14

855 38 0
                                    

Si Mika naman ay naiwan na nakamata lang sa dalaga. Hindi kasi niya maunawaan nang husto kung bakit sinasabi nito ang mga bagay na iyon sa kanya. Kung bakit naaaninag niya ang kalungkutan sa mga mata ni Vic. Pinigilan niya ang sariling habulin ito at yakapin, thinking that it would somehow ease whatever pain she was feeling.

Sanay siyang laging seryoso si Vic at kung umakto ay tila ba ito ang tatay niya. Pero ngayon lang niya nakita ang side na iyon ng dalaga. She was used to seeing her superior. So full of herself. So sure of herself. After all, she had never lost a battle in her life.

She was not used to seeing Vic as if she had just been defeated in a battle. And looking at her like that, why was her heart aching? Why did she want to reach out her hand and comfort her... feeling that it would ease her pain?

******

Tahimik ang lahat at matamang nakatingin kay Aly. Naroroon sina Mika sa loob ng secret base ng kanilang organization. Maliban kay Cyd na nakakulong na naman sa laboratory nito at kay Kianna na nasa computer room nito, halos lahat ng member ng Archer S ay naroroon na. The only empty seat there was the seat behind Thomas... and well, the seat intended for Gabriana Noreen. Wala kasi ito roon. Tulad din ng dati, nakatayo pa rin nang tuwid si Thomas sa tabi ni Jeron, deretso ang tingin at bahagyang yumuyuko kung sakaling may sasabihin si Jeron. She did not know if she would be amazed or laugh at them. They were the perfect master-and-butler pair.

"The Gualtiero are starting to move again," ani Alyssa. Ipinasa nito sa kanila ang itim na metallic folder na naglalaman ng files. Files were only good for their eyes. They cannot be read by anyone who was not a member of their organization. "Pero bago ang lahat, mayroong natuklasan si Kianna. Nakasulat diyan ang bagong activities ng aking mga pinasusubaybayan. It is true that they lie low for a while, but Kianna discovered something alarming." May binasa saglit si Aly sa hawak na iPad bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"There's a drug component named SHY159 that has been distributed in the black market. It's somewhat like Ecstacy. Lately, it's been circulating around the clubs and bars which is the frequent target of our enemies. Nang magsagawa si Kianna ng investigation, napag-alaman sa kanyang intelligence report na ginagamit ng mga Orfeos ang naturang drug component upang ma-high ang mga target nilang biktima. Once the innocents are not sober anymore, they will start feeding on them and drain their blood. Hindi ganito katalino mag-isip ang mga Orfeos, kaya naman tiyak na mayroong Gualtiero o Nunzio na gumagalaw sa kanilang likuran," Aly explained.

"You can read the rest. Everything had been put in black and white for your review." Walang nagsalita sinuman sa kanila at tahimik na binasa ang nakasulat sa report.

Mika looked at her own copy of Kianna's report. Pero tila hindi naman niya maunawaan ang mga nakasulat doon. Sa simpleng kadahilanang wala roon ang kanyang isip. Hanggang sa mga sandali kasing iyon ay gumugulo sa kanyang isipan ang imahen ni Vic kanina. Hindi na talaga iyon mabura-bura sa kanyang alaala. Somehow, that image of her remided her of her face during her dreams, the dreams that she kept on having lately, when Vic seemed to look so lost and scared.

Kasabay ng kanyang pag-alala sa anyong iyon ng kababata ay ang pagkabog din ng kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit tila naaapektuhan ang kanyang puso at tila pinipiga tuwing maaalala ang kalungkutang iyon sa mga mata ni Victonara.

"Are you still with us, Mika?"
Boses ni Alyssa ang nagpabalik sa kanyang wisyo sa kasalukuyan. Nang mag-angat siya ng tingin ay napuna niyang halos lahat ng mga mata  ng mga naroroon ay sa kanya nakatingin.

"Mukhang may malalim ka yatang iniisip," puna naman sa kanya ni Den na noon ay nasa tabi niya. Imbes na sumagot ay dumako ang tingin ni Mika sa isa pang katabi sa kanyang kanan. Si Victonara. But she was not even looking at her. Seryoso itong nakatingin sa hawak na folder at tila abala sa pagbabasa. Nakaramdam siya ng iritasyon.

Here she was thinking about her but the wretched woman was busy doing something else with that poker face of her. Napasimangot na lang siya.
"Pasensiya na. May iniisip lang akong mahalaga. Please continue," sabi na lang niya sa mga kasamahan. Tiyak na naantala ang mga ito dahil nabaling ang attention sa kanya. Hindi na naman niya mapigilang mainis sa babaeng katabi na seryosong nakatutok naman ang attention sa pinagmi-meetingan nila. Natatawa na lang siya sa kanyang isip. Why the heck am I spending a minute thinking of this irritating woman, anyway?

"Okay, folks," patuloy naman ni Aly. Pilit nang itinuon dito ni Mika ang kanyang attention. "As I was saying, we have another show two nights from now. Be ready. I'll be sending your team-ups with your partners and the target location of your teams later. That's all for now." Tumayo na ito, pagkatapos ay binalingan si Vic.

"Vic, we have something to discuss first with the ongoing case against Miss Pineda."

"All right," sagot naman ng babae na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon mula nang makarating sila roon. Tumayo ito at sumunod kay Aly, ni hindi man lang nag-abalang lingunin siya. Hindi tuloy mapigilan ni Mika ang mairita. Ano ang palagay nito sa kanya, hangin? Anong problema ng babaeng magaling?

Nilingon niya si Gretchen nang sikuhin siya nito.
"Anong problema ng babaeng iyon?"
Bahagyang lang umiling si Mika. "Iniisip ko nga rin iyang tanong mo. Anong problema niyang pinsan mo?"

Tumingin lang sa kanya si Gretchen. Medyo nagtagal nang ilang segundo. "Ang alam ko lang namang palaging pinoproblema niyan, eh, ikaw at wala nang iba pa."

Sa sinabi nitong iyon ay nagsalubong ang mga kilay ni Mika. "Para mo namang sinasabing isa akong malaking sakit sa ulo niyang praning mong pinsan."

"Actually, praning lang talaga iyang si Victonara pagdating sa iyo."

Tumingin lang si Mika kay Gretchen. Sasabihin ba niya rito ang nangyari sa kanila kanina ni Vic at ang kakaibang ikinilos ng pinsan nito?

Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. Ipinasya niyang sarilinan na lang ang bagay na iyon, tutal naman ay hindi iyon makakaapekto sa balanse ng mundo at normal na pagdaloy ng pag-iisip ng mga tao sa lipunan.

Mika ran as fast as she could. Nakarinig siya ng pagtawa mula sa kanyang likuran. Hindi niya alam kung sino iyon o kung saan nagmumula.

Wala na rin siyang balak alamin. Ang tanging nais niya ay makahanap ng ligtas na lugar na mapagtataguan. Tila naririnig na rin niya ang pagkabog ng kanyang dibdib sa lakas niyon.

Papalapit nang papalapit ang tinig na sumusunod sa kanya. Papalapit nang papalapit.

Pakiramdam niya ay tila naging slow motion ang lahat ng nasa paligid.

"Run, you poor little human!" malakas na sigaw ng sumusunod sa kanya. "Run!" ulit nito, kasunod ang nakapangingilabot na pagtawa. Humahalo iyon sa malakas na pagpatak ng ulan sa lupa.

Ni hindi nag-abalang lumingon si Mika. Patuloy lang siya sa pagtakbo habang humihilam ang tubig ulan sa kanyang mukha. Ni hindi na niya maramdaman ang kanyang mga paa. Tila namanhid na iyon. Ngunit kailangan niyang makalayo sa lugar na iyon.

Kailangan.
Hangang sa maramdaman niyang may humawak sa kanyang mga braso. Nanlalaki ang mga matang napalingon siya...

#MikaMoment
Thanks for reading, hope you like the story. Please do vote and comments po. 🤗

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now