Chapter 17

4.2K 87 9
                                    

"Bakit ba may mga taong minahal mo na nga gagaguhin kapa? Sa pagkaka alam ko kasi wala naman akong pagkukulang. Lahat ginawa ko para di kami umabot sa ganito. Pero bakit heto ako ngayon mag-isa?" -saad ko habang mag isa sa sulok ng bar ng pinsan ko. Di ako sanay uminom pero dahil trip kong mag sinti sa gabing ito mabilis kong nilagok ang isang baso ng beer pagkatapos ay isinubo ko ang isang kutsarang sisig para mawala ang lasa sa lalamunan ko. Muntik pa akong masuka kaya agad akong uminom ng tubig. 'Letse ka talaga Thunder! Sinusumpa ko! Hinding hindi na ako iiyak ng dahil sayong gago ka! Kahit mamatay ka pang unggoy ka!.' Muli kong nilagok ang laman ng basong sinalinan ko kanina. ' Pinagsisisihan ko ang araw na nagkakilala tayo!' Saad ko at muling uminom.
"Galit ako sayo. Galit na galit ako ako sayo! Ang sakit sakit ng ginawa mong unggoy ka! Akala ko ikaw na si Mr. Right. Akala ko ikaw ang destiny ko. Akala ko ikaw na ang first and last sa buhay ko. Akala ko lang pala yun.' Di ko na napigilan ang pag agos ng mga luha ko kaya yumuko na lang ako sa mesa. Buti na lang wala masyadong tao kaya walang makikialam sakin kaya ipinagpatuloy ko ang pagdadrama ko. 'Dahil ginamit mo lang ako. Panakip butas mo lang ako para makalimutan mo ang ex mong ipinagpalit ka sa iba. At ako naman tong si tanga.... naniwala sa lahat ng pakitang tao mo. Sa lahat ng kasinungalingan mo. Sa lahat ng pagkukunwari mo!' Marahas kong pinunas ang luha ko ng kamay ko saka ko nilagok ang natitirang laman ng bote at muntik muntikan na naman akong masuka ng biglang may nag abot sakin ng panyo.

"Are you okay?" tanong niya kaya tiningala ko ito.

'Wow! Patay na ba ako? Anghel ba ang nasa harap ko? O my G kung patay na po ako kayo ba po sana ang bahala sa pamilya ko.'

"Miss okay ka lang ba?" Ulit niya kaya bumalik ako sa katinuan ko.  'Tsk! So buhay pa pala ako. Buti na lang dahil di ko pa nabibigyan ng apo sina Mama. Hahah teka anu ba tong pinagsasasabi ko. Hoy atay! Manahimik ka na nga diyan!  Ayusin mo na lang pag digest ng ininom ko dahil ayukong mamatay ng maaga. Hindi yung dyes oras na gabi lumalandi ka!' Sermon ko sa atay kong lumalandi.

"Tsk! Bulag ka ba? Mukha ba akong okay? Nakikita mo ng para akong baliw na kinakausap ang sarili ko tapos tatanungin mo kong okay lang ako?" Pagsusungit ko sa kanya kaya lalong kumunot ang noo nito.
"Sabagay...  Ganyan naman kayong mga lalaki. Kunwari mabait pero ang totoo daig niyo pa ang ____ . Sa una lang naman kayo magaling e. Kunyare gagawin niyo ang lahat para saamin mga babae. Minsan nga may pa surprise surprise pa kayong nalalaman pero ang totoo lahat ng iyon pakitang tao makuha niyo lang ang gusto niyo!"

Magsasalita na sana ito pero bigla kong tinakpan ang bibig niya. "Wag ka ng magsalita! Alam ko na ang sasabihin mo. Sasabihin mong di ka tulad nila at hin----."

"Miss look! Di ko alam kong anu ang pinag dadaanan mo pero di naman siguro tamang pati akong walang ka alam alam sa drama mo idadamay mo sa galit mo! At wala akong balak makipag talo sayo! Kaya pwede ba! Please calm down! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Putol niya sa sasabihin ko pero di ako nagpatinag. Ganito talaga siguro ang epekto sakin ng alak, nawawalan ng hiya.

"Bakit? Nahihiya ka bang kasama ako? Ikinakahiya mo rin ba ako? Bakit? Maganda naman ako diba? Matalino naman ako. May maayos na akong trabaho. Anu pa ba ang ku----"

Suddenly it feels like I'm in heaven. His soft lips touched mine. This isn't my first kiss but it feels like it's my first time. His lips is so sweet and I can't no longer hold the urge to bite it just like marshmallows. Unti -unti kong sinabayan ang bawat galaw ng bibig niya upang makasabay ko. Naramdaman ko ding mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya saakin pero ewan ko ba kong bakit di ko magawang tumutol sa ginawa niya. Ang alam ko lang sa mga oras na ito ayuko ng matapos ang halikan naming dalawa.

*tik*tok*tik*tok*tik*tok*

Inis kong pinatay ang alarm clock at muling bumalik sa pagkakahiga ng maipagpatuloy ko ang halikan naming dalawa ni ng biglang may nagsalita sa tabi ko na ikinagulat ko.

"Mukhang ang ganda ng panaginip mo ate ah! Si kuya Storm ba?" Nakangising tanong sakin ni Winter na katabi ko na pala.

"Tss. Bakit ko naman mapapanaginipan gagong yun?  At bakit nandito ka sa kwarto ko?" Inis na sagot ko dito.

"Sus! Wag mo ng itanggi. Narinig kita! Sabi mo pa nga 'Storm mahal din kita' tapos nakanguso ka. So it means nag kiss kayo."
Ay syetttt-----eeee sinambit ko ba ang pangalan niya? Pero wala naman akong natatandaan na sinabi kong mahal ko siya. Dahil ang panaginip kong iyon ay ang una naming pagkikita.

"Gaga! Nag imbento kapa ng istorya. Di naman ganun panaginip ko." Pagtatanggi ko.

"So,  si kuya Storm nga napanaginipan mo? Ayeeeeh... Luma love life ang dakilang amplaya ng taon." Pang aasar niya kaya hinampas ko ito ng unan.

"Hindi nga! Hindi! Hindi! Hindi!"

"Weee? Di nga? Liers go to hell!"
Patuloy niya.

"Then see you there!" Sagot ko sa kanya saka ako mabilis na pumasok sa banyo. Storm.... Kailan mo ba ako tatantanan? Di ko na kayang pigilan pa ang taksil na puso ko. Please layuan mo na ako hanggang kaya ko pang mawala ka.

************

Storm's POV

Kanina pa kami magkakasama at kanina ko pa hinihintay na sigawan o barahin niya ang mga banat ko. Pero hanggang ngayon tahimik parin ito. Tulad na lang kanina habang nag a our father kami, akala ko tatanggalin niya ang kamay ko ng hawakan ko ang kamay niya pero walang emosyon tiningnan niya lang ako saka bumalik ang atensyon sa mesa. Di ko alam kong matutuwa ba ako o kakabahan dahil nasanay na akong lagi niya akong sinusungitan.

"Kuya gusto mo ba ng cassava roll? Masarap to!" Tanong sakin ni Winter kaya tumango ako dito.

"Winter pwede ba magtanong?"

"May magagawa ba ako? e tinatanong mo na nga ako." Nakangiting sagot niya kaya ngumiti na din ako.

"May problema ba ang ate mo?"

"Bukod sa pinuproblema niyang mas maganda ako sa kanya di ko na alam. Baka meron." Kibit balikat na sagot nito. Sana nga ganun lang pero sa tingin ko hindi. Kasi diba ang mga babae mas masungit at tupakin pag meron? Siya kasi hindi e. Napaka tahimik niya.

"Sorry Miss di ko sinasadya!" Saad ng lalaking nakabangga kay Winter.

"Tsk! Ang lawak lawak kasi ng daan dito pa naisip sumiksik!" Inis na sambit niya. Napansin ko namang nahulog ang bracelet niya kaya agad ko itong pinulot.

'Bakit parang pamilyar ang bracelet na to? Parang nakita ko to dati. Saan na nga ba yun?'

'Ah tama yung nakitang bracelet ni Yaya Celine ng maglinis siya ng condo ko. Hindi kaya kay Summer yon? Pero pwede din naman kay Soil at nagkataon lang na pareho sila ni Winter.'

"Okay ka lang ba kuya?"

"H-ha? Oo okay lang ako. Siya nga pala nahulog mo." Iniabot ko sa kanya ang bagay na iyon.

"Salamat ng marami kuya! Akala ko nawala na to! Regalo pa naman samin to ni Papa." Tuwang tuwang pasasalamat niya.

"Y-you mean meron din niyan ang ate mo?" Kinakabahang tanong ko dito dahil di ko alam ang isasagot niya. Sa oras kasing sabihin nitong meron din ng ganoong bracelet si Summer at nwala ito magkakaroon na ako ng sapat na ebidensiya upang mapaamin siyang siya nga ang babaeng yun.

'Sorry Sum this might be your end and your game is over.'

--------

Thank you so much for reading my story guys (∩_∩) most especially for the comments and votes I really I appreciated all of it.

You may also read;

*Baby I your crazy lover
*My lesbian wife
And
*Every time she opens her inbox
By: RiJin_018

This story may contain wrong grammar. Pakiintindi na lang po.  Di matalino si Miss A.  (⌒▽⌒)

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now