Chapter 3

10.6K 175 9
                                    

🎶"So stop time right here in the moonlight,
Cause I don't ever wanna close my eyes.🎶

Kanta niya habang pinapainit ang mantika sa kawali.

🎶Without you, I feel broke.
Like I'm half of a whole.
Without you, I've got no hand to hold.🎶

Nang mainit na ito agad niyang ginisa ang bawang at nilagay ang kanin. Sinabay niya na din ang pagluluto ng itlog sa kabilang kalan.

🎶Without you, I feel torn.
Like a sail in a storm.
Without you, I'm just a sad song.
I'm just a sad song.🎶

Kantang feel na feel ni Summer habang nagluluto. Nang matapos ito agad niyang inayos ang mesa upang makakain na sila pero ng tatawagin niya na ang mga ito saka lang niya napansin ang lalaking nakapamulsang nakatayo sa pintuan ng kusina habang titig ng sa kanya.

"Good morning." ^__^

"A-anung ginagawa mo dito?" Q_Q

"Sinusundo kita." Sagot nito. Tiningnan naman siya nito na para bang sinusuri ang kabuuan niya. Nakasuot lang kasi siya ng maiksing short. Okay maiksi naman talaga kasi nga short diba? At sleeveless.

" Pero sa tingin ko matatagalan ka pa." pagpapatuloy nito saka umupo sa isang upuan sa harap ng mesa. Tss. Kapal din ng pagmumukha ng lalaking to e Noh? Sino ba naman kasi nagsabi sa kanyang sunduin ako? Duh! At kung maka asta feel at home pa ang loko. T_T

"Hijo pasensiya kana sa bahay namin ah!" Saad ng ina niya dito.

"Okay lang po. Maganda nga po e." ^__^

"Naku kaw na bata ka! Sige maiwan ko muna kayo tatawagin ko lang mag amang yun para makapag almusal na tayo." Nakangiting paalam ng kanyang ina.

"Hoy! Bakit ka ba talaga nandito monkey face?" Iritang tanong ko.

"Sinusundo nga kita ugly face." Nakangiting sagot niya.

"Tss. Gusto mo sapakin kita? Wag mo akong pinaglololokong unggoy ka! baka mag almusal ka ng kamao ko." Singhal ko pero di na ako nito sinagot bagkus pinagmasdan lang nito ang pagkaing nasa mesang pansit Canton, pritong itlog, tuyo at sinangag.

-_- "Hoy! Kung ayaw mo ng pagkain namin lumayas kana!" Pagtataboy ko dito. Okay sorry kung masyado akong harsh sa unggoy na to! Di ko alam kung Bakit pero kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya.

"Anyare sa itlog?" Kunot noong tanong nito. Aba! Kung maka asta parang amo ko siya dito sa bahay ah!

"Pwede ba wag kanang magreklamo makikikain kana nga lang e."

"Di ako nagrereklamo. Nagtatanong lang ako." Mahinahong tanong niya. Okay sorry guilty ako.

"Iba iba kasi yung gusto namin sa itlog kaya ganyan itsura niyan. Si papa at mama gusto nila scrumbled, si Winter naman gusto niya yung nilaga at ako mas gusto ko yung sunny side up." Paliwanag ko dito.

"Okay ganun pala yun?^_^ nakakagutom naman." Natatakam niyang tiningnan ang mga pagkain nasa mesa. Di ko tuloy alam kong maiinis ba ako o matatawa sa inasal niya.

Little Monster In My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon