S16

3.9K 137 11
                                    

Agad dinala ni Glaiza si Kylie sa pinakamalapit na hospital. Hindi siya tumitigil sa pag contact kay Rhian, para alamin kung nasaan ito.

"Rhian please pick up the phone nasaan ka ba?" sabi niya. At narinig ni Kylie si Glaiza kaya bigla itong nagsalita.

"Alam mo sa ginagawa mo baka maaksidente tayo." napalingon naman si Glaiza kay Kylie.

"Mabuti naman at gising ka na. Dadalhin na kita sa hospital, bigla kang nawalan ng malay kanina."

"Actually hinimatay ako sa kagwapuhan mo. Anyway Kylie nga pala." sabay abot ng kamay kay Glaiza at kinikilig, pero inignored naman siya nito.

"What? Baliw ka ba? So ano nga? May masakit ba sayo? Kung meron dadalhin kita sa hospital, iiwan muna kita don dahil may kailangan akong puntahan."

"Wala namang masakit sa akin sinalo mo naman ako kaya di naman ako nasaktan." nakangiting sagot nito.

"Alam mo ang lakas ng trip mo. Kung walang masakit sayo ibababa na kita may kailangan akong puntahan!" naiinis na sagot ni Glaiza.

"Taeng tae ka naman, di ka pa nga nagpapakilala e. Ano ba name mo? Kasi parang na love at first sight yata ako sayo. Sige na magpakilala kana." pangungulit nito.

"Miss kung ano man yang trip mo wala akong panahon. Maghanap ka ng maluluko mo, kaya bumaba ka na!" seryusong sabi nito.

"Ay mas lalo kang gumagwapo kapag nagagalit ka. Hindi Miss ang pangalan ko, Kylie ang pangalan ko. Sige na naman kasi magpakilala ka na." pabebeng sagot nito

"Baba!" sagot nito.

"Kapag hindi mo binigay ang pangalan mo sisigaw ako ng rape dito." pananakot nito.

"Wag mo nga akong takutin, bumaba kana please lang!"

"Ayaw mo talaga ah sige!" binaba ni Kylie ang bintana ng kotse at nagsisigaw. "Tulungan niyo ko! Saklolo! Tulong tulungan niyo ko!"

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now