Chapter 16

4.2K 75 4
                                    

"Sino pala nagturo sayo magluto?" Tanong ko sa kanya habang abala ito sa pagkain ng cassava cake.

"My mom." maiksing sagot niya habang ngumunguya.

"Okay, so anung pagkain pa ba ang alam mong lutuin?"

"Yun lang."

"Anung yun lang?" Naguguluhan tanong ko ng di ko ma gets ang sinasabi niya.

"Yung niluto ko lang ng sinama kita sa condo ko."

"Ah. Chicken curry at pritong tilapia lang? Bakit?" Pag uusisa ko.

"Wala! Bilisan mo na lang diyan. Nagugutom na ako.'' Utos niya saka ako tinalikuran.
Tss. Bwesit na to tinalikuran ako!

"Hoy! Saan ka pupunta? Akala ko ba tutulungan mo ako?" sigaw ko sa kanya.

"Nagbago ang isip ko, tyaka bisita mo ako kaya uupo na lang ako at papanuurin kita."

"A-anu? Pero pumayag ka sa kundisyon ko kaya sinama kita dito." Nagkibit balikat lang ito saka umupo ng nakaharap saakin.

"Ah ganun? Pwes kung di mo ako tutulungan umuwi kana lang sainyo! Di kita kailangan dito!" Inis na singhal ko dito.

"Soon to be MRS. RODRIGUEZ don't worry. Once you marry me you don't have to cook for me because I will be the one to cook for you. And all you need to do is take care of our children and me of coarse." Pinangliitan ko ito ng mata. Gago talaga lalaking to! Ang kapal ng pagmumukha! Ipagluluto daw ako? Anu yun araw araw chicken curry at pritong tilapia lang pagkain namin? Oh teka! Anu ba tong pinag iisip ko tsk! Grrr. Mapalayas nga to.

"So yun pala yun?" Muling tanong ko sa kanya at nilapitan ko ito, saka ko pinulupot ang kamay ko sa liig niya habang ramdam na ramdam ko naman ang init ng kanyang hiningang tumatama sa balat ko ng nilingon ako nito. Parang bigla ko namang pinagsisihan ang ginawa kong yun dahil diko na mapigilan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko ng magtama ang aming mga mata. Pero pinilit kong ibalik ang katinuan ko upang maisagawa ang plano ko.

Tumayo ito at hinarap ako. "So.." huminto ito sa sasabihin saka ngumiti ng sobrang tamis  "Ibig sabihin ba nito pumapayag ka ng maging asawa ko?"

"Storm." Malanding sambit ko sa pangalan niya habang nakatingala ako sa gwapo't maamo niyang mukha habang pinipilit kong makipag sukatan ng titig sa mapungay at singkit nitong mga mata. Tsk! Nababaliw na yata ako! Kailan pa ako naimpluwensyahan ng pusit na to? Di siya gwapo! At kahit siya pa ang pinaka gwapong lalaki sa mundo hinding hindi ko siya pagnanasaan?

"Yes Sweetheart?" Nakangiting tanong niya na nagpagising sa diwa ko habang titig na titig ito sa aking mga mata. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na yun.

"Do you mind if I kiss you?" malanding tanong ko kaya nakuha ko ang buong atensyon niya. Kinuha ko namang pagkakataon iyon upang maitulak siya palabas ng bahay.

"What the---.'' Sigaw niya ng muntik na siyang matumba sa pagkakatulak ko. Woah! Buti na lang gumana ang plano ko. Hahaha nakaganti rin ako sa wakas.

"Sum! Open the door!" Sigaw niya habang panay ang katok sa pintuan.

"Manahimik ka nga diyan at umuwi kana! Nakaka iskandalo kana ng kapit bahay."

"Wala akong pakialam! Buksan mo to at papasukin mo ako. Kailangan nating mag usap."

Little Monster In My BedWhere stories live. Discover now