S29

3.9K 131 8
                                    

Hindi pa rin makapaniwala si Rhian na wala na si Bianca. Dahil kanina lang kausap niya pa ito, at siyang tumulong sa kanila na tumakas.

"Lab uminom ka muna ng tubig oh." at inabot ang isang basong tubig kay Rhian na agad namang ininom nito.

"Lab ang hirap tanggapin na kapalit ng kaligayahang gusto ko, ay siyang pagkawala ng bestfriend ko. Bakit hindi nalang kasi nila tayo hayaan, para wala ng nasasaktan at wala ng nadadamay dahil sa galit." she said at di pa rin maiwasan ang hindi maiyak.

"Lab minsan kasi may mga pang sariling kagustuhan ang ibang tao. Wala silang pakialam kong nakakasakit sila, dahil ang gusto lamang nila ay masunod ang magpapasaya sa kanila. Hindi natin sila kuntrulado pero tayo kaya nating kuntrulin ang sarili natin. So the best thing we can do is to escape. Sa States lang tayo pwedeng maging malaya, don patas ang trato sa mga kagaya natin. Kaya dadalhin ko kayo ni Trixie don, at don sigurado ako na hindi nila tayo masusundan." Glaiza said.

"Pero lab gusto kong makita si Bianca bago tayo umalis."

"Gagawan natin ng paraan yan lab wag kang mag alala. Gusto ko din siyang makita at magpapasalamat ako sa kanya, dahil kahit sa mga huling sandali ng buhay niya, gusto niya na maging masaya tayo kaya hindi ko siya bibiguin." sabay halik ng mabilis sa labi ni Rhian.

"We should pray for her soul Lab." Rhian said.

"Okay lets pray for her." sabay hawak sa kamay ni Rhian at pinag pray ang namayapang kaibigan.

***

Samantala, nakarating na kay Dave ang pagpatay ni Mateo kay Bianca. Kaya si Dave galit na galit kay Mat at agad nakipagkita dito kahit dis oras na ng gabi.

"Mr. Standford perdonami (patawarin niyo ako) kong hindi ko nabawi si Rhian." Matt said.

"Tingin mo ba magpapakita pa ang anak ko matapos ang ginawa mong pagpatay kay Bianca? Stupido!" sabay sampal sa mukha nito. Dahil sa ginawa ni Dave magalit si Mat at nagbunot ng baril.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now