Chapter 10

238 12 0
                                    

"And now... The Mr. and Ms. St. Claire of 2013 goes to... drum roll please!" Sabi ng emcee.

Kinakabahan talaga siya, lalo na dahil wala siyang mahawakang kamay na magpapawala ng kaba niya. Nasa harap na ang boyfriend niya. 1st Runner Up ito at nakasimangot ng bongga. Nanalo silang dalawa sa Best in Talent, Best in Q&A ito at Best in Sports Attire naman siya.

"The Mr. and Ms. St. Claire of the school year 2013 is... candidate number 6! Mr. Angelo De Leon of team Rhapsody! And... candidate number 5! Ms. Chloe Mendoza of team Emeby!" Malakas na sabi ng emcee.

Napatulala siya at agad napahawak sa bibig niya. Grabe! Siya ang nanalo!

Sigabong palakpakan ang narinig niya at sinundo siya ng nanalong 2nd year highschool na si Angelo. Inalayan siya nito at sabay silang pumunta sa gitna ng stage. Napatingin siya sa boyfriend niyang nakasimangot. Nagflying kiss siya dito pero nanatili itong nakasimangot at naglakad na lang siya diretso sa gitna.

Sinuot at binigay na sa kanila ang sash at gift pack nila, bouquet at crown na sinuot sa kanya ng dating Ms. St. Claire 2012, at meron din namang crown para kay Angelo. Pagkatapos ng maraming bati-an at picture taking ay natapos na din ang event. Kinuha ng maid nila ang mga bouquet at gift pack niya. Kinongratulate ng adviser nila ang mom niya kaya agad niya munang hinanap ang boyfriend niyang natakpan na ng maraming tao sa stage. Nakita niya itong nakasimangot at nakayuko sa same spot kung saan ito pinapwesto bilang 1st Runner Up. Agad niya itong nilapitan.

"Babe! Congratulations to us!" Bati niya dito. "Oh, ba't nakasimangot ka?" Tanong niya at agad nangunyapit sa leeg nito. Napaangat ito ng tingin sa kanya at agad pumalibot ang mga kamay nito sa baywang niya. Ang lungkot ng mga mata nito.

"I didn't win.. Wala akong kiss..." Malungkot na sabi nito.

Muntik na siyang mapa-face palm. Agad niya itong hinalikan sa labi. Smack lang. After ng kiss ay mukhang nagulat ito. Mukhang nahimasmasan lang ito ng bigla itong nagsmile at napahawak sa labi.

"Ang bilis naman noon, babe! Isa pa!" Angal nito pero binelatan niya lang ito at agad bumitaw sa pagkapit dito.

"Sa susunod naman! Kailangan ko pa hanapin si mommy. Gusto ko ng magpalit ng damit." Sabi niya sabay tingin sa paligid.

"Ayon si Mommy oh." Sabi ni Mikael sabay turo pagkakita nito sa mom niya. Nasa baba na ito ng stage at may kausap na mag-asawa yata. Iyong lalaki ay iyong amerikanong tumayo at pumalakpak kanina noong nagpakilala sila ni Mikael sa stage. "Kasama future parents-in-law mo." Dagdag nito na agad nagpalaki ng mata niya.

"Mom and dad mo?" Tanong niya dito.

Tumango ito. "I told them about us and tungkol dito sa pageant na magkapartner tayo. They wanted to meet you. Naunahan pa akong ipakilala si Mommy sa kanila. Tsk! Come, babe. Boto sila sa 'yo."

"Nahihiya ako." Sabi niya pero nagpatianod na din dito, after he mouthed 'Don't be'. Hawak-hawak nito ang kamay niya.

Agad lumipad ang mga mata ng mga magulang nila pagkalapit nila sa mga ito.

"Congratulations, hija." Agad na bati ng mom ni Mikael sa kanya pagkatapos siyang ibeso nito.

Nag smile naman ang dad nito sa kanya. "So this is the future Mrs. Edwards. Its great to finally meet you." Sabi nito na agad nagpablush sa kanya. "Give your future father-in-law a hug!" Sabi nito na kahit nahihiya siya ay niyakap niya nga ito.

Tawang-tawa ang mga ina nila at si Mikael naman ay nakangiting-aso.

"I didn't know na ikaw pala iyong daughter ni Selene and Paul Mendoza. I've met your mom a couple of times already sa mga social gatherings." Saad ng mom ni Mikael, napabaling lang siya sa mom niya, nakangiti ito. "You're very beautiful and a very charming one, too. Just like what our son told us. Bagay na bagay kayo."

Agad siyang napatingin kay Mikael na kumindat lang sa kanya. "Thank you po, tita." Pagpapasalamat niya.

"Tita? No! Call us, Mommy and Daddy from now on, alright?" Sabi ng Mom ni Mikael na sinagot niya lang ng nahihiyang tango. "Anyway, we know you two are starving. We have a simple barbecue dinner party sa bahay. Sabi kasi ni Mikael he's going to win for sure, he just assumed."

"Mom! I should have won! Ayaw lang ipahalata ng mga judges na kinikilig sila sa loveteam namin kaya pinanalo nila si Angelo!" Rason ni Mikael. Tumawa lang silang lahat.

"Whatever you say, anak! As I was saying, your Mom already agreed. Doon na kayo sa bahay. Some relatives and a couple of friends are already there. And my unico hijo here, told me na pilitin ko daw kayo ng mom mo na sumama. So.... let's go?" Sabi nito na agad inangkla ang braso niya sa braso nito.

"Mom! Papalit muna kami ni Chloe ng damit! Sasakay kami ng sasakyan na nakaganito?" He exclaimed.

"And so? Its cool! Total, nowadays, halos lahat ng mga kaedad niyo ay nagsusuot na ng sira-sirang damit! So what's the difference?" Tanong nito. Now, alam ko na kung saan nagmana si Mikael.

"Sheesh! Dad! Pagsabihan mo nga si Mommy!" Nagmamaktol na sabi ni Mikael. Natawa lang ang dad nito at hinalikan ang mom nito sa noo.

Nakita niya kung paano nalungkot ang itsura ng mom niya pero agad ding nagbago noong napansin ng mom niya na nakatingin siya dito. Obviously, her dad was not able to make it, kaya siguro nakaramdam ng lungkot ang mom niya.

"Bibilisan lang namin, Mom! Tara na, babe!" Aya ni Mikael sa kanya at hawak kamay silang pumunta ng backstage at hindi na hinintay ang angal ng mom nito.

Pagkarating nila ng mansion nina Mikael. Nagulat siya sa ibig sabihin ng simpleng barbecue dinner party ng mommy nito. Sobrang daming bisita. Ginanap ang dinner sa pool area nila. Merong nagsiswimming. Meron ding nakaupo lang sa sun lounger, nakaupo sa gilid ng pool and sa tables na nilagay malapit sa venue, may nagsasayawan pa and meron ding nag-iinuman. Everyone is having the time of their lives. Kahit matatanda enjoy na enjoy. Kaya kung hindi ka mayaman eh feeling mo hindi ka talaga ma-a-out of place kasi ang sisimple ng mga ito.

Napanganga siya bigla ng may biglang tumakbong kaedad nilang lalaki na naka swimming trunks sa harap nila. May hawak itong maliit na tarpaulin. Kung ano ang nakalagay sa tarpaulin ang sobrang nagpagulantang sa kanya.

'WELCOME TO THE FAMILY MRS. CHLOE EDWARDS!'

Nalipad agad ang tingin niya kay Mikael. Nakangisi ang loko. Natawa naman ang mga magulang nila.

"Sira ulo ka talaga!" Bulong niya dito. "I love you.." masuyong dagdag niya sabay halik sa pisngi nito.

"I love you more, babe." Sagot naman nito na agad siyang niyakap ng mahigpit sa harap ng mga bisita at mga magulang nila.

Siya na yata ang pinaka maswerteng 15 years old ng taong 'yon. May boyfriend siyang kahit sobrang maloko ay mahal na mahal niya at mahal na mahal din siya. Accept siya ng family nito. At walang problema din naman sa mom niya. She couldn't ask for more when it comes to her lovelife.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon