Chapter 28

1.7K 25 0
                                    

Sobrang saya ko ng makita ko siyang gising na. Nangingilid na rin ang mga luha sa aking mga mata.

Wala akong maapuhap na salita ngunit nais kong tawagin ang pangalan niya. Lalapit na sana ako ng biglang magsalita si Cass.

"Sum beybey buti nandito kana. Kanina pa gising si---" Gusto kong batukan si Cass sa pag sira niya sa moment naming dalawa ngunit nabigla kami... Wait ako lang ata, ng biglang magsalita si Storm.

"WHO IS SHE???"

Nananaginip ba ako?

Please sabihin niyong oo.

Kasi di ko yata kaya.

Sino ako???

Sino nga ba ako sa buhay mo Storm para di mo ako makilala?

Nanghina ang mga tuhod ko hanggang sa tuluyan na akong napa upo sa sahig at doon na nag unahang pumatak ang mga luha ko.

Huli na ba ako?

Naramdaman ko ang pag alalay saakin ng isang braso paupo sa kamang kanina'y hinihigaan....

Nanlalabo man ang paningin ay inaninag ko kung sino ang umalalay saakin.

"S-Storm." Pinahid nito ang mga luhang nag landas sa aking pisngi.

"Ssssshhh. Please stop crying. I'm sorry."

Naramdaman ko ang pag yakap nito kaya lalo akong napa iyak.

'Ito na ba ang huling beses na mayayakap ko siya?'

'Sana hindi kasi di ko kakayanin.'

"Ssssshhh.... Stop crying Hon, baka lalo kitang di makilala niyan." Nag panting ang tenga ko sa sinabi niya kasabay naman nito ay ang muling pag pahid niya sa mga luhang pumapatak saaking mga mata.

"A-anung ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti lang ito.

Parang tinunaw ang puso ko sa mga ngiting iyon. Akala ko di ko na iyon makikita. Pero anu nga ulit iyong sinabi niya?

"Storm." Seryosong tawag ko sa pangalan niya. Nawala naman ang ngiti nito.

"Yes hon?"

"Wag mo akong ma hon hon! Di mo ako kilala diba?" Pag susungit ko. Kala siguro ng lalaking ito makakalimutan ko ginawa niya.

"Sorry. Sorry. Sino ba naman kasi makaka kilala sa itsura mo ngayon?" Inirapan ko siya.

'Nang iinsulto ba lalaking ito?"

"Look hon. I don't have intentions to make you cry but when I saw you... that idea came into. Gusto kong malaman kung anu ang magiging reaction mo pero ng makita kitang umiyak pinagsisihan ko iyon. Sorry Hon. Di ko dapat ginawa iyon."

"Ah ganun so kasalanan ko pa?" Pag tataray ko pero naramdaman ko na lang ang pag yakap niya.

"No. Its not your fault." Di na ako umimik. Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako total gusto ko naman iyon kaso baka PDA na kami. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at doon ko lang napansin na kami na lang palang dalawa ang naroon.

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now