8

1K 36 0
                                    

Nagkatinginan na lang sina Vic at Aly, pagkatapos ay sabay na natawa. Tumayo na si Vic at inilagay na sa attaché case ang mga files na kakailanganin para sa hearing mamaya. "Mauna na ako sa iyo, Aly. I'll just update you with the case afterwards."

"Okay. Si Andrei ba, nasabihan mo na?" Ang pinsan kasi nilang iyon ang magre-represent sa kumpanya nila para sa hearing mamaya. Ayaw na ayaw kasi ni Aly ang nagpapakita sa madla kaya naman ang pinsan nilang si Andrei ang kanilang representative. Hindi naman maaaring si Vic dahil siya ang tumatayong abogado ng kumpanya.
"I already called him up. He said he's on his way."
"And Rex?"
"I heard he's having a rendezvous with that female reporter," singit naman ni Gretchen. Nakangisi ulit. Muling napabaling dito ang tingin nina Vic at Aly.
"Reporter who?"
"I think her name's Cienne."
"Ah, the nosy one," ani Vic, napatango-tango. Pamilyar na sa kanya ang babae dahil ilang beses na rin silang nagkita. Isa pa, nabanggit sa kanya ni Rex na naiinis nga ito sa babaeng reporter dahil masyado raw makulit at pakialamera. Well, she thought otherwise. Rex had always been a gentleman, so being annoyed with a certain woman was new to him.
"But she's pretty, don't you think?"

"Prettier than your Mika, my dear cousin?" nanunuksong wika ni Gretchen.

Dinampot na ni Vic ang attaché case  at ipinasyang mauna na bago pa siya gisahin ni Gretchen nang husto. Kapag kasi ito ang kanyang kausap, daig pa niya ang sumasalang sa plenaryo at korte suprema.

Pero bago tuluyang makalabas ng pintuan ay muli niyang nilingon ang dalawa.
"Aly, puwede bang hanapan mo na ng mapapangasawa iyang pinsan mong si Gretz? Baka tumanda na iyang dalaga." Her cousin was the type to always speak her mind. Kahit nga siyang abogado na sa pamilya nila ay hindi dini-dare na makipag-argumento dito sa pinsan niya.

Ngumisi lang si Gretchen sa sinabi niya, pagkatapos ay nameywang. "Hijo, bago ka maging concern sa akin, unahin mo muna iyang sarili mo bago pa may makalusot sa bakod mo. Walang lahing torpedo ang mga Galang."

"Sshh!" saway na lang ni Vic sa pinsan, pagkatapos ay napabuga na lang ng hangin at tuluyang nang umalis.

Kung bakit kasi naisipan pa niyang alaskahin si Gretchen. Alam naman niyang madalas siyang talo sa mga hirit nito kahit naturingang siya ang abogado.

"You're not in the mood again?" Lumapit si Vic sa pinsang si Rex na nakaupo sa isang sulok ng coffee shop na iyon katapat ng trial court kung saan siya nanggaling. Pinakiusapan niya ito kanina kung puwedeng daanan siya roon dahil makikisabay siya pabalik sa Cassie. Iniwan kasi niya sa kumpanya ang sariling sasakyan.

How's the case going?" tanong nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas ng glass panel wall. Tila tagos-tagusan ang tingin nito roon patungo sa kung saan man.

"Good." Humila siya ng upuan at ipinatong sa mesa ang attaché case bago naupo nang tuluyan. "And your mood?"

"Not good," sagot ni Rex, pagkatapos ay tumingin na sa kanya. "Why are those people swarming at that woman like bees?"

Bahagya lang tinapunan ng tingin ni Vic ang grupong tinutukoy ni Rex na tila nagkakagulo sa tapat ng trial court. Naroroon si Shiela Pineda at pinagkakaguluhan ng media.

Katatapos lang ng hearing nila. Si Andrei ay nawala na lang bigla pagkatapos na pagkatapos ng hearing at si Vic naman ay pasimple na ring umiwas sa mga nagkakagulong reporter. Ayaw niyang madawit sa kaguluhang nagaganap dahil hanggang maaari ay umiiwas sila na makuhanan ng media. It would jeopardize their identity to their enemies if they became exposed too much.

Hindi maintindihan ni Vic kung bakit tila nagiging sensationalized ang kasong hawak niya versus sa kaso ni Shiela Pineda. Well, probably because the woman seemed to want attention. Isa pa, malaking kumpanya ang Cassie Enterprise. It was always on the list of the top ten companies in the country. Kaya siguro medyo umuugong ang balita.

Mabuti na lang at mayroon silang spokesperson kaya hindi na niya kinakailangang humarap pa sa camera at makuyog ng media upang ma-interview tungkol sa update ng kaso.

At kaya rin siguro biglang nawala ang pinsan niyang si Andrei pagkatapos na pagkatapos ng hearing kanina dahil iniiwasan din nito ang media.

"Because they want news," sagot na lang ni Vic mayamaya. "Bakit ba mainit na naman ang ulo mo?"

"Because that woman is pissing me off." Muling tumanaw sa labas ng glass panel wall si Rex. Alam niyang hindi na si Shiela Pineda ang tinutukoy nito.

Bahagya namang umangat ang kilay si Vic nang sundan ang tingin nito. Natawa na lang siya nang mapadako ang tingin niya sa babaeng dahilan kung bakit mainit na naman ang ulo ng pinsan. Si Cienne.

"Gretz told Aly that you're having a rendezvous with Cienne," she told Rex casually. Mabilis itong nagbaling sa kanya ng tingin. "And why the heck would I be? That woman is a jinx."

"And you just probably like her, that's why you are acting like that towards her. Isa pa, hindi ba't inalis na natin ang memory niya sa nangyari nong gabing iyon? Kaya hindi ka na niya natatandaan tulad ng gusto mong mangyari. Anong dahilan at tila interesado ka pa ring sundan si Cienne?"

Lalong lumalim ang gatla sa noo ni Rex. Ilang linggo na kasi ang nakararaan ay aksidenteng may natuklasan si Cienne na hindi nito dapat malaman.

She was a reporter so maybe it was in her blood to be curious about a lot of things, that was why she starter digging deeper into what she discovered. Pero ang aksidenteng natuklasan ni Cienne ay muntik nang magpahamak dito nang tuluyan. Mabuti na lang at nagkataong naroroon sina LA at Rex sa lugar kung saan ay muntik na itong mapahamak sa kamay ng kanilang mga kalaban.

Nailigtas ang reporter sa tiyak na kapahamakan. Para na rin sa kaligtasan ni Cienne ay inalis nila ang memory nito na may kinalaman patungkol sa kanila at sa kanilang mga kalaban. She seemed fine but Rex was still watching over her.

Kahit hindi iyon sabihin ng pinsan ay alam ni Vic ang bagay na iyon. Pero siyempre ay hindi nito aaminin ang bagay na iyon sa kanya. O maski sa sarili nito siguro. Rex can really be stubborn at times. 

"Bakit ko siya susundan? Hindi ba't ikaw ang nagsabi sa aking magkita tayo dito?" Pumalatak si Rex, pagkatapos ay tumayo. "Kung hindi ka o-order ng kape ay tumayo ka na diyan at idadaan na kita pabalik ng Cassie. It's my turn to watch over the princess right now. Utos ni Aly."

"Mabuti pa ngang bumalik na tayo ng Cassie," pagsang-ayon ni Vic. Napansin kasi niya napapadako sa gawi nila ang attention ng mga reporters. Tiyak na hindi niya magugustuhan ang mga susunod na pangyayari kapag nagtagal pa sila sa lugar na iyon. Besides, just like their other cousins, Rex hated attention. "Kailangan ko pang i-review uli itong kaso para sa susunod na hearing habang maluwag pa ang schedule natin. Hindi natin alam kung kailan uli tayo  magkakaroon ng show. Mahirap nang hindi ko maaral ito nag husto at makalusot ang kabilang kampo."

Tinapik naman siya nito nang bahagya sa balikat. "Konting hinay sa career, dude. So just to let you know, I saw Mika with a guy at Baywalk a while ago."

Kilay naman ni Vic ang nagsalubong sa sinabing iyon ng pinsan. "Anong ibig mong sabihin?"
"Ayoko mang isipin pero mukhang masaya si Mika doon sa lalaking nakita kong kasama niya kanina," Rex said casually. "They seemed to be having fun together."

"Do you think the guy is one of them?"

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now