16

828 27 0
                                    

Tumingin naman ito sa kanya nang kakaiba. Pero wala namang tinanong. "Okay." Sinundan nito iyon nang pagkikibit-balikat. "Siya, pa'no, mauna na ako. It's really getting late and I just dropped by to check you out. And please, do answer your phone once and a while. Alam mo namang nai-stress ako tuwing hindi ka nagpaparamdam."

Tumango lang siya. "Paki-lock na lang uli ng pinto paglabas mo." Ikinaway na lang nito ang mga kamay kahit nakatalikod habang naglalakad patungo sa pintuan, kasabay ng pagtunog ng takong ng sapatos nito sa sahig.

Nang wala na ito ay isinandig ni Mika ang likod sa kinauupuan, kunot-noong nakatitig sa puting kisame ng studio. Naalala na naman kasi niya ang nag-aalalang mukha ni Vic.

And why would her heart always beat so hard every time she saw that dream?

******

Vic took out her black Ducati superbike. She was wearing her usual garb for hunting. Black leather suit, black boots and black leather jacket. She always wore black clothing during her patrol or her hunt so that she would blend with the darkness of the night.

She zipped up her jacket, put on the helmet, and hit the road.

It still was not the time for their hunting and slaying. Mayroon pang dalawang gabi bago ang takdang oras. Pero naisip niyang umalis nang gabing iyon. Patungo sa isang direksiyon.

Sa apartment ni Mika.

Sa loob ng ilang minuto ay narating niya ang apartment. Halos dis-oras na rin naman ng gabi kaya wala nang gaanong traffic at mabilis ang biyahe. Huminto siya ilang metro sa tapat mismo ng apartment, sa puwesto na puwede niya tanawin ang dalaga nang lihim nang hindi nito namamalayan.

Bahagyang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita niya ang bukas pang ilaw sa silid kung saan madalas maglagi ang dalaga. Her painting room. And she saw her at the window, at her usual place by the window. Seryoso ang mukha nito at abala sa pagpipinta.

Kahit papaano ay napanatag si Vic. Kapag hindi siya gaanong abala o kaya naman ay mayroong oras ay sinasadya talaga niyang puntahan si Mika sa apartment nito. It was her way of checking her out, making sure that she was safe.

It was her silent pledge since the death of her parents. That she would make sure to look after her.

At kung minsan, sa mga ganitong pagkakataon, parang gusto niyang hilingin na huwag nang matapos ang sandaling iyon. Kung puwede lang talaga niyang ulitin ang pagkakataon at ibalik ang panahon. She would wish that Mika would live a peaceful and normal life. That she would not live a life like what they had. Hunting vampires. Slaying vampires.

Pero huli na ang lahat.
She heard a screeching of wheels behind her. Pero hindi siya nag-abalang lingunin o sinuhin iyon. She could sense presence. And she knew it was not a threat.

"Kaya ka napagkakamalang stalker dahil sa ginagawa mong iyan, Vic."

Nilingon niya ang nagsalitang bagong dating. "Gabriana," aniya sa pinsan na palapit na sa kanya.
"Hindi yata kita nakikita sa Cassie nitong nakaraan."
"I was just out-of-town. You know, work stuff." Nang tuluyan itong makalapit sa kanya ay tinapik naman nito ang balikat niya.

"Anong ginagawa mo dito?"
"Well, let's just say that I was patrolling around this vicinity and it so happened that I saw a suspicious person hiding in this part. Which happens to be you, my dear cousin."

Bahagyang kumunot ang noo ni Vic sa sinabing iyon ng pinsan. Well, some of them do take rounds in patrolling around the city. Parte iyon ng pagiging slayer nila. Kahit na sabihing nagla-lie low rin ang mga kalaban, paminsan-minsan, mayroong mga incident na umaatake ang mga ito nang hindi inaasahan at panaka-naka.

~NIGHT SLAYER~حيث تعيش القصص. اكتشف الآن