S21

3.9K 125 11
                                    

"Isang masayang umaga ang bumungad sa akin ngayong araw na ito. Wala pa man ding ginagawa si Glaiza napapangiti niya na ako. Ewan ko ba, pero kinilikig ako dahil nasa harap ko ang taong dating mga bituin lang noon pero abot kamay ko  ngayon . Unang araw nang pagiging mag girlfriend namin ngayon, ang sarap panuorin ng Lablab ko habang natutulog." Rhian talked to herself, kakagising niya lang.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan si Glaiza, at dahil sa kilig na nararamdaman niya hinalikan niya ito sa noo. Ngunit ng halikan niya ito, naramdaman niyang mainit si Glaiza.

"Lab? Ang taas yata ng lagnat mo." she said at hinaplos pa ang ulo nito. Nataranta si Rhian ng inaapoy ng lagnat ang girlfriend niya. She don't know what to do kaya pinuntahan niya ang mga kaibigan sa kabilang room.

"Kylie? Bestie? Guys wake up I need your help!" she said.

Agad naman nagising sila Bianca at pinagbuksan ng pinto si Rhian.

"Oh Rhian anong problema? Ang aga mo yata?" bungad ni Bianca na kakagising lang.

"Bestie may gamot ka bang dala? Linalagnat kasi si Glaiza." sagot niya at halata sa kanyang boses ang pag aalala.

"Let me check Bestie, go back to Glaiza. Dadalhin ko nalang yung gamot don."

"Okay sige, salamat ha?" she said at bumalik agad kay Glaiza.

Pagbalik niya nakita niyang gising si Glaiza.

"Lab san ka galing?" tanong niya.

"Oh lab kamusta pakiramdam mo? Nasalat ko noo mo kanina inaapoy ka ng lagnat."

"Medyo mabigat nga ang pakiramdam ko." hinawi nito ang kumot niya at nakita ni Rhian ang mga pasa ni Glaiza.

"My god lab bakit dumami yang mga pasa mo? Anong nangyayari?" she asked so worriedly ng makita ang pasa sa katawan ni Glaiza.

Nakita naman ni Bianca mga pasa ni Glaiza kaya nagsuggest na ito.

"Bestie I think you need to go home. Glaiza, kailangan mong magpatingin sa Doctor, hindi maganda yang mga naglalabasan sa katawan mo."

"Pero guys maaabala kayo sa gagawin niyo dito sa Isla. I'm sure okay lang ako."

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now