Chapter 27

1.8K 34 7
                                    


"We fall in love in the same way we get sick; without wanting to, without believing it, against our will and unable to defend ourselves. And then we lose love exactly the same way. But when you we're destined to be together... Magka hiwalay man kayo... Pagtatagpuin parin kayo ng tadhana.

Anong connect??? Actually wala hahaha....

Tatlong araw na ang nakalipas pero di parin Nagi gising si Storm. Sabi ng doctor natural lang daw iyon ngunit kung natagalan pa daw na di ito nadala sa hospital baka namatay na ito.

"Kumusta siya?" Tanong ni Venus. Pangatlong araw ng nasa hospital si Storm kaya ganun din si Summer. Mula ng dalhin ito sa hospital ay dina niya ito iniwan dahil sa takot na baka mawala na naman ito. Natatakot siyang baka pag umalis siya wala na siyang Storm na balikan.

"Hanggang ngayon di parin siya nagigising."

"Everything will be fine Sum. Trust him. Diba nangako siyang dika niya iiwan?"

"Di ko alam. Natatakot ako sa pweding mangyari."

"Ay drama." Saad naman ni Cassandra na kakapasok lang.

"Di parin gising? Aba Storm! kapag di kapa gumising diyan naku! Baka maagawan kana ni Thunder baby."

"Landi! Paanu mo naman naging baby si Thunder?" Sabat ni Venus.

"Ah kasi... Ganito iyon. Since di naman ako mahal ni Forest naisip kong baka kami talaga ni Thunder ang itinadhana. Oh diba bongga?" Napa palakpak pa ito sa naisip.

"Gaga! Akala ko ba okay na kayo ng gubat na iyon?" Venus.

"Asa! Bwesit iyon e. E ikaw? Akala ko ba tuloy na kasal niyo ng mangangasong iyon? bakit postponed na naman?" Di naka sagot si Venus.

"See? Hay naku! Kaya ikaw Summer pag dipa nagising lalaking ito mag move on kana. May ipapakilala ako sayo. Mas gwapo, mas mayaman, mabait, gentlemen, loyal, trustworthy tyaka may pande---- nyaman Venus e. " reklamo nito ng salpakan ito ni Venus ng pandesal.

Iyong totoong pagkain.

"Shut up kasi. Nandito tayo para kay Summer tapos kung anu anung kagagahan pinag sasasabi mo."

"Eh di wow! Pero seryoso pag dipa talaga nagising si Storm move on kana Sum. Mas bagay talaga kayo nung friend ko e." Walang awat paring suhestiyon nito.

"Wag mo na lang siyang pakinggan Sum. Anyway sabi sakin ni Kuya Cloud dika pa daw umuuwi? Pahinga ka kaya muna. Baka ikaw naman ang magka sakit niyan."

"Okay lang ako."

"Sum sige na. Magpahinga ka muna kami na bahala dito."

"Salamat sa pag aalala niyo pero okay lang talaga ako."

"Uwi kana Bess. Matulog ka muna laki na ng eyebags mo e. Ang pangit mo na tuloy."

"Oo nga Sum. Sa tingin ko rin di gigustuhin ni Storm na makitang nagkaka ganyan ka."

"Pero kasi..."

"Sige na. Promise tatawagan ka agad namin pag nagising na siya."

Ayaw pa sanang umalis ni Summer pero ipinag tulakan na siya ng dalawa palabas kaya wala na siyang nagawa. Naka yuko siyang naglakad sa hallway ng may nagsalita sa harap niya kaya tiningala niya ito.

"Sum."

"Thunder."

"Ihahatid na kita." Di na siya ng protesta ng alalayan siya nito papunta sa sasakyan nito.

Little Monster In My BedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant