S14

3.9K 135 11
                                    

Matapos makausap ang parents ni Glaiza, hindi na muna pinauwi ni Miguel si Rhian. Malakas ang pagbuhos ng ulan kaya nagpalipas nalang muna ng gabi si Rhian kila Glaiza.

Dahil hindi pa kumakain si Glaiza pinagdalhan ito ni Rhian ng pagkain sa kwarto niya.

"Panget? Magandang gabi." bungad niya at naabutan ni Rhian na nakahiga si Glaiza nakikinig ng music at yakap ang picture frame ni Coleen habang umiiyak. Linapag niya ang tray ng pagkain sa table at pinatay ang cd player. "Panget hindi ka na dapat nakikinig ng mga ganyang kanta. Mas lalo kang mag eemo niyan e. Nagdala ko ng pagkain kumain ka na muna." pag aya nito.

"Wala akong gana." walang emosyon na sagot nito.

"Glaiza ano ba? Are you killing yourself? Simula umaga hanggang hapon nasa sementeryo ka, wala ka namang ibang dala kundi yong gitara mo. Ano laman ng tiyan mo? Petals ng mga bulaklak na dinadala mo sa puntod ni Coleen?" iritang tanong nito.

"Rhian ano bang pakialam mo? Saka paano mo nalaman na kaninang umaga mo pa ko na andon, sinusundan mo ba ako?" tanong nito.

"May pakialam ako kasi best friend kita. At oo sinundan kita, so I'm sorry if I lied to you kanina nung nagtanong ka. Kaya please kumain ka na, magkakasakit ka sa ginagawa mo e." pakiusap nito.

"Pwede ba Rhian wag mo kong kulitin? Wala akong panahon para sa mga kakulitan mo. Umuwi ka na lang!" sabay bato ng unan kay Rhian.

"Hindi ako pinauwi ni Tito kaya dito ako matutulog. Ah yan pala gusto mo harutan ah sige!" sabay kiliti nito kay Glaiza. Akala niya nagbibiro lang ito ngunit hindi pala.

"Rhian tama na!" naiiritang sabi nito at tinulak si Rhian. Kaya nabasag ang baso at natusok ang siko ni Rhian ng mga bubug.

"Ahh! Aray ang sakit." daing nito.

"Rhian pwede ba wag mo kong dramahan! Hindi ka nakakatuwa!" naiinis niyang sabi. Tumayo na lang si Rhian at tinanggal ang tumusok na peraso ng bubug sa siko niya.

"I'm so sorry, akala ko kasi nanghaharot ka lang." mahinahon niyang sagot. "Kukuha lang ako ng basurahan ako nalang maglilinis nito." hindi napansin ni Glaiza na nasugatan si Rhian dahil tinalikuran niya 'to agad.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt