Chapter 2

13K 223 6
                                    

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan patungo sa lugar na di ko alam. Ilang beses ko na rin siyang tinatanung ngunit di niya ako sinasagot. Lalo pa akong kinabahan ng huminto kami sa tapat ng isang Hospital. "Oh jus ko! Bakit po kami narito? Di kaya? di kaya naaksidente si Sir Cloud? Jusko! Jusko! Wag niyo po sanang pahintulutang may mangyaring masama sa kanya pakiusap po. Pangako po Jusko mag papakabait na po ako wag niyo lang pong kunin ng maaga si Sir Cloud." Tahimik na pananalangin ko.

"Relax okey! Everything will be fine." Saad niya habang di parin binibitawan ang kamay ko. Bigla niya naman akong hinila papasok sa isang Clinic?

"Good morning Ms. Rodriguez! Nice to see you again." Nakangiting salubong nito saakin. Di ito ang unang pagkikita namin dahil palagi itong pumupunta sa opisina pag mayroong board meeting ang kumpanya.

"G-good morning din po Sir Flint." Nag aalangang bati ko. Iginiya niya naman ako sa isang private room para e check up? Teka wala naman akong sakit bakit ako e checheck up? Hala! Di kaya may masamang balak ang magkapatid na to saakin? Baka e checheck nila kung healthy ako tapos ibebenta nila lamang loob ko???

"Stop what you're thinking Ms. Rodriguez." Basag ng unggoy na yun sa iniisip ko.

"Tss. Wala akong iniisip!" Pagkakaila ko saka ko ito inirapan.

"How is she Bro?" Tanong niya ng matapos sa ginagawa saakin si Doc. Flint.

"She's fine. Its just a mild burn but I will give her antibiotics for assurance!"

"Thanks bro!" Nabuhayang pasasalamat nito.

Pagkaalis namin ng hospital akala ko babalik na kami sa office pero hindi doon ang naging daan namin.

"Sir saan po tayo pupunta?"

"Just sit and be quite." Sagot nitong di man lang ako tinitingnan.

"Monkey face kung may binabalak kang masama saakin wag mo nang ituloy dahil hinding - hindi ako makakapayag na mangyari yun."

"Tss. Will you shut up?" Singhal niya saakin. Pinangliitan ko naman ito ng mata.

"Bakit mo ako sinisigawan?" Singhal ko din dito.

"Di kita sinisigawan." Mahina niyang sagot.

"Eh anung tawag mo diyan?"

"Pinagsasabihan lang kita."

"Pagsabihan mo mukha mo!"

"Pwede bang manahimik ka muna?" Mahinahong niyang saad ngunit di ko ito pinansin.

"Alam mo ba Sir na marami tayong nasayang na oras?" Tanong ko pero imbes na sumagot sinulyapan lang ako nito.

"Dahil sa ka praningan niyo lalo akong matatambakan ng trabaho." Inis na singhal ko dito. Sinulyapan lang ako nito bago ng dial ng kong sino.

"Finish her work." Utos nito sa kausap at binaba agad. Nagpatuloy naman ito sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa isang Condominium.

"A-anung gagawin natin dito Sir?" Mabait na tanong ko. Baka kasi anung gawin saakin ng unggoy na to. Hindi naman ako nito pinansin kaya mas minabuti kung maghintay na lang dito sa lobby.

"What are you doing?" Kunot noong tanong niya ng papasok na sana ito sa elevator.

"A-anu kasi....." Para naman itong naubusan ng pasensiya kaya bigla na lang ako nitong hinila papasok ng elevator.

Little Monster In My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon