S30

8K 224 34
                                    

Nang madala nila Glaiza si  Rhian sa hospital, pinaasikaso agad ni Chynna sa mga nurse niya si Rhian para maagapan ang pagdurugo ng saksak nito.

Hindi rin mapakali si Glaiza nanatili lang siyang karga si Trixie sa labas ng emergency room.

"Anak sana walang mangyaring masama sa Mommy mo. Dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang bukas na wala siya. Marami nang taon na magkawalay kami kaya sana wag na muli kaming paghiwalayin pa ng tadhana." she said to her daughter na behave lang habang karga niya.

After an hour of waiting, lumabas na rin si Chynna.

"Chynna kamusta si Rhian? Ligtas na ba siya?" agad niya itong tinanung.

"Glai she's safe, 2 inches lang ang bumaon sa tiyan niya. Kaya wala ka nang dapat alalahanin." masayang sagot ni Chynna sa kaibigan niya.

"Dyos ko Trixie narinig mo yon? Okay na si Mommy, ligtas na siya anak. Chynna maraming maraming salamat." masayang tugon nito.

"Wala yon Tsong, magigising na rin si Rhian pero baka mga umaga na yon. Kaya ililipat ko kayo sa kumportableng kwarto."

"Chynna salamat talaga."

"Noh ka ba tama na sa pagpapasalamat ginawa ko lang ang obligasyon ko bilang isang friend doctor. Siya nga pala anong balak mo don sa bahay na pinatayo mo? Kagagawa palang dami ng sira ng dahil sa Mateo na yon." Chynna asked.

"Ipapagawa at ibibinta, may mga panget na alaala na ang nandun sa bahay na yon. Kaya ayoko na don pa kami magsimula ng bagong buhay kasama ang mag ina ko. Babalik nalang muna siguro ako sa dati kong condo tutal wala pa namang umuupa don."

"Paano yung parents ni Rhian? Anyway speaking of parents tsong ayan na sila Tito Dave at Tita Claire." Chynna said.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now