Chapter 41

203 13 0
                                    

Kakaalis lang ni Mikael pagkatapos siya nitong ihatid at makipag-usap sa mom niya at kay tito Rey niya while having their dinner sa bahay nila. Wala siyang narinig ni anumang pagtutol sa mom niya at kay tito Rey niya noong inamin nila ni Mikael na nagkabalikan na sila. Nanghingi ng tawad si Mikael sa mga ito at ganoon din ang ginawa ng mom niya. Napansin din ng mom niya ang sugat ni Mikael sa labi. Lokong Mikael at sinabing kinagat ko daw iyon. Tawang tawa lang ang mom niya nang namula ang pisngi niya. Guilty daw siya. What the hell!

Sinabi ni Mikael ang plano nito sa kanila, na after nilang mag out of town papuntang Ilocos kasama mga groupmates nila para sa pag gawa ng thesis ay magseset agad ito ng dinner kasama siya at ang family nito.

Kinakabahan siya sa posibleng maging galit na ipapakita sa kanya ng family ni Mikael pero taos puso niyang tatanggapin lahat iyon. Pero ipapromise niya sa mga ito na babawi talaga siya at hindi na ulit uulitin ang ginawang pag-iwan kay Mikael.

Kakatapos lang niyang maligo at magbihis ng pantulog niya sa sandaling iyon pero agad niyang hinanap ang tinago niyang kwintas na nakasuot pa din ang engagement ring niya bilang pendant. Sabi kasi ni Mikael ay ito na mismo ang magsusuot ulit sa kanya ng singsing sa daliri niya pagkatapos nilang makausap ang family nito.

Napagdesisiyonan niyang isuot na lang muna ang kwintas kasama ang singsing habang hindi pa ito sinusuot ni Mikael sa daliri niya. Agad siyang napangiti ng tiningnan niya ang sarili niya sa salamin ng tukador na nasa loob ng kwarto niya.

"Soon to be Mrs. Mikael Edwards." Sabi niya sa repleksiyon niya at agad siyang napatili ng slight. Eh ano ba! Eh sa kinikilig siya.

Natigil lang siya sa kabaliwan niya ng tumunong ang message alert tone ng cellphone niya. Mabilis siyang lumapit dito sa pag-aakalang galing iyon kay Mikael. It was Mike pala who sent her a text message.

Napabuntonghininga muna siya bago niya binuksan ang message ni Mike.

Mike: Hey pretty flying ipis ko! Kumusta?

Woah. May 'ko' na talaga? Napailing siya.

Siya: I'm doing good, Mike. You? Btw, I have something to tell you.

Mike: Woah! What is it? Ang hirap magtext, nasa bar ako ngayon. I'm with the gang. Kita tayo?

Siya: I can't, may exams pa ako bukas, eh. And I intend to tell you this personally.

Yeah. He's been a good buddy to her noong dinedma siya ni Mikael. Ang bastos naman niyang kaibigan kung sa text niya lang sasabihin to. And she also needs to say sorry to him and respect his dignity. She knows masasaktan niya si Mike sa sasabihin niya. That is, if its true na mahal nga siya nito and not because naawa lang ito sa pinagdadaanan niya.

Mike: Alright. Kailan? Make sure na matutuwa ako ah. :)

Damn! May smiley pa talaga, Mike! And matutuwa ito? I'll be damned. Nagiguilty tuloy siya. But she hopes he'll accept it, eventually.

Siya: I hope so. Sa thursday na lang, after ng exams namin, since kukuha pa ako ng damit ko sa bahay para sa out of town namin for school work. See you, Mike. 'Night.

Mike: Okay, flying ipis ko. Sana pwede akong sumama sa inyo. Anyway, see you.

Hindi na siya nagreply. Napabuga siya ng hangin. Napatulala siya habang iniisip kung paano niya ito sasabihin kay Mike. Or magpapaalam pa ba siya kay Mikael na makikipagkita siya kay Mike. Kaso alam niyang magagalit ito. Hay. Bahala na sa thursday.

Mayamaya lang ay nagring ulit ang cellphone niya, this time call ringtone na niya ang tumunog. Napangiti siya chinange niya iyon kagabi ng kantang Last Forever. Iyong kinanta ni Mikael noong pageant nila back in highschool.

Sinagot niya agad iyon pagkatapos ng isang stanza. Para hindi naman masiyadong halata na excited siya.

"Hey." Bati niya dito.

"Hey, smoking hot girlfriend of mine." Bati sa kanya ni Mikael.

Shet! Namamaos ang boses nito. Mukhang inaantok na yata ang boyfriend niya. Siyempre ba naman. Nakipagrambulan pala ito kanina tapos nagdrive pa from their school papunta sa bahay niya then papunta ulit sa bahay nito. Kawawa naman ang Mikael niya.

"Loko.. You sound sleepy. Tulog na tayo?" Malambing na pagkasabi niya dito.

"Kind of. Pero mamaya na. I wanna hear your voice." Masuyong sabi nito sa kanya, kinilig siya. "What are you wearing?"

"Huh? Hmmm.. pajama and sleeveless top? Why?" Tanong niya pabalik ditong gulat sa naging tanong nito.

"Iimaginin ko lang. Wait. Wear something sexy next time, babe. Like lingerie dress, sexy nighties, transparent nightgowns or something. Bibilhan kita bukas." Sabi nito sa kanya.

"Ang manyak mo!" Turan niya dito.

Husky itong tumawa, fck! Gusto niyang marinig iyon sa personal! For sure matuturn on and mahohorny siya agad! Wait! What? What the hell is she thinking!?

"Just getting ready for our honeymoon, babe. Masusuot mo naman lahat ng iyon, once we'll get married. Then.. fck! Nahohorny ako, babe!" He cursed again. "Pakasal na nga tayo."

Gago talaga!! Yeah, yeah! She's horny too, pero hinding hindi niya aaminin 'yon dito! Over her hot, beautiful and sexy body. Hahaha kapal much!

"Matulog na nga tayo, Mikael! Kung ano-ano na ang naiisip mo!!" Galit-galitan niya dito.

Rinig niyang humalakhak ito sa kabilang linya. "Damn, I really love you, babe. Hindi ko na yata kaya pang maghintay ng after graduation natin para magpakasal, like what we originally planned years ago."

Namula siya. Lumakas ang tibok ng puso niya. Naeexcite siya. Gusto niya din iyon! Gustong gusto niya! "P-pwede rin.."

"Wha..what? Are you sure? Damn!" Narinig niyang humalakhak ito. "Sure ka babe, ha? Shet! I need to tell mom and dad! My sisters! Your mommy, your daddy and your stepfather! Our other relatives! Friends! Damn, babe! Sure ka na ha? Wala ng bawi-an!"

"Oo nga! Sure na sure ako!" Masigla niya ding sagot dito.

"Ghad! Punta ako diyan ngayon, babe! Magsabi na tayo sa parents mo!" Rinig niyang gumalaw ang kama at tatayo na ito.

"Loko! Anong oras na!" Tumawa siya. "At babe, gusto ko munang makausap ang family mo before natin sabihin na magpapakasal na tayo. I mean.. hindi pa nga tayo engaged."

Rinig niyang tumawa ito, "Okay, okay. So babe, the day after ng dinner kasama family ko eh wedding day na natin? Payag ka?"

"WHAAAT! Babe! Hindi ganoon kadali ang magplano ng kasal! This week agad? Tsaka where do you plan to marry me? Marami pa tayong kailangang asikasuhin prior to our wedding! And the money na kailangan natin gastusin? So, civil wedding muna tayo? Hmmm... Okay lang din sa 'kin." Sagot niya dito.

Tumawa ito ng malakas, "Teka, babe, isa-isa lang! I want it on the Manila Cathedral or pwede rin beach wedding, or kung saan mo gusto. Ayoko ng civil lang! Gusto ko manumpa tayo na may blessings talaga from God."

Tumawa din siya, fck! She never thought she'll feel this kind of happiness and excitement sa pagpaplano ng pagpapakasal kay Mikael. Marami pa silang dinebatehan nito. Sabi nito ay uutang ito sa dad nito ng panggastos sa kasal nila at babayaran na lang nito iyon after nitong ihandle ang kompanya ng mga ito.

Then, they planned to make their vows on her 19th birthday, which is 8 months from now, ayaw sana nito kasi ang tagal pa daw pero umoo na lang din kasi iyon talaga ang desisyon niya. Yes, ang bata pa nila, its just like her mom and dad. They both got married at 19 but this time she's gonna make her marriage work. They've been through a lot of obstacles in their relationship already. And she knows makakaya na nila harapin ang mga problema na dadating sa kanila ni Mikael basta magkasama lang sila at walang iwanan.

She's happy. So damn happy.

Mimi & Chloe (GGIS#1)Where stories live. Discover now