S6

4.2K 161 9
                                    

Glaiza's Pov ...

Matapos malaman ni Rhian ang tungkol sa akin. Umalis nalang siya ng walang paalam. Tita Claire told me na kailangan muna daw ni Rhian hanapin ang sarili niya. Pero alam ko naman na isa sa mga rason kaya siya umalis ay para layuan na rin ako. Masakit, sobrang sakit 😢. Kasi akala mo siyang yung taong makakaintindi sayo, at tatanggap sa pagkatao mo. Yun pala isa din siya sa maraming tao na huhusga sa pagiging lesbian ko. Pero okay lang, hindi naman lahat ng tao sa mundo maiintindihan ang desisyon mo at tatanggapin ang pagkataong pinili mo. Tenext ko pa si Rhian nung araw ng flight niya, I was expecting her reply pero wala. Kaya kailangan ko ng tanggapin at isampal sa sarili ko na kahit kailan, hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko.

Paglabas ko ng hospital, si Coleen ang nag asikaso sa akin. Nag paalam siya sa parents niya na tumira sa akin, nakakahiya nga sa kanya pero nagpumilit pa rin siya. She told me na hayaan ko lang daw siya na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya.  So I let her, baka din kasi makita ko yung worth niya at bigyan siya ng puwang sa puso ko. Si Coleen ang taga luto, taga linis ng bahay, pati paglalaba siya din. Pag may pasok siya sa school nag iiwan na siya ng lutong pagkain para sa akin. She always leave a sticky note pag umaalis siya she said "Mako I've already prepare your food, Just eat on time and take a med. Muah!💋" yan ang laging remainder niya. Minsan pagdismissed na ang klase niya umuuwi agad siya ng bahay para ipagluto ako. Naging routine na ni Coleen ang pag aasikaso sa akin kahit na nga magaling na ako.

After my recovery ginawa kong busy ang sarili ko. Dahil naiwan sa akin ni Rhian ang lahat ng responsibility sa Cafè, naging abala na ako sa pagtatrabaho. Pagfree naman ako inaaya ako ni Coleen sa gym at  magkasama kaming nagwowork out. Minsan sparing  partner ko siya sa boxing. Di ko naman ginagawa 'to dati pero dahil sa impluwensya ni Coleen na enjoy ko ang pagwowork out at boxing. Si Coleen ang madalas kong makasama, and she always make me happy. Coleen is a sweet and kind person, kaya di nagtagal nahulog din ang loob ko sa kanya. I've already move on sa first love ko, kay Rhian. Dahil simula nung umalis si Rhian, hindi na siya nagparamdam, kahit email or pm sa facebook wala. Ayoko na man ding magpakatanga pa sa taong di naman ako kayang pahalagahan.

Isang taon na ang nakakalipas, I think this is the right time para suklian ang pagmamahal ng isang taong, di napagod iparamadam sa akin ang halaga ko sa kanya. Last night nagpaalam na ko kila Nanay at Tatay na maggigirlfriend na ako, tuwang tuwa naman ang tatay ko. Oo, alam na nila na les ako, okay kay Tatay pero kay Nanay 50/50 pa, so I'm still working on it little by little para matanggap niya na ako.

Graduation day ni Coleen ngayon, tapos na siya sa college. Kaya ito na ang panahon para maging Official MAKO niya na ako in short ng Mahal ko.

End of Pov ...

After ng graduation ceremony, hanap ng hanap si Coleen kay Glaiza. Panay ang contact niya dito pero walang sumasagot na Glaiza.

"Coleen tara picture tayo!" pag aya ng kaibigan niya.

"Sige guys kayo nalang muna susunod ako." sagot niya.

"Si Zai ba yang tinatawagan mo? Friend asa ka pa na darating yon."

"Steph kung wala kang magandang sasabihin, better shut your mouth." pagtataray nito.

"Friend concern lang naman kasi kami as your friend. Ano ba naman na kasing taon ngayon? Umaasa ka pa ba na magiging kayo ng Zai na yon? As her sparing partner ka lang naman yata sa kanya e." Clar said.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant