Chapter 5

8.5K 156 2
                                    

"Ate di kaba papasok?" Pukaw ng kapatid nitong si Winter na dadaigin pa si Harry Potter sa suot nitong salamin.

"H-huh?" Takang tiningnan niya ang kapatid.

"Sabi ko... di kaba papasok?"

"Papasok bakit anung oras na ba?"

Mag aalas syete y medya na po."

"Anu? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Inis nitong singhal sa kapatid.

"Malamang ngayon ka lang nagtanong." Pilosupong sagot nito bago sumalampak ng higa sa kama niya.

"Wag mo akong pilosupohin tatamaan ka saakin!" Inis na singhal nito sa kapatid. Pinangliitan naman siya nito ng mata. Kahit na parang tomboy itong kumilos at manamit may ka malditahan ito.

"Ako tatamaan? Naku ate baka ikaw ang tinamaan! Tinamaan ng pana ni KUPIDO."

Dahil sa pagkainis tuluyan niya na itong binato ng unan hanggang sa gumulong sila sa sahig.

"Hay naku ate! Amininin mo na lang kasing tinamaan kana."

"Wala akong dapat aminin!" Singhal niya dito saka ito iniwan.

———

Buti na lang walang masyadong traffic kaya thirty minutes lang siyang na late. Patakbo niya na ding tinungo ang opisina ng Boss niya ngunit pagdating niya ay wala ito.

"Ms. Rodriguez buti naman dumating kana." Nakangiting salubong sa kanya ni Stella.

"Sorry traffic e." Palusot niya dito.

"Asus! Sisihin pa yung traffic. Ang sabihin mo may nangyari sainyo ni Sir Storm kaya ka na late."
Nangyari? Wtfriday! Bakit ba ipinipilit ng mga taong may nangyari saamin?" Bulong niya sarili.

"Ang dumi ng utak mo! Walang nangyari saamin nakipagkita lang siya sa mga kapatid niya." Pinaikot naman nito ang mga mata kasabay ng pagkumpas ng mga kamay na para bang kahit anung sabihin niya di siya nito papaniwalaan.

"Okay sige e deny mo pa." Umupo ito sa upuang NASA harap niya at pinag krus ang mga hita.

"Bakit ka pala nandito?" Pag iiba niya sa usapan.

"Dinala ko lang yang magandang bulaklak para saiyo." Turo nito sa puting two-lips na nasa ibabaw ng mesa niya.

"Kanino galing?"

"Aba malay ko! Sige alis na ako."
Paalam nito saka siya tinalikuran. Nang makaalis ang kaibigan agad niyang kinuha ang maliit na card na nakadikit dito upang malaman kong kanino ito galing.

"I'm Sorry."

Maiksing sulat kamay dito.
Tsk! matatanggal ba yun ng sorry niya? Akala niya ba ganun ganun na lang yun? Ipakain ko kaya siya sa alaga kong buwaya!

****

Pangatlong araw na ngayong di siya pumapasok. Pangatlong araw na ding may nagpapadala saakin ng mga bulaklak. Di ko na nga rin masyadong pinapansin dahil sigurado naman akong galing yun sa kanya. As if naman makakalimutan ko ang ginawa niya sa pagbigay bigay niya ng bulaklak! Anung akala niya saakin easy to get? Duh! Never in my wildest dream! Pero anu kayang nangyari sa lalaking yun? nakakapagtaka na ah! O baka naman talagang tamad lang siyang magtrabaho kasi nga naman mayaman na sila. Tsk! Ang mayayaman talaga palibhasa di sila nakaranas ng hirap.

Little Monster In My BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon