Chapter 23

1.9K 25 2
                                    


Nababad trip ako! Naiinis ako! Naiirita ako! Naiiyak ako. Dalawang linggo na akong nandito pero walang Storm ang dumating. Walang Storm ang sumundo sakin. Akala ko pa naman susundan niya ako dito! Akala ko hahabulin niya ako at sasabihin niyang hindi totoo ang sinasabi ng babaeng iyon. At ako? Ako ang mahal niya at gusto niyang maging ina ng magiging mga anak niya pero hindi. Hindi siya sumulpot. Hindi siya nagpa ramdam. Sabagay anu nga ba naman ang aasahan ng isang tulad ko? Isang fling lang naman yata ako sa buhay niya. Isa sa mga babaeng pinaasa niya.

Nanghihina kong naipunas ang palad ko sa luha ko saka ako sumalampak sa upuang gawa sa kawayan.

'Hanggang kailan ka ba magpapaka gaga Summer? Pwede ba tama na! Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Kalimutan mo na siya. Kalimutan mo na ang gagong Storm na iyon! Hindi ka talaga niya mahal assuming ka lang talaga!' Saad ko sa sarili ko habang patuloy ang pag agos ng luha sa mga mata ko.
Kahit yata anong gawin di iyon ma tigil tigil gaya ng nararamdaman ko para kay Storm.

'Bakit ganun! Kahit ang sakit sakit sakit na mahal na mahal parin kita?! Bakit kahit anong galit ang nararamdaman ko mas ma timbang parin ang pagmamahal ko sayong gago ka! Bakit?! Bakit Storm?'

*tok*tok*tok*

Sunod sunod na katok ang narinig ko. Muli akong nabuhayan at umasang si Storm iyon. Daglian kong inayos ang sarili ko bago buksan ang pintuan.

"T-thunder?" Usal ko ng makita siya. Iyong pag asang naramdaman ko kanina ay biglang naglaho. Natunaw na parang bula at napalitan ng panlulumo. Ayun na naman iyong mga luhang nag uunahan sa pagpatak.

"Ssshhh. Don't worry I'll be here for you." Pagpapatahan niya habang nakayakap sakin. Di ko alam kong bakit pero nakaramdaman ako ng kapanatagan ng dahil sa yakap na iyon. Pakiramdam ko di ako mag isa. May karamay ako. Sumilay ang isang mapait na ngiti bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata.

* * * * *

*Thunder's POV*

Di ko maiwasang di masaktan sa nakikita ko. Sobrang hirap na makita ang taong mahal mo na nasasaktan. Akala ko masakit na iyong makita siyang masaya sa iba pero mas masakit pala yung makita siyang nasasaktan ng di dahil sayo. Natawa ako ng mapakla habang nakatitig sa kanya. Nakatulog ito sa pag iyak. Mugtong mugto ang mga mata niya at nangangayayat na rin ito.

'Kung di lang sana ako nagpaka gago noon sana... Sana akin ka ngayon at masaya tayong dalawa. Di sana tayo aabot sa ganito. Di ka sana nasasaktan ng ganito. Summer patawarin mo ako. Alam kong huli na ang lahat pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong bumawi sayo. Pinapangako ko hinding hindi na kita iiwan. Hinding hindi na kita sasaktan.'

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now