S27

3.7K 145 13
                                    

Things are all set sa royal birthday party ni Trixie. Napakaraming bisita ang dumating at lahat ay naka costume ng pang prince and princess na dress. Abala si Rhian sa pag-eentertain sa mga bistita nila.

Nagreready na rin si Glaiza at kabadong kabado sa pagpasuk niya.

"Tsong ano mainit ba sa loob?" Chynna asked.

"Okay lang nakakahinga pa naman ako, medyo kabado lang. Asan na yung bouquet ng bulaklak?"

"Ito na, susme Glaiza ikaw lang yung kilala kong nakamascot na may dalang bulaklak. Di ka kaya mahalata ni Rhian niyan?"

"Hindi naman siguro lalaking bear naman 'to."

"Tsong yung nakalagay sa invitation Royal Birthday party, hindi cartoon character. Baka naman magtaka mga tao may mascot na teddy bear."

"Ang dami mo naman tanong, sabihin mo nalang na regalo mo ko kay Trixie."

"Hala bahala na nga tara na sa loob!" sabay kamot ulo si Chynna.

Pagpasok nila Glaiza sa event hall agad niyang hinanap si Rhian. Hindi naman maiwasan na pagtinginan siya ng mga tao.

"Chyn ano nakita mo na yung mag ina ko?" bulong ni Glaiza.

"Pwede ba Glai wag kang bulong ng bulong dyan. Mamaya may makahalata sayo na babae ang nasa loob ng mascot. Hindi ko pa sila makita, maghanap ka rin."

Hindi sumagot si Glaiza at nanahimik na lang siya. Maya maya may nagsalita sa likod niya na bata.

"Bear! Bear! Bear!" agad naman liningon ni Glaiza ang bata.

"Look Trixie its Daddy bear." sabi ng Yaya ni Trixie.

Sumayaw sayaw si Glaiza para aliwin ang bata. Iniabot muna ni Glaiza ang bulaklak na hawak niya kay Chynna, agad niyang kinuha sa Yaya ang bata at sinayaw. Tuwang tuwa naman si Trixie.

"Anak ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. Miss na miss na kita, kayo ng Mommy mo." sabi niya sa kanyang isip.

"Tuwang tuwa yata ang Prinsesa ko na isinasayaw ni Mr. Bear." bungad ni Rhian mula sa likuran nila Glaiza.

"Hi Rhi?" bati ni Chynna. Nagulat naman si Glaiza ng marinig nito si Rhian.

"Rhian?" bulong niya at hindi maiwasan na hindi maluha nang makita niya ito. Siniko naman siya ni Chynna dahil narinig nito na binigkas ni Glaiza ang pangalan ng dating kasintahan.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon