Chapter 50

194 12 0
                                    

Saturday ng hapon ay natapos na nila ang pag gawa ng buong thesis nila. Ipapaprint na lang nila iyon pagkadating sa Manila para makapagreview silang lahat at makapaghanda sa pagdefend nila niyon. Kaya sobrang excited ang halos lahat sa pagplano kung saan sila pupunta ngayong gabi.

Ang dami nilang gustong puntahan kaso nakulangan na sila sa oras. Napagdesisyonan na lang nilang lahat na pumunta sa vitalis resort sa Ilocos Sur. Mas malapit iyon ng unti sa manila kumpara sa Laoag para kahit bukas ng tanghali na sila tumulak pauwi sa Manila ay walang problema.

Lahat sila ay bakas ang kasiyahan sa mukha except kay Sasha na tahimik lang at nakairap the whole two days na kasama nila ito. Pero mukhang naging excited na din ito noong nagplano silang pumunta ng resort.

Noong napabaling siya dito ay taas noo pa itong nakangisi sa kanya.

What the hell? May plano yata tong babaeng to ah!

"Sama ako!" Sabi ni ate Mikaella pagkatapos nilang sabihin dito ang plano nila.

"Huwag na, ate! Manggugulo ka lang doon eh! Kaya mo bang iwan dito si Luis ng ilang araw?" Sabi ni Mikael dito.

"Hmp! Hayaan mo siya! Sasama na ako!" Pagpupumilit ni ate. "Tsaka para makasabay na din ako sa inyo sa Manila. May family dinner tayo hindi ba?"

"Fine! Bring your own car, ate! Huwag ka sumakay sa sasakyan namin!" Sabi ni Mikael.

"At bakit? Anong problema kung makikisakay ako?" Sabi ni ate sabay irap.

"Maiinggit ka lang. Ikaw ang pinakamatanda tapos ikaw lang din ang walang partner!" Sabi ni Mikael dito.

"Sheeeesh! Oo na!" Pagpayag na lang ni ate, sabay talikod na may binubulong bulong pa.

Tumawa si Mikael dito kaya tinampal niya ito sa braso. "Loko ka talaga." Hinalikan siya nito sa noo pero nanatili itong nakangisi.

Bully talaga!

Nasa loob sila ng kwarto ni Mikael at nag-aayos na siya ng mga gamit nilang dalawa para sa pagpunta sa resort at para sa pag-uwi nila. Napakunot ang noo niya ng hindi mahagilap ang isusuot niya sanang pares na underwear na color black. She remembers nilagay niya iyon sa taas ng bag niya kanina.

Napabaling siya kay Mikael na nakaupo sa kama at nakangising nakatingin sa kanya. "Babe! Nakita mo ba iyong a--ano ko?" Tanong niya dito.

"Anong ano?" Sabi nitong may naglalarong ngiti sa mga labi.

"Mikael!!!" Sabi niya sabay tayo galing sa pagkakaupo sa sahig. "You know what I mean! Nilagay ko iyon dito kanina bago ako nag-cr!"

Tumawa lang ito. "I don't know what you're talking about, babe." Painosenteng tanong nito.

"Isa! Give it back! Favorite ko iyon!" Inis niyang sinabi dito.

"Favorite ko na din yata iyon.." sabi nitong tumatawa pa.

"Sheeesh! Bahala ka na nga!" Inis niyang sinabi dito sabay irap at babalik na sana ulit sa pagkakasalampak sa sahig nang tumayo ito at hinila siya sa kama.

"Akin na iyon. Mamimiss kitang katabi eh. Isusuot ko iyon sa isang unan ko sa penthouse and pretend that its you beside me." Sabi nito pagkatapos siyang kandungin nito at pumalibot ang braso nito sa baywang niya.

"Ang manyak mo!" Sabi niya dito.

"Mahal mo naman! I can't wait na maikasal tayo.." Sabi nito sabay halik sa leeg niya. "Magkasama na tayo parati, magkatabi na tayong matulog at hindi lang.. hindi lang foreplay ang gagawin natin.. Hindi ka ba naeexcite, babe?"

Namula siya sa sinabi nito nang naisip niya ang ginawa nila ni Mikael sa dalawang gabi na silang dalawa lang ang nasa loob ng kwarto nito.

Damn Mikael!

Mimi & Chloe (GGIS#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora