Chapter 21

3.6K 77 7
                                    

"Girl share mo naman sekreto mo."  Saad ni Cass yung Ex Bestfriend ni Forest Fuentibella. Kung gusto niyo malaman love story nila basahin niyo yung ''Chasing My Ex Bestfriend". Heheh promote lang para di na ako awayin ni Author.

Nandito kami ngayong mga babae sa kusina habang yung mga lalaki naman nasa bar. At ang pinagkaka abalahan namin ay ang pagluluto ng dinner.

"Sekreto saan?" Nagtatakang tanong ko kasi wala naman akong naaalalang may sekreto pa ako. E kayo may alam ba kayong sekreto? Share niyo naman yan promise di ko ipagsasabi ;)

"Sekreto kung paanu mo napaibig ang playboy na si Storm. Baka kasi maka tulong para mapa ibig ko din si Forest my labs ;)
'Luh! Si Storm playboy? Di naman ah :( Pero kung totoo man yun humanda siya sakin babalatan ko siya ng buhay!

"Tss. Tigilan mo na nga yan Cassandra idadamay mo pa si Sum sa katangahan mo." Saway ni Venus yung fiancée ni Hunter. Kung nabasa mo na yung Baby I your crazy lover tiyak kilala mo na siya at kung hindi pa try niyo ;)heheh

"Anung katangahan sinasabi mo bess? Di yun katangahan ang tawag dun True Love."

"Katangahan!"

''True Love!"

"Kata---.

"Hi girls." Bati ng isang may katandaan ng babaeng pumasok kaya sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

"T-tita?" Saad ni Venus kaya sa kanya naman kami napatingin.

"Ah a ahhh.... May nakaka limutan ka yata Venus hija."

"S-sorry po Mom." Lumapit dito sa Venus saka nakipag beso. Mom? Ibig sabihin siya ang Nanay nina Storm? Oh my g... Oh my g... Anung gagawin ko? Huhuhu baka palayasin niya ako huhuhu.

"Tita I missed you so much." Saad naman ni Cass tapos nakipag beso din.

"I missed you too hija. Anyway kumusta naman ang project paibigin si Forest?"

"As usual tita my plan failed again." Malungkot na sagot niya.

Little Monster In My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon