Chapter 25

1.9K 34 1
                                    

*Summer's POV*

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Halos di ako nakatulog kagabi pagkatapos ng pag uusap naming iyon ni Storm. May parti sakin natutuwa dahil nandito siya pero may parting galit, naiinis at nasasaktan. Hindi ko pa kayang pakinggan ang mga paliwanag niya. Hindi ko pa kayang tanggapin nagka anak siya sa iba.  Selfish mang pakinggan pero ayukong magkaroon ng kahati. Gusto ko ako lang. Di siya pweding tumingin sa iba. Di siya pweding magmahal ng iba. Ako lang.

Naka rinig ako ng tatlong katok sa pintuan kaya napatingin ako dito.

"Sum naka handa na ang almusal." Si Thunder.

"Oo sunod ako."

"Naayos mo na ba ang gamit mo? Alas syete daw alis natin."

"Oo." Sagot ko. Di na siya muli pang sumagot. Nang matapos kung ayusin ang sarili ko lumabas na ako at naabutan ko ang dalawang magka harap na nakaupo. Parang nagsusukatan ang mga ito ng tingin.

"Ehem!" Tumikhim ako. Napukol sakin ang tingin nila at dali daling nagsi hila ang mga ito ng upuan. Gusto kong matawa sa inasal nila pero wala sa tema.

"Upo ka/Sit beside me." Sabay pa nilang saad. Pero dahil ayukong mahirapan sa pagpili hinugot ko ang isang upuan sa gitna at doon ako naupo.

Aktong kukuha ako ng sinangang ng maunahan ako ni Thunder at ito mismo ang naglagay nun sa plato ko.

"Thanks." ako

Nang kukuha naman ako ng itlog naunahan ako ng mga ito sa pagkuha ng plato at naghihilahan pa talaga sila.

"She likes sunny side up. More." Si Storm. Siguro naalala nito iyon nung mag almusal ito sa bahay. Di ko tuloy maiwasang di mapangiti.

"Boiled egg is better." Si Thunder. Hindi parin siya nagbabago. Hindi kasi siya yung tipo ng lalaking kokonsentihin ako porket mahal niya ako. One thing why I loved him.

Para walang away bacon at tinapa na lang ang kinuha ko. Di na kami nag imikan hanggang sa matapos kaming kumain. Pero nung mag huhugas na...

"Sum ako na lang mag huhugas ng plato mo." Si Thunder na nakahawak na sa plato ko.

"Ako na." Si Storm. Hinawakan na rin nito ang plato ko.

"Ako ang nauna!" Thunder

"No! Ako ang maghuhugas ng plato ng girlfriend ko." May diing sagot ni Storm. Gusto ko sana siyang itama na 'Ex Girlfriendpero mas pinili kong hayaan na lang. Bahala silang magtalo nang maka ganti naman ako sa ginawa nila sakin.

"Baka ibig mong sabihin ex girlfriend." Si Thunder. Naka tayo kaming tatlo at nasa harap ko sila. Kitang kita ko ang bawat ekspresyon sa kanilang mga mukha. Para silang mga tangang pinag aawayan ang isang kendi.

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now