S7

4.2K 160 19
                                    

Rhian's Pov ...

It's been 1 year, akala ko hindi ako makakatagal dito sa Tacloban, but thanks God nakayanan ko. Nung unang dating ako dito, parang gusto ko ng umuwi dahil sa mga nakita ko at sa mga taong makakasalamuha ko, pati na rin ang environment nila dito. Walang kuryente, mahirap ang signal. That time kasi tatlong buwan palang ang nakakalipas, nung salantahin ng bagyong Yolanda ang Tacloban.

Mahirap ang buhay ng mga taong, sinalanta ng bagyo. Naipun sila noon sa isang refugee camp, don ako na asign kasama ni Bianca. Sa una talaga, sobrang nahirapan ako makipagsabayan. Dahil di naman ganito yong buhay na kinasanayan ko. But I have to convince myself to stay at para tulungan ang sarili ko, at maka move on na rin sa break up namin ni Paulo.

Naging trabaho ko nung una na ipagluto ang mga bata sa refugee camp. As usual, its hard ulit kasi di naman ako marunong magluto, lugaw na nga lang para sa mga bata hindi ko pa magawa. Pero dahil nakikita ko at nararamdaman ko yung hirap na pinagdadaanan nila, pinag aralan ko ang pagluluto. Naalala ko yung turo ni Panget noon, nung pinapakita niya sa akin kung paano maggisa. Yung mga tinuro ni Panget ang tumulung sa akin para matutunan ang pagluluto. May mga pagkakataong namimiss ko si Panget, gustong gusto ko siyang itext pero dahil walang signal di ko siya magawang itext or tawagan. Malaki ang naging impluwensya niya sa akin inaalala ko lagi yong mga tinuro niya. Kaya kahit magkalayo kami pakiramdam ko magkasama lang kami. How I wish nakita niya kung paano ako natuto sa pagluluto para hindi lang si Mom and Dad ang maging proud pati na rin si Glaiza.

Paglipas ng tatlong buwan nakapag adjust na rin ako sa wakas. Hindi lang sa pagluluto ako nakatuka, pati na rin sa pagtuturo sa mga batang hindi nakakapasok sa eskwelahan dahil sa kawalan ng paaralan. Natuto ako kung paano pahalagahan ang mga batang tinuturuan ako. Nakita ko sa kanila ang pagpupursige at pagtitiaga, minsan di ko maiwasan ang maluha dahil sa kalagayan nila. May mga batang mag isa nalang sila dahil nasawi nung bagyo ang pamilya nila. Hindi ko alam kung paano nakakayanan ng mga batang 'to ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay. Ang mga batang ito ang nagmulat ng mga mata ko sa realidad ng buhay. Kung paano mo tatanggapin ang lahat ng bagay, lalo na ang pagbabago ng ibang tao. Sana noon ko pa natutunan 'to para hindi na ako nakasakit ng ibang tao. Nasa huli talaga ang pag sisisi, but it's never too late. Dahil pwede mo pang ayusin ang mga bagay na nasira. Parang kagaya lang ng mga tao dito sa Tacloban, nawalan man sila ng mahal sa buhay at nawalan ng kabuhayan at mga bahay, bumabangon silang muli para magsimula ng bagong buhay. Kaya sa amin ni Panget hindi pa huli ang lahat, at ngayon kaya ko na siyang tanggapin ng buong buo. Kahit maging sino at ano pa siya, dahil may mga bagay na hindi nakikita ng literal na mata.

End of Pov ...

*****

Nagliligpit na si Rhian ng mga gamit niya. Dahil tapos na ang pananatili nila sa refugee camp. Back to normal na kasi ang buhay ng mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

"Hi Bestie? Mukhang ang hirap mag impake noh?" Bianca said.

"Sinabi mo pa, ang hirap iwan ng mga bata. Napalapit na rin kasi sila sa akin."

"Mukha ngang ikaw na Nanay ng mga yon, ikaw palagi ang hinahanap e. Dati naman ayaw mo sa mga bata kasi makukulit sila, but now para kang may dalawang dosenang anak." she smile.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon