Chapter 26

1.5K 28 2
                                    

"It's not true that her child is my baby. Yes she's my ex fiancée but I never did loved her. She's just like a sister to me."

"It's not true that her child is my baby. Yes she's my ex fiancée but I never did loved her. She's just like a sister to me."

"It's not true that her child is my baby. Yes she's my ex fiancée but I never did loved her. She's just like a sister to me."

Paulit ulit na nag pa flush sa isip ko ang sinabi niya. Di parin ako naniniwala.

'What if... Paraan niya lang iyon para saktan ako ulit? What if lokohin niya na naman ako? Ayuko ng masaktan. Ayuko ng umiyak.'

"Are you okay?" Tanong ng lalaking kakaupo lang sa tabi niya. Tumango lang siya habang nakatingin sa papa lubog na araw. Hindi na sila nagkausap pang muli ni Storm mula kanina. Di niya rin ito nakita maghapon. Iniisip niya na lang na baka umuwi na ito at tuluyan ng sumuko sa kanya.

Masakit ang katotohanang iyon pero alam niyang iyon ang tama. Wala siyang karapatan kay Storm at higit sa lahat ayaw niyang pagkaitan ng ama ang magiging anak nito.

"Di mo ba talaga kayang patawarin si Storm?" Matagal siyang nag isip dahil sa tanong nito.

"Patawarin?" Ngumiti siya ng mapait. "Napatawad ko na siya."

"Kung ganoon bakit di mo pa rin siya kinakausap?"

"Ayuko siyang kausapin. Baka kasi magbago ang isip ko. Ayukong pagkaitan ng ama ang batang iyon."

"Hindi mo naman siya ipagkakait sa anak niya."

"Paanu mo naman nasabi iyan? Paanu kong sobrang selfish ko at di ko hinayaang makalapit ang batang iyon kay Storm?"

"Kilalang kilala kita Sum. Alam kong di mo ipagkakait sa bata ang ama niya at naniniwala akong mamahalin mo rin na parang tunay mong anak ang batang iyon. Sum wag kang matakot sumubok ulit. At wag mo na ring hintaying mahuli ang lahat. Wag mo na sanang hintaying matulad ka sakin. Pinagsisihan ko ng husto na pinakawalan pa kita at huli na ng bumalik ako dahil may mahal ka nang iba. Alam kong mahal mo parin si Storm at naniniwala akong siya lang ang mag papasaya sayo. Wag mong hayaang mawala siya sayo Sum. Bigyan mo siya ng pagkakataong mapatunayan ang sarili niya."

Hindi siya naka sagot sa sinabi nito. Batid niyang tama ito ngunit may bahagi sa puso niyang natatakot parin sa kung ano ang maaaring mangyari. Ayaw niyang magkamali ng desisyon at ayaw niyang basta basta na lang sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan.



Nagising siya dahil sa malakas na katok sa kanyang pintuan. Tamad mang bumangon ay pinagbuksan niya ito ng pinto.

"Bakit?'' Inaantok pang tanong niya sa taong nakatayo sa harap ng pintuan.

"Sum..." Malungkot na saad ng taong kaharap niya. Kinusut kusot niya ang kanyang mga mata upang makita ng malinaw ang kausap.

"Oh Thunder. Bakit?" Tanong niya dito.

"Sum si Storm." Sumiklab ang kaba sa dibdib niya ng marinig ang pangalan nito. Nawala bigla ang antok niya. Napalitan iyon ng kakaibang kaba dahil sa lakas ng pagtibok ng puso niya.

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now