S19

4K 145 9
                                    

Hinayaan lang ni Glaiza ang mga ginagawa ni Kylie. Habang nasa sasakyan sila panay ang subo ni Kylie ng chitcherya kay Rhian, then same pa sila ng bottle na iniinuman. Kaya ang dalawa patuloy pa rin sa plano nilang pagselusin si Glaiza.

"You know what Rhi di ka maarting tao. Kasi we use to drink in a same bottle of water, di ka nandidiri? Para na rin kasi tayong naglilips to lips niyan." pahaging nito kay Glaiza.

"Yup before, I was being a maarte. But because of the people in refugee camp, I've learn a lot of thing. Kaya yung kaartihan at pagiging brat ko, na convert sa pagiging kung ano ako ngayon." sagot niya na kay Kylie.

"Wow ang nice naman, you know what ang swerte swerte ng taong magmamahal sayo. Yung tipong handa kang mahalin ng walang pag aalinlangan, yung hindi ka pinapaasa? Yung someone like me. Choz!" pahaging ulit nito.

"Kylie wag ka nang umasa, malinaw naman sayo na ako yung mahal ni Rhian. Hindi na yan magmamahal ng iba, kaya wag ka nang umasa." sagot ni Glaiza kay Kylie.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hahaha ang mga bagay na kahit pag aari na ng iba. Naaagaw at na agaw pa rin, parang pananim lang yan bumbahin mo man ng bumbahin pinepeste pa rin." sagot nito kay Glaiza.

"Guys anong meron? Parang hindi yata ako na inform sa ganitong eksina, nag aaway ba kayo?" Rhian asked, kunwari walang alam.

"Oo nga kanina pa kayong dalawa ah? Couz may problema ba kayo ni Glaiza?" dagdag na tanong ni Bianca.

"Ako wala akong problema, baka si Glai meron." sagot niya.

"Don't mind it guys, wala kaming problema ni Kylie. Malayo pa ba tayo?"

"Malapit na, sasakay tayo ng bangka papunta sa Isla Gugon. Nakabalik na kasi yung tao don sa Isla nila, and Rhi excited na yung mga bata na makita ka sabi ni Ka Asyong."

When True Love Comes Arrived (COMPLETED)Where stories live. Discover now