Chapter 22-

1.9K 25 1
                                    

Tatlong buwan na ang nakalipas mula ng maging kami. Wala naman masyadong nagbago maliban na lang sa mas naging mabait sakin ang mga tao dito sa kompanya. Pero kahit ganun di ko parin maiwasang di maliitin ang sarili ko. Alam kong di nila ako gustong lahat at alam ko ring iniisip nilang pera lang ang habol ko kay Storm.

"Good morning soon to be Mrs. Fuentibella!" salubong sakin ni Stella na lagi niya namang ginagawa mula ng malaman niyang kami na ni Storm. Ang kulit lang. Minsan kasi nakaka panibago parin. Parang isang panaginip.

"Tigilan mo nga ako Stella " saway ko sa kanya.

"Anong ititigil?" Kunyareng walang alam sa sinasabi ko! Tsk! Kung di ko lang kaibigan to naku!!!!

"Wala! Manahimik kana lang" Singhal ko saka ko siya tinalikuran.

"Hoy! Anung wala? Tyaka bakit ako mananahimik?"

"Ewan ko sayo!"

Paakyat na kami ngayon sa opisina ni Sir Cloud ng biglang pumasok ang isang pamilyar na babae.

"You're Summer right? Let's talk!" Mataray na saad nito. Ayuko sanang sumunod but there's something in me na gustong malaman kung anu ang gustong sabihin nito.

——————

Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit lang sa building ng  Fuentibella group of companies. She's looking at me na para bang binabasa nito ang iniisip ko. Pero malas niya lang dahil hindi ako iyong tipo ng tao na mabilis mabasa. 'Kasi di naman ako newspaper, magazine etc'

"Yes ma'am?" Tanong ng waiter ng lumapit ito. Gwapo yung waiter pero syempre mas gwapo parin ang Storm ko. Naks! Ang landi ko lang talaga!

"One cafe latte and strawberry cake. And for her... (She look at me sarcastically) Give her the most expensive one." May pang iinsultong saad niya. At nakaka insulto naman talaga! Swerte niya't mabait ako dahil kung hindi.... Naku! Baka anong magawa ko sa makapal niyang pag mumukha!

"Tubig na lang." Nakangiting baling ko sa waiter. Nagpabalik balik naman ang tingin nito saamin.

"I'll pay. I'll take it out. And get lost!" Pag tataray niya sa waiter kaya nahihiyang umalis ito.

'Bakit ba may mga taong ganito? Sarap ihampas! Nakaka pang gigil!'

"Di na ko magpapaligoy ligoy pa." Seryosong saad niya ng maka alis ang waiter.

"Makipag hiwalay kana kay Storm at wag ka ng magpapa kita pa sa kanya."

Nag panting ang tenga ko sa sinabi niya. Sino siya para pag utusan ako?

'I don't owe you anything para gawin ko ang gusto mo!'

Nakipag sukatan ako ng tingin sa kanya, yung tingin na kung nakakasugat malamang patay na siya. Di ko alam kong bakit sinabi niya to pero wala na akong pakialam sa kung anu pang sasabihin niya.

Tumayo ako at tinalikuran siya.

"S-sandali! Hindi pa ako tapos magsalita!''

'Tss! Sino bang maysabing may interis pa ako sasabihin niya?'

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now