S25

3.5K 118 13
                                    

Pagdating nila ng hospital agad inasikaso ng mga nurse si Glaiza. Hindi naman mabitawan ni Rhian ang kamay nito, nanatili siyang mahigpit na nakakapit sa kamay ng girlfriend niya.

"Lab hindi kita iiwan andito lang ako." sambit niya habang pinipigilan ang sarili na wag maiyak.

"Rhian ang sakit, ang sakit sakit!" panay ang daing ni Glaiza.

"Damn it Nurse! Please do something! Di niyo ba nakikitang hirap na hirap na yung girlfriend ko?! Ano ba asan na ba yung mga Doctor niyo?!" inis na inis na si Rhian sa kupad ng galaw ng mga nurse.

"Ma'am parating na po si Doc Chynna just wait for a while po." mahinahong sagot ng isang Nurse. Kinabitan na ng oxygen si Glaiza para lumuwag na ang pag hinga nito.

"Ugghh! Lab wag mo kong iwan kailangan kita." pakiusap ni Glaiza.

"Lab no hindi kita iiwan dito lang ako sa tabi mo. Kunting tiis lang ha parating na si Chynna." sabay halik sa kamay ni Glaiza.

"Ma'am ihahanda po ang pasyente for chemo treatment. Utos po ni Doc Chynna, hindi po kayo pwedeng magstay dito."

"Hindi ba pwedeng dito na lang ako? Kailangan niya ako." pakiusap nito sa Nurse.

"Ma'am hindi po talaga pwede sorry po. Doon nalang po kayo sa labas maghintay tatawagin nalang po namin kayo pag pwede na." unti unti nang nawalan ng malay si Glaiza dahil umiipekto na ang pampatulog na sinaksak dito, kaya hindi na nakapagpaalam si Rhian.

"Sa labas lang ako lab, magpakalakas ka ha? Wag mo kong iiwan." sabay halik sa noo nito at lumabas na ng kwarto.

Sa labas ng makita niya sila Kylie don niya na ibinuhos ang lahat ng luhang pinigil niya.

"Bakit? Bakit kailangan niyang pagdaanan 'to? Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang namimilipit sa sakit. Wala akong kwenta! Wala akong magawa para sa kanya!" she said at sinuntok ang pader.

"Shit! Rhian stop it!" saway ni Bianca.

"Rhian wag mong saktan ang sarili mo, may awa ang Dyos magiging okay din ang lahat." Kylie said.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now