Introduction

13.2K 215 4
                                    

Glaiza's PoV ...

       Sabi nila pagdating sa Pag Ibig nagagawa mo lahat ng bagay na hindi mo ginagawa dati. Yung tipong nagiging flexible ka sa lahat ng bagay para sa taong mahal mo. Yung kahit sobrang late night na energetic ka pa rin pag magkausap kayo at kinikilig ka pa sa boses niya. At yung tipong makita mo lang na nakangiti siya sayo parang bayad na ang upa mo sa bahay, at may pang cheese burger ka pa. 😊😍💛

      Hay ang sarap lang magmahal noh? Pero minsan mahirap iwasan ang tunay na realidad ng buhay. Kasi hindi ka maiintindihan ng mga tao sa paligid mo, kung bakit maling tao pa yung minahal mo. Ito kasing si PUSO tumibok pa sa maling tao, at don pa sa taong pagmamay-ari na ng ibang tao.

      Kaya minsan kahit masakit na, nagagawa pa rin nating ngumiti sa harap nila. Kung madali lang sanang turuan ang puso ko na wag mahalin ang bestfriend ko, ginawa ko na. Kung meron lang sanang Rehabilitation Center para sa mga pusong tanga magpaparehab ako para maalis na ang pagiging adik ko sa kanya.

      Kung matapang lang sana ako sasabihin ko sa bestfriend ko kung gaano ko siya kamahal. Pero hindi rin kasi ganun kadali, dahil natatakot ako na baka pag sinabi ko ang totoo, layuan niya ako and worse pandirihan niya ako dahil sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya ayoko mangyari yon, dahil para ko na ring pinatay ang sarili ko. Kaya kailangan kong makuntino sa papel na meron ako sa buhay niya, as her best friend, at hanggang doon nalang yon, hay naku. 😪

      Sana ako nalang yong dahilan kung bakit siya masaya ...

      Ako nalang yong nag-aalaga at nag aasikaso sa kanya ...

      Ako nalang yong makasama niya sa lungkot man o saya ...

      Sana ako nalang yong laman at tinitibok ng puso niya ...

      Ako nalang ang minahal niya ...

End of Pov ...

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now