33

2.1K 81 27
                                    

Hindi umimik si Mika sa tanong na iyon ni Den. Patuloy lang siya sa pagluha habang nananatiling nakatingin sa labas ng bintana. She felt she was dying inside every day whenever she woke up thinking that she would not see Victonara anymore for the rest of her life.

Kung sana ay kasama na lang din siya ng dalagang abogado na nawala. At least, sa kabilang buhay ay doon na lang sila magkikita. Pero tuluyan na siya nitong iniwan. At habambuhay niya sigurong ipagluluksa ang pagkawala ni Victonara.

"Ang sabi pala ni Thirdy ay naghilom na lahat ng sugat mo at puwede ka ng i-discharge," muling wika ni Dennise. Naroroon ito sa kabilang bahagi ng silid, inaayos ang mga bulaklak na dinala. Thirdy was her attending physician. "Kinukumusta rin ni Alyssa ang kalagayan mo. Ang sabi niya ay puwede ka munang mag-break sa mga show natin."

Pinahid ni Mika ang kanyang mga luha, pagkatapos ay nagbaling ng tingin sa kasama. "I am quitting already, Den," puno ng determinasyong wika niya. Hindi na niya kailangang magdalawang-isip na iwan ang organization, tutal ay wala nang dahilan upang manatili siya roon. Wala na si Vic.

Nagsalubong ang mga kilay ni Dennise. "What do you mean you're quitting?"

"I will quit being a slayer. Wala nang dahilan upang manatili pa ako bilang isang slayer. Vic was gone. A lot of the people that I love was gone," aniya sa malungkot na tinig. "Gusto ko nang mamuhay nang tahimik. Naipaghiganti ko na ang mga magulang ko. Naipaghiganti ko na si Kiefer. And the person that I love is not here anymore. . ." Pumiyok siya sa huling sinabi, pagkatapos ay muling nag-iwas ng tingin kay Den. Hindi na naman niya napigilan ang mapaluha.

"Mika. . ." Hinagod-hagod ni Den ang kanyang likod, pagkatapos ay bumuntong-hininga.

Napapagod na siyang umiyak. Wala na siyang ginawa kundi ang umiyak. Kahit ilang galon pang luha ang ubusin niya ay hindi na niyon maibabalik ang buhay ng mga mahal niya sa buhay. Especially Victonara's life. She heaved a deep sigh and looked at Dennise's side. "May hihingin sana ako sa iyong pabor, Den."

Nanatili lang itong nakatingin sa kanya. Nasa mukha ang pagtataka. "Sige. Kahit ano basta kaya ko."

"I want you to seal my painful memories. I want to forget everything."

Halos magpang-abot naman ang dalawang dulo ng mga kilay ni Dennise sa sinabi niyang iyon. "Alam mo ba iyang hinihiling mo, Mika?" nananantiya nitong tanong.

Marahan siyang tumango, pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

"I remember that Vic's parents sealed my memories of the night I almost died and lost my sanity. That was the first time I killed a vampire. Nais kong maghiganti sa nangyari sa mga magulang ko. Araw-araw ay nagti-training ako para maging malakas. Para makapaghiganti."

She already remembered everything. The night that almost cost her life. That was why Victonara's parents decided to erase her memory. For her to forget her angst... rage... her anger deep within. Because she almost lost her sanity.

"Naalala ko na ang lahat ngayon. Na iyong mga kakaibang panaginip na mayroon ako nitong nakaraan ay talagang parte ng memorya ko. Na talagang nangyari." And the reason why she would always see Victonara's face in the end because that was the only clear memory that was embedded on her mind. And that was because Victonara was the one who rescued her that time.

"And you want to use sorcery to seal your memories again?" nananantiya pa ring tanong ni Den. "Sigurado ka na ba sa bagay na ito, Mika?"

Isang malungkot at malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "Hindi ko alam kung paanong malinaw kong nakita sa panaginip ko ng gabing atakihin ang mga magulang ko na tila naroroon ako ng maganap ang kalunos-lunos na pangyayaring iyon. Hindi ko alam kung posible iyon."

~NIGHT SLAYER~जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें