Chapter 37

220 15 2
                                    

"D-do you still love me, Mikael?" Tanong niya dito pagkatapos ng ilang sandali.

Tumawa ito ng pagak, "Secret." Sagot nito sa kanya.

"I...I want to know.. because after all these years that we're apart I still love you.. Ikaw lang, Mikael..." Sabi niya dito.

Ngumisi lang ito sa kanya at hindi man lang siya nilingon. Ilang sandali itong hindi umimik, bago nagsalita. "I was deeply hurt and wounded when you told me you don't love me years ago.. and left me that easily.."

Napaluha siya sa sinabi nito, "I'm sorry, Mikael... I.. I was so scared.. Bata pa 'ko noon.. and..."

"Bata pa din tayo, babe. We're just 19." Sabi nito sa kanya. Narinig niyang napabuga ito ng hangin. "Im anxious, as well. Takot akong mahalin ka ulit. Paano kung iiwan mo 'ko ulit kung matatakot kang ipaglaban ang pagmamahalan natin? I understand your feelings noong naghiwalay ang parents mo, but why conclude na ganoon din ang mangyayari sa 'tin?"

Napaluha siya lalo sa sinabi nito. "Please love me again, Mikael. Please let's try again, we'll make our relationship work this time. Hindi ako susuko agad if may mga problema na namang dadating sa 'tin." Sabi niya dito.

Nakita niyang napangiti ito ng tipid, "Alam mo ba kung bakit pinili kong maging bakla na lamang? Because everytime may nagpapansin sa 'king ibang babae, ikaw pa rin ang nakikita ko. And nasasaktan lang ako. Kaya mas mabuti pang maging bakla, atleast they'll feel disgusted towards me. Or that's what I thought. Mas lalo lang pala itong naging challenge sa mga babaeng nagpapansin sa 'kin." Tumawa ito. "Ang gwapo ko talaga."

Napasinghot siya, "Ang yabang mo."

Napatawa ito sa remark niya at natahimik din ng napansing tumahimik siya. Iniisip niya ang ibang mga babaeng nagpapansin pa din rito kahit naging bakla na si Mikael. Ano-ano kaya ang mga ginagawa ng mga ito para maakit lang si Mikael? Damn. She's not around noong mga araw na iyon.

Napatalon siya ng naramdaman niyang hinuli ni Mikael ang kamay niya noong tumigil ang sasakyan nito nang naabutan sila ng traffic.

"Hey." Napatingin siya dito. "Anong iniisip mo?" Inangat angat nito ang kilay nito habang nakatingin sa mukha niya.

"Wala lang. Naiisip ko lang iyong mga babae mo." Sagot niya dito.

Tumawa ito ng malakas. "Paano ako magkakaroon ng ibang babae kung bakla ako? Hmmm? Nagseselos ka ba?"

"Isn't it obvious?" Sagot niya ditong umirap.

Narining niya itong napabuntong hininga bago nagsalita, "Noong bumalik ka, I was surprised. I didn't expect na babalik ka pa. Ready na nga akong maging bakla habang buhay. But then, nagulat ako seeing you that day infront of the bulletin board. Were you looking for my name?"

"Y-yeah.. hindi kita makita sa social media, I tried searching you on facebook, twitter at kahit friendster pa nga. That's why I decided to look for your name in the bulletin board. I felt your presence pagkakita ko pa lang ng pangalan mo and then I finally saw you. Pero galit na galit ka.." Sagot niya dito, nasasaktan siya noong naalala ang nangyari noong araw na iyon.

Napabuntong hininga ulit ito. "I'm sorry for hurting you. Noong iniwasan mo na 'ko, doon na ko nakaramdam ng takot. Natakot akong baka mawala ka na ng tuluyan sa 'kin, especially kapag nakikita kitang may kasamang ibang lalaki. Pero naduwag ako. I'm really sorry about what happened this morning with Henry. Galit lang siya. He's a dear friend. And alam niyang bumabalik na ang pagkalalaki ko."

"Mikael.. I'm sorry, too. Nawalan na din kasi ako ng pag-asang magkakabalikan pa tayo, that's why I thought na mas mabuti pang iwasan ka na lang. I'm really sorry. And wala akong iba. Kahit sa Italy. Ikaw lang talaga. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang mahal ko." Sabi niya dito.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now