7

1.1K 36 10
                                    

Sa gabi ay buhay na buhay rin ang lugar dahil may mga bandang nagpe-perform, bukod pa sa iba't-ibang entertainment tulad ng miming or mimicking. Meron ding human statue na nagbabago-bago ng posisyon. Usually ay naroroon ang mga ganoong entertainer tuwing may liwanag pa. Gayon din ang mga artist na tulad niya.

Pero hindi naman siya naroroon upang suma-sideline na magpinta ng portrait ng iba. Naroroon siya upang gawin ang kanyang trabaho.

"Iyong caricature ko," ulit ng lalaki. Hindi alam ni Mika kung saan nakatingin ang lalaki dahil naka-shades ito. "Gusto ko iyong naka-Superman ako."

Tumaas ang kanyang kilay. Demanding pa ang bruho. Si superman pa talaga ang gusto. "Ah, Mister, mukhang nagkakamali ka---" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla nitong inalis ang suot na shades at tumingin sa kanya.

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Mika nang makita ang mukha ng lalaking kaharap. Hindi niya maunawaan ngunit tila may hatid na attraction ang lalaking kaharap. Isa siyang artist kaya naman agad niyang napuna ang mga mata nito. He had a wonderful pair of eyes, shining like a bright moon in the sky even though it was still daylight.

"Pasensiya na, Miss, pero puwede bang paki-drawing na lang ako? Babayaran kita kahit magkano."

Imbes na kumibo ay ngumiti lang si Mika, pagkatapos ay tumango. Saan ba naglungga ang lalaking ito at ngayon lang niya nakita? Hindi niya maipaliwanag pero magaan ang kanyang pakiramdam sa lalaking kaharap.

Napansin ng lalaking nakatingin lang siya rito at nakangiti kaya naman kumunot na rin ang noo nito. "Ah, Miss, okay ka lang ba?

Tumango lang siya. "Anong pangalan mo? Inilahad niya ang kamay upang makipagkamay. "Ako nga pala si Mika."

Hindi nawala ang pagkakakunot ng noo ng lalaki. Tila nagtataka ito sa ikinikilos niya pero inabot din ang kanyang pakikipagkamay. "Ah, Kiefer. Nice to meet you."

"Thank you. Nice meeting you, too," sagot naman niya, nakangiti pa rin.

"Yeah," anito, medyo tabingi ang ngiti. Kunot-noo pa rin. Siguro ay nawi-weirduhan pa rin sa kanya. Itinuro nito ang canvass. "Ah, hindi mo pa ba sisimulan ang pagpipinta?"

Tumingin naman si Mika sa hawak na canvass, pagkatapos ay muling nginitian si Kiefer. Tila bigla siyang na-inspire at muling na-regain ang nawalang mood sa pagsulpot na iyon ng lalaki. She felt that somehow, heaven had sent him to brighten up her day and make her happy so that her mood would keep going again. Sa pagsulpot nitong iyon, tila may nabuong imahen sa kanyang isipan kung ano ang magiging subject na ipipinta.

Si Kiefer. The guy with the moonlight eyes.
"Ahm, yeah." Napakamot si Mika sa gilid ng kilay. "By the way, I'm actually not a street artist. I'm actually here to find a subject for my new masterpiece," pag-amin niya sa kaharap.

Tila nagulat naman ang lalaki sa sinabi niya. Pero natawa na lang din at napakamot sa likod ng ulo. "Oops. I think I made a mistake." Ngumiti ito, tabingi nga lang. "Pasensya ka na. Akala ko kasi---"

"Okay lang," pagputol niya sa anupamang sasabihin ni Kiefer at sunod-sunod na napailing. "Actually, kung okay lang din sa iyo, puwede ba kitang maging subject para sa painting ko?"

"Sigurado ka?" he said in a surprised tone. Sunod-sunod uli siyang tumango. "Kung hindi naman nakakaabala sa iyo."
"Of course not, it would be my priviledge."
"Thank you, Kiefer," she said with a smile.

****

"Kumusta na ang kasong hawak mo ngayon?" Nag-angat ng tingin si Vic nang marinig si Aly. She was studying the latest case of Cassie. Apparently, one of their confidential rules was stolen. Isa iyong bidding file na isa-submit sana nila para sa panibagong prospective client ng Cassie Enterprise na nakuha ng isang baguhang company at ginamit iyon kaya nawala sa kanila ang naturang account.

Sa pagkakatanda ni Vic, formality na lamang ang pagsa-submit ng documents sa kanilang client. Kaya naman laking gulat nila nang biglang may ibang nakakuha ng naturang account. Palalampasin na sana iyon ni Alyssa pero natuklasan nilang ang ipinasang proposal at ilan sa mga ideas na naroroon ay katulad mismo ng proposal na galing sa Cassie Enterprise.

They made an investigation and it turned out that someone had stolen the files and sold them to their rival company.

"Ayon sa investigation, pinangakuan nga ni Miss Shiela Marie Pineda ng malaking halaga si Mr. Santos at mataas na posisyon sa company nito kaya nagawang nakawin at ibenta ni Mr. Santos ang ideya at proposal natin sa kabilang kumpanya." Inalis ni Vic ang salamin sa mga mata. "Apparently, he was tired of just being a supervisor for years in this company."

Nagsalubong ang mga kilay ni Aly. "Gusto pala niyang umangat ang position niya, bakit hindi siya nagsumikap?" Naupo ito sa swivel chair at pinaikot iyon paharap sa kanya. "He's being bitter for being in that position for years? At dahil gusto niyang umangat ang posisyon niya ay nagawa niyang nakawin ang ideya natin at ibenta iyon sa isang baguhang kumpanya?" Pumalatak ito. "Look where he is now. Walang shorcut sa pag-angat." Tiningnan nito ang folder na inabot niya. "So, kumusta naman iyong si Miss Pineda?"

Napagbuntong-hininga na lang siya. " Well she's being interviewed by the media. Saying that Cassie Enterprise is oppressing her company." Natawa nang pagak si Aly, pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay. "Oppressing? In what way?"

Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Aly kaya naman doon nabaling ang tingin nilang dalawa bago pa makasagot si Vic. Pumasok si Gretchen na may bitbit na mga tela. Gretchen was the head of Cassie Enterprise advertising and product marketing.

"Aly, Cyd found a way to develop our precious bananas into this." Inilahad ni Gretchen ang tela sa mahogany desk ng pinsan nila. "Hindi lang pinya at abaca ngayon ang puwedeng pagkuhanan ng tela kundi maging ang saging. It's biodegradable that's why it's eco-friendly."

"Gretz! Aly and I are still talking about our company's ongoing case," ani Vic.
Binalingan naman siya ni Gretchen, salubong ang mga kilay. "Alin? Iyong account na ninakaw sa atin nung Shiela Marie Pineda? Well, that woman is a bitch. Ang lakas ng loob na magpa-interview at umastang kala mo ay inaapi ng Cassie ang kumpanya niya gayong kung tutuusin, siya nga itong may nagawang damage sa kumpanya natin." Muli ito pumalatak.

"Para namang may mapapala tayo kung pag-aaksayahan natin siya ng attention, hindi ba? Malaki ang mapapala niya kapag dumikit siya sa pangalan ng company natin, pero tayo, walang mapapala sa kanya. Besides, she's the one who dug her own grave. Pagkatapos, tayo ang sisihin niya kung bakit may kaso siya at mag-inaarte sa harapan ng camera? She's using the media for her pity-act." She rolled her eye.

"Milyon ang halaga ng account na kinuha niya. Natural lang na mag-file tayo ng daños perjuisios sa nangyari, lalo't napatunayang may kasabwat siya sa loob nitong kumpanya. Kung ayaw pala niya ng sakit ng ulo, sana hindi niya binangga ang Cassie. Duh!"

"Hmm... bakit kaya hindi ka na lang din nag-abogasya, Gretz?" sabi na lang ni Vic sa pinsan. High blood na naman kasi ito.

"Kasi, trabaho mo po iyon, hijo," sagot naman nito. "Ang trabaho ko ay magpa-cute at mag-akyat ng limpak-limpak na salapi sa kumpanyang ito."

~NIGHT SLAYER~Where stories live. Discover now