28

728 38 3
                                    

Mabilis na tumakbo si Mika palapit sa mga ito, and threw her weapon to Shiela Marie Pineda. Pero mabilis itong nakaiwas. Basta na lang nitong binitawan si Kiefer habang tumatawa.

Paluhod na nilapitan ni Mika si Kief at kinalong ang ulo nito sa kanyang kandungan. "Open your eyes, Kief!"

"Huli ka na. Hindi mo na maililigtas ang buhay niya. I drained all his blood. He's dead."

Matalim ang matang nag-angat ng tingin si Mika. Sa gilid ng labi ni Shiela ay kitang-kita niya ang sariwang dugo na hindi man lang nito pinagkaabalahang pahirin. Dugo na nanggaling sa wala nang buhay na si Kiefer. Her teeth clenched. In rage. Tila nagdidilim ang kanyang paningin. "I'm going to kill you."

"Then try and kill me," nanghahamon nitong wika, muli na namang tumawa nang malakas habang umaatras.

Hindi na pinagkaabalahang sundan ni Mika ang bampira. Itinuon niya ang attention sa lalaking kanyang tangan. She saw the two holes the vampire made on his neck, then felt his heart. Wala na ang pagtibok niyon. Tuluyan na siyang napaiyak. "Kief, please..." She shook him with all her might.

Yet dull silence was his only answer----not the blankness of death, but something close. Pain ang nausea ang anger hit her.

"Mika..." She heard Victonara's voice trail off when he saw the lifeless man she was holding.

Nag-angat ng tingin si Mika. "He's dead. Kief is dead," she said in a flat tone. She was looking at Vic blankly. Pagkatapos ay muling ibinaling ang tingin sa wala nang buhay na si Kief.

Gustong umiyak ni Mika at ipagluksa ang pagkamatay ni Kief. Hindi ito dapat nadamay. Ngunit tila wala nang luhang nais pang kumawala sa kanyang mata. Hindi niya alam ang nararamdaman nang mga sandaling iyon. She knew she was raging inside, that she wanted to rip off Shiela Marie Pineda, tear the Nunzio with her bare hands, torture her until she would plead with her to end that pathetic life of her.

"I'm sorry..." mahinang wika ni Victonara.
Kahit kailan ay hindi na makikita ni Mika ang pagngiti ni Kief. She would never again see his moonlight eyes. And his handsome face that was full of life.

Kief was a PDEA agent. Sa uri ng trabaho nito ay hindi malayong mangyari na malagay nga sa peligro ang buhay nito. Ngunit hindi niya naisip na ikamamatay ng binata ang maipit sa labanan nila ng isang bampira, their never-ending battle with the vampires.

Kief was an innocent. She vowed to protect his kind against those vicious vampires. Kaya nga siya nagpalakas. Upang hindi na muling maulit ang trahedyang nangyari sa kanya, noong mamatay ang kanyang mga magulang. At ano pa ang silbi ng pagiging Slayer niya kung hindi rin naman pala niya kayang ipagtanggol ang mga taong malapit at mahalaga sa kanya? She was a failure.

Kung wala lang sana roon si Kief.
Her heart was full of rage at that moment.
"I will avenge Kief's death. Hindi ako makapapayag na hindi mabura sa mundong ibabaw ang Shiela Marie Pineda na iyon," ani Mika sa matigas na tinig.
"Hindi ako papayag na mayroon na namang mabiktima ang Nunziong iyon." Maingat niyang ibinaba si Kief sa sahig bago tuluyang tumayo.

She was determined to track down Shiela Pineda, saan man ito nagkukubli o naglulungga. Kailangan niyang bigyang hustisya ang pagkamatay ni Kiefer. Hindi siya makapapayag na mawalang saysay ang pagpanaw nito at hayaan ang Nunzio na makawala.

Ngunit bago pa siya makalampas kay Victonara ay pinigilan siya nito sa braso.

"Saan ka pupunta, Mika?"
"I'm going to hunt Shiela Marie Pineda. Kailangan niyang magbayad sa ginawa niya."
"You need to calm down, Mika."
"I am calm."
"No. You are not."

Muli niyang binalingan ang dalaga, sinalubong ang tingin nito.

"Do not attack in anger because anger will cloud your reasons and it will weaken you," anito sa mahinahong tinig.

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now