S15

3.7K 126 9
                                    

"Mako?"

"Coleen?"

"Ako nga Mahal ko." lumapit siya yinakap nito si Glaiza.

"Mako namiss kita sobra ..." sagot niya habang nakayakap ng mahigpit kay Coleen.

"Namiss din kita." sabay rub ng likod ng kasintahan. Kumalas si Glaiza mula sa pagkakayakap at hinalikan si Coleen. Halik ng pagmamahal at pangungulila.

"Maraming salamat at bumalik ka, wag ka nang umalis please. Dito ka nalang wag mo na akong iiwan." pakiusap niya.

"Kahit gustuhin ko man magstay hindi na pwede Mako." she said at napahalf smile.

"Pero bakit? Mako please stay."

"Zai hindi ako yung taong nakalaan para sayo. Hindi ako yung taong makakasama mo sa pagbuo mo sa buhay mo. May isang taong nakalaan para sayo, kaya hindi ako ang dapat mong pag ukulan ng pagmamahal. There's is someone who deserves you. Zai I'm not happy seeing you like the way you look right now. Ayokong umiiyak ka, ayokong makita na  malungkot ka. Zai you have to accept the fact na may mga bagay talagang hindi na natin maibabalik pa. You have to set yourself free from the past. Wag mong sayangin ang pagkakataong magmahal muli, buksan mo ang puso mo para sa kanya, para maramdaman mo ulit kong paano maging masaya."

"Mako wag mo naman hilingin yan, mahal kita at sayo ako nangako na bibigay ko ng buong puso at kaluluwa ang sarili ko. So please don't say that."

"Zai isang panaginip nalang 'to wala na ako. At kahit kailan hinding hindi na ako babalik sayo. Hahayaan mo nalang bang maging mesirable ang buhay mo? Zai wag mong gawin to ikaw lang ang mahihirapan. Look at her ... " itinuro ni Coleen si Rhian na mahuhulog sa isang bangin.

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat