puwede nga itong maging model ng mga ini-endorse na mga products ng Cassie Enterprise sa market kung tutuusin, pero mas nais nitong magbutingting at mag-imbento ng kung ano-ano.

"This is Macedomium processed core bullet. Made from pure silver," pagbibigay alam naman nito. "Ina-upgrade ko ang mga bala na ginagamit para puksain ang mga kalaban. Mukha kasing nai-immune na sila doon sa dating mga balang ginagamit sa kanila." May itinuro ito sa tabi ng mga nakahilerang bala. Isa iyong baril. "This one is Mabelles gunpowder NNA-9, rounds are quicksilver type. Upgrade version ito ng Beretta 92FS double-pistol ni Victonara. Since she asked me to upgrade her gun for her, I'm very much obliged."

Mika flinched when she heard Victonara's name. "Galing dito si Vic?"

Tumango lang si Cyd habang ang attention ay nasa kinukutingting na uli. "Just a little while ago. Nagkasalisi lang kayo."

Hindi niya malaman kung bakit tila nakahinga siya nang maluwag sa narinig. Mabuti at hindi sila nagpang-abot. Hanggang sa mga sandali kasing iyon ay parang hindi niya alam kung paanong aaktong normal sa harap ng dalaga matapos ang nangyari sa kanila kahapon. Hindi siya nakatitiyak kung kaya nga ba niyang umaktong tila balewala lang at hindi affected sa ipinagtapat nito sa kanya lalo na ang paghalik nito sa kanya. Dahil magpahanggang sa mga sandaling iyon ay rattled pa rin talaga ang isip niya.

Hindi nga lang ang isip niya kundi maging ang kanyang damdamin.

"Hey. Ang lalim yata ng buntong-hiningang iyon, Mika," puna ni Cyd. "Huwag mong sabihing iniiwasan mo si Vic?" Deretso itong tumingin sa kanya, tila ba siya isang specimen na pinag-aaralan. Ganoon kasi ito kung tumingin talaga. Tila lahat yata ay experiment o specimen kung tingnan nito.

Kumunot naman ang kanyang noo. "Bakit ko naman iiwasan ang babaeng iyon?"

Nagkibit-balikat ito. "You're acting like you are. Something happened?"

Napabuntong-hininga uli siya. Wala rin namang magiging silbi kahit magsinungaling pa kay Cyd dahil hindi ito nadadaya ng kahit sino. She always knew when one was lying or pretending.

Maybe that was one of her gifts as a slayer, too. Alam naman ni Mika na hindi tsismosa si Cyd kaya wala naman sigurong masama kung magsasabi siya rito. Kadalasan naman kasi ay neutral lang ito sa mga bagay-bagay o pangyayari sa paligid. Mabuti nang dito siya magkuwento kaysa kay Den dahil tiyak na tutuksuhin lang siya ng isang iyon. Isa pa, kailangan din niya ng makakausap dahil sumasakit na ang ulo niya sa kaiisip.

"Vic told me that she loves me... or something along those lines... And she kissed me, I guess?"

Tumingin lang ito sa kanya saglit bago muling ibinalik ang attention na nasa harap. "O, tapos?"

"It's been really bothering me since yesterday," pag-amin niya.

Kumunot ang noo ni Cyd at muli siyang binalingan. "Kung ganoon, isa lang ang ibig sabihin niyan. Maybe because the feeling is mutual," she said nonchalantly.

Umiling lang siya. "I can't be inlove with her."
Umangat nang bahagya ang isang kilay ni Cyd sa sinabi niyang iyon. "Because?"

"Because..." Nagsalubong ang mga kilay ni Mika nang walang maapuhap na idudugtong sa sinasabi. Bakit nga ba hindi siya maaaring ma-inlove sa dalaga? May batas bang nagsasabi na bawal siyang ma-inlove kay Victonara Galang?

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now