S10

4K 145 17
                                    

Rhian's Pov ...

Maaga akong na gising para maagang makapasok sa Cafè. At syempre pa, excited din akong makita si Panget. Isang oras na akong namimili ng damit na isusuot, pero wala pa rin akong magustuhan. Daig ko pa ang rumarampang model sa kakapalit suot ng damit. Heto nanaman ako, na papraning nanaman. Gusto ko kasing maging attractive ako sa paningin ni Panget. Anebey! I remember before pag nagsusukat palit ako ng damit nung date namin ni Paulo ito sinabi ni Glaiza sa akin "Kahit ano nalang dyan Rhi maganda ka naman e!" Hahaha galing na sa kanya na maganda ako, ito kinikilig nanaman ako sa naalala ko. Pero that time parang normal lang sa akin yon. So dahil sa naalala kong yon nag suot nalang ako ng damit na sakto lang at simple ...

Habang nagbibihis ako tinawag ako ni Mom ..

"Anak my telephone call ka."

I was expecting na si Glaiza, kaya ngiting ngiti ako nung tinanong ko kay Mom kong sino.

"Sino daw Mom?"

"Si Amy anak empleyado mo sa Café."

"Sige po pababa na ako." I thought it was Glaiza. Pero bakit tumawag si Amy ng ganitong oras, it's 7 am pa lang. Bumaba nalang ako after ko magbihis at kinausap si Amy.

"Hey Amy napatawag ka?" bungad ko.

"Ma'am Rhi tinatawagan ko po si Ma'am Glaiza pero hindi po sumasagot e ... Ano po kasi ..."

"Amy ano? Bakit parang problemado ka? Is there something wrong?"

"Ma'am yung Cafe po nasunog kaninang madaling araw. Napanood ko lang po sa Tv kaya po nagmadali akong pumunta dito, pero wala na po e sunog na sunog po lahat."

"What??" when I heard the bad news si Glaiza agad ang naisip ko. " Amy pwede pakisend yung number ng Ma'am Glaiza mo, ako na tatawag sa kanya ..."

"Okay Ma'am sige po, Ma'am malapit lang po ang condo ni Ma'am Glaiza dito puntahan niyo nalang po siya kanina pa po ako tumatawag di po talaga siya sumasagot."

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon